•SAFIRO BALMORES MONTESALVE•
Nagising ako sa pagkakatulog ng may narinig akong nag uusap malapit sa akin. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang purong puti na paligid.
siguro ay nasa hospital ako dahil naalala ko na nawalan ako ng ulirat sa labas ng opisina ko, dahil sa lakas ng heat cycle na inilalabas ng katawan ko kaya hindi ko na nakayanan pa.
sinubukan kong luminga sa paligid at nang mapalinga ako sa bandang pinto ay nakita ko si mama na may kausap na lalaki.
ngunit nagitla ako ng si Heneral ang kausap niya na seryoso ang mukha, pero agad din itong umalis na seryoso at galit pa din ang mukha, kaya di ko na narinig kung ano ba yung pinag uusapan nila ni mama at bakit parang napaka seryoso ng pinag-uusapan nila.
at ng pagharap ni mama sa akin ay nakita ko ang gulat sa mga mata nito ng makita niyang gising na ako.
“Anak gising kana! teka lang tatawagin ko muna si Doc. Alvez.” -saad niya at dali daling lumabas.
maya maya pa ay dumating na si mama kasama yung Doctor na sinasabi niya.
“kamusta ang pakiramdam mo?”-tanong nang doctor sa akin, habang iniinspeksyon ako.
“Im okay Doc. medyo nahihilo pa ako ng konti?” -sabi ko sa kanya.
“That's good Ms. Balmores! so pwede ka ding ma discharge ngayon at mag bibigay na lang ako ng gamot na pwede mong inumin, at saka wag kang masyado magpagod kung saan buwan ng heat cycle mo para hindi mangyare ulit sayo ito, dahil napag alaman kong isa kang carriers. so yun lang iha take care of your self.” -nakangiting saad niya sa akin.
“okay! thank you po Doc.” -pagpapasalamat ko sa kanya ganun din si mama kaya tumango na lang si doc sa amin bilang sagot bago kami iwan.
“Anak ok kana ba talaga? dalawang araw kana kasing nakatulog dito sa hospital ng dalin ka ni Heneral dito.” -ani niya sa akin ng seryoso pero nagulat ako ng napag alaman kong si heneral pala yung nagdala sa akin dito.
“huhhhh! po si Heneral?” -gulat na tanong ko sa kanya.
“oo anak siya ang nagdala sayo dito at anak may dapat ka ding malaman?” -kinakabahang sabi sa akin ni mama.
“ano po yung dapat kong malaman mama? may sakit po ba ako? mamatay na po ba ako? ano mama?” -sunod sunod na tanong ko sa kanya. pero kinurot lang ako ni mama ng mahina.
“wala kang sakit anak! at hindi ka din mamatay.” -ani niya
“ehh ano po ang dapat kong malaman?” -naguguluhan kong tanong sa kanya.
“anak alam na ni Heneral na anak niya si Rhyser sayo, dahil may dala siya kaninang DNA result na patunay na anak niya si Rhyser, pero diko alam kung saan siya nakakuha ng sample. anak natatakot ako dahil galit na galit siya kanina at gusto na daw niya kayong kunin agad pag gising mo.” -seryosong sabi niya sa akin.
kaya naman nakaramdam ako ng takot dahil hindi ko alam ang gagawin, dahil ayaw ko ng makasama ang hayop na heneral na yun, dahil siya rin ang gumawa ng dahilan kung bakit ko siya iniwan at kinamuhian non.
baka kung hindi ko pa sila nahuli ni Maurice na kaibigan kong ahas na nag sisiping sa kwarto naming dalawa, ay baka hanggang ngayon nagpapaka tanga pa rin ako sa kanya.
“Mama! yung anak kong biik na saan?” -tanong ko sa kanya.
“kasama ng papa mo sa bahay anak.” -sagot niya sa akin.
“mama iuwi mo na muna ako sa bahay niyo, dahil ayaw kong maabutan ako ni Heneral dito dahil ayoko ko ng sumama sa kanya ilayo niyo po kami.” -nagmamakaawang sabi ko sa kanya at hindi ko na napigilan mapaiyak.
“shhhhhh... anak tahan na, sige na magbabayad ako para makauwi na tayo at pupunta din tayo agad ng papa mo ngayon sa cebu para don muna kayo magtago ng anak mo para hindi kayo makuha ni heneral.” -sabi ni mama sa akin habang nakayakap at hinahaplos ang likod ko para tumahan.
“salamat po mama” -naiiyak na sabi ko sa kanya.
“walang anuman anak at saka sabi din ni akiro na uuwi siya sa isang linggo, siguro anak pag uwi niya ay bumalik na agad muna kayo sa amsterdam para makalayo layo kayo sa kanya.” -ani ni mama sa akin, kaya tumango na lang ako.
“mama! paano yung kompanya? sino mag papatakbo non? habang wala ako, at saka hindi din pwede si papa dahil di pa siya magaling at sasama siya sa atin. -tanong ko sa kanya ng seryoso.
“wag kang mag alala anak uuwi na ang kuya Jacob mo sa isang araw, siya na muna ang mag papatakbo sa kompanya natin dahil nag aalala din yung overprotective mong kuya nong sinabi ko sa kanyang isinugod ka sa Hospital.” -nakangiting sabi sa akin ni mama kaya naman napatango na lang ako.
“sige na anak mag babayad na ako ng bill mo para makalabas na tayo agad, at baka maabutan pa tayo ng asawa mong Heneral dito.” -ani niya at dali daling lumabas.
—————————————————
•GEN. HARRISTONE MONTESALVE•
Nandito na ako ngayon sa Hospital para tingnan yung asawa ko kung gising na ba, dahil dalawang araw na rin siyang natutulog at napag napag planuhan ko din na kuhanin ko sila ng anak ko pag kagising niya.
oo anak ko! dahil lumabas na din ang resulta ng DNA test kahapon at napag alaman kong anak ko talaga yung batang kasama niya, nong una hindi ako makapaniwala pero kalaunan ay naniwala na din ako at sobrang natuwa. dahil pinaliwanag din sa akin lahat ng kaibigang kong Doctor na si Arish na pwede daw mangyare yun dahil baka isang carriers daw si safiro.
kaya pala nakaramdam din ako ng pag iinit ng katawan nong dinala ko siya dito sa hospital nong isang araw dahil buwan din pala ng heat cycle niya yun.
Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng kwarto ng asawa ko, pero nagulat ako nang makita kong wala na yung asawa ko sa kama, kaya agad agad akong napatakbo papunta sa Information Area ng Hospital para mag tanong.
“Miss! nasaan na yung pasyente sa Room 012?” -agad kong tanong sa babaeng nakaupo.
pero hindi niya ako sinagot dahil nakatitig lang ito sa akin, kaya sa inis ko ay hinampas ko ng napaka lakas yung imformation desk niya kaya nagulat ito at agad agad itong tumingin sa computer.
“ahhhh Heneral kanina pa po naka discharge yung pasyente don.” -nauutal na sabi niya sa akin kaya agad agad akong tumakbo ng galit na galit habang papunta sa parking lot kung saan nakaparada yung kotse ko.
“f**k! f**k! f**k! hindi ako makakapayag na takasan nila ulit akong mag ina dahil hindi ako makakapayag.” -mura at galit na sigaw ko habang minamaneho ko yung sasakyan ko ng napaka bilis papunta sa bahay ng asawa ko.
————
Dali-dali akong lumabas ng kotse ko ng makarating ako sa bahay kung saan siya nakatira at saka ako nag doorbell ng ilang beses pero walang nagbubukas sa akin.
“Pxtang Ina! Safiro lumabas kayo jan at uuwi na tayo sa mansyon ko ngayon din!” -galit na sigaw ko habang pinaghahampas ng yung gate ng bahay niya.
pero natigil ako sa paghahampas ng may nagsalita sa likod ko, kaya naman lumingon ako paharap at may nakita akong matandang babae.
“ahhh ikaw pala heneral, kung hinahanap mo ay yung lalaking maputi na mukhang babae na nakatira jan, ay kanina pa sila nagmamadaling umalis kasama yung mga magulang niya at yung anak niya.” -saad nito sa akin. kaya naman bigla akong naramdam ng galit.
“alam niyo po ba kung saan sila nagpunta?” -tanong ko sa matanda.
“ayyyyy!!!! yung lang po ang hindi ko alam heneral” -sagot niya. kaya naman nagpasalamat na lang ako dito at agad agad nag tungo sa sasakyan ko.
“Bullshittt! bullshit!!! Bullshit! hindi niyo ako matatakasan.” -sunod sunod na mura ko habang nasa loob ako ng sasakyan ko.
kaya naman agad agad kong tinawagan yung magaling kong kaibigan na si Lourdemios para humingi ng tulong sa kanya upang ipahanap yung asawa ko.
“ohhh anong sadya natin General fuckers? at napatawag ka.” -nang iinis na tanong niya sa akin.
“f**k you! lourdemios! hihiramin ko sana ulit ung magaling mong imbistigador para hanapin kung saan itinago ng byenan ko yung asawa at anak ko.” -seryosong sabi ko sa kanya.
“hahaha ang hina mo naman fuckersss! sabi ko na kasing ikadena mo na yung asawa mo ehhh para hindi na makawala, at owwwwwsss congrats fuckerss! may junior kana din pala katulad ni gagong Villamore hahaha putang ina ako na naman ang nahuhuli sa ating tatlo bullshit! at teka lang paano ka pala nagka anak don sa asawa mo eh lalaki din yun tulad ng asawa ko.” -natatawang saad niya at tanong sa akin.
“Gagu! hanapin mo na lang yung asawa at anak ko, wag ka ng maraming tanong hayup ka saka ko na lang sasabihin sayo kung paano nangyare yun.” -galit na sabi ko sa kanya.
“ohhhhh chill General fuckers! wag masyadong mainit ang ulo baka dimo na mahanap yung asawa at anak mo hahaha at saka ninong ako huh wag mong kakalimutan” -nang aasar na sabi niya sa akin.
“txng ina mo ka!” -mura ko sa kanya, pero tinawanan lang niya ko, kaya sa inis ko ay pinatayan ko siya ng tawag.
pero alam ko naman na tutulungan ako nong gagong kaibigan ko na yun, dahil may kapalit na malaking halagang pera yung hinihingi kong tulong sa kanya.
“Pagnalaman ko lang kung saan itinago ng magaling kong byenan yung asawa at anak ko, ay malilintikan sila sa akin kahit na sila pa yung magulang ng asawa ko.” -ani ko sa sarili ko habang nakakuyom ang mga kamay.