GENERAL’s 5

1135 Words
•SAFIRO BALMORES MONTESALVE • ”Anak okay ka lang ba? kaya mo bang pumasok ngayon sa kompanya?” -nag aalalang tanong sa akin ni mama. “ayos lang po ako mama atsaka kaya ko pa naman pong pumasok.” -medyo nanghihinang sabi ko sa kanya. “pwede ka namang magpaliban muna sa trabaho ngayong araw at bukas ka na lang pumasok kung maayos kana.” -ani pa ni mama sa akin. “Hindi pwede mama! marami pa akong kailangang pirmahan sa opisina ko. sige na mama papasok nako kaya na pong bahala dito sa biik kong anak.” -sabi ko sa kanya at saka hinalikan yung anak ko, tumango na lang ito sa akin bilang pag sang ayon pero nababakas parin ang pag aalala niya sa akin. napasugod kasi dito si mama sa bahay namin dahil sa pag aalala ng anak ko sa akin kanina, dahil nakita niya akong nakahawak sa tiyan at nagsusuka sa loob ng CR dahil ito din kasi yung buwan na active yung hormones ko bilang isang carriers at kung saan madali din akong mabuntis. ————— Nandito na ako ngayon sa opisina at pinipirmahan yung mga dokumento na hindi ko na tapos kahapon, pero na patigil ako sa pag pipirma dahil biglang pumasok yung secretary ko. “Maam! may meeting daw po kayo ngayon about sa bagong investor niyo sa conference hall.” - ani niya. “okay! paki sabi in 5 minutes nandon nako.” -nanghihinang sabi ko sa kanya. “Maam! okay lang po ba kayo? gusto niyo po bang ipancel ko muna yung meeting? mukha po kasi kayong namumutla eh.” -nag aalalang tanong niya sa akin. “Nope! ok lang ako ibili mo na lang ako ng Fries at Chicken Burger sa Mcdo para may makain ako mamaya.” -nakangiting utos ko sa kanya, (wala kasi ako sa mood na sungitan siya ngayon) kaya naman tumango na lang ito bilang sagot at saka umalis. Buti talaga hindi na nang gugulo si Heneral akin, dahil baka mas lumala pa ang kalagayan ko ngayon. at saka bawal din kaming magkita habang nararamdaman ko pa itong pagiging active ng mga hormones ko, dahil sabi ng doctor sa akin noon na mas lalo daw tataas yung libido ko pag nakadikit kami nong unang nakabuntis sa akin. at makakaramdam din daw yung unang nakabuntis sa akin ng sobrang init na pakiramdam sa katawan pag nagkadikit yung mga balat naming pareho. palabas na sana ako ng opisina ko ng bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahawak ako kaagad sa pinto at ikinalma ko muna yung sarili ko, at saka ko binuksan yung lock ng pinto pero nakakatatlong hakbang pa lang ako palayo sa opisina ko ay bigla akong natumba at saka nawalan ng ulirat dahil sa sobrang pagkahilo, pero naririnig ko na lang yung mga ibang empleyado ko na sumisigaw at nagkakagulo. ———————————————— •GEN. HARRISTONE MONTESALVE• •nakakuha ka na ba impormasyon sa asawa ko noong nakalipas na tatlong taon?” -tanong ko sa imbistigador na tauhan ko. “ayun po sa nakuha kong impormasyon sa asawa niyo Heneral. napag alaman ko pong nagmo-model yung asawa niyo sa Amsterdam sa kanyang kompanya, at ka business partner niya po si Mr. Bradford at nalaman ko din po sa mga bahay ampunan na wala silang record na patunay na nag ampon sila ng bata sa amsterdam at dito sa pilipinas. at about naman po sa batang kasama niya ay wala pa po akong nalamang impormasyon, dahil siguro tinutulungan din ni Mr. Bradford yung asawa niyo na itinago yung impormasyon tungkol sa batang kasama niya.” -seryosong sagot niya sa akin “that bullshit bradford! papatayin ko talaga yang hayop na yan pag nalaman ko na talaga ang totoo?” -galit na sabi ko habang nakakuyom ang aking mga kamay. “sige makaka alis kana! at pakitanong din kay Doc. Suariz kung Kailan lalabas yung resulta na pina DNA test ko sa kanya.” -seryosong utos ko sa kanya. ”sige po Heneral! masusunod po.” -huling saad niya saka lumabas na ng opisina ko. mag iisang linggo na din pala akong hindi nanggugulo sa asawa ko sa opisina niya, dahil sa paghahanap ko sa mga letcheng impormasyon tungkol sa kanya at don sa anak niya. at about don sa DNA test naman ay nagpakumuha ako ng buhok ng anak niya, na ipinag utos ko sa isang guro kung saan nag aaral yung anak niya, at alam kong anak ko din yun dahil malakas ang kutob ko simula nong una kong makita ang anak niya. at sa oras talaga na tama ang hinala ko ay kukuhanin ko silang dalawang mag ina at ikukulong sa loob ng mansyon ko para hindi na sila makatakas pa sa akin, dahil tama na yung tatlong taon nila akong pinag taguan at kung sakali mang totoong anak ko din talaga yung batang kasama niya. at sa oras din talaga na malaman kong maaari pala siyang mabuntis ay gagawa ako ka agad ulit ng magiging bunso ko sa kanya, para hindi na siya malapitan ng gagung Bradford na yun. ———— pero bigla akong nagitla sa pag iisip dahil may naririnig akong mga nagsisigawan at nagkakagulo sa labas ng opisina ko. tatayo pa lang sana ako para silipin kung ano ang nangyayare, pero biglang pumasok yung isang tauhan ko na nagbabantay sa asawa ko. at mukhang galing pa sa paktakbo dahil pinagpapawisan pa ito at mukhang kinakabahan din. “anong ipinunta mo dito?” -seryosong tanong ko sa kanya. “ammmpp kasiii po heneral! ahhhh kasi po.” -nauutal na sabi niya, na para bang may hindi siya magandang sasabihin sa akin. “bullshit! ano ang sasabihin mo?” -sigaw ko sa kanya. “Heneral! si Ma'am Safiro po hinimatay po siya labas ng opisina niya.” -nauutal pa na sabi niya sa akin na siyang ikinagulat ko. “Anoooooo” -sigaw ko at biglang napatayo dahil gulat, kaya agad agad akong lumabas ng opisina at nagtungo sa labas ng opisina ng asawa ko na tatlong pinto lang ang pagitan namin. nakita ko siyang nakahiga sa sahig at akmang bubuhatin na dapat siya ng gagung Sales Manager ng kompanya na alam kong may pagtingin sa asawa ko, kaya naman bigla akong sumigaw at napatingin lahat ng empleyado sa akin. “putang ina m*! wag mong subukang hawakan ang asawa ko, kung ayaw mong mawalan ng mga kamay.” -sigaw na banta ko sa kanya. kaya maman napa atras ito dahil sa takot sa akin. kaya naman dali dali kong binuhat yung asawa ko pero nabigla ako dahil bigla akong nakaramdam ng matinding init sa aking katawan, at biglang tumigas yung ari ko. pero pinagsa walang bahala ko na lang ito at tumakbo patungo sa parking lot ng kompanya para dalhin siya sa pinapaka malapit na hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD