•SAFIRO BALMORES MONTESALVE•
Habang nag nagpipirma ako ng mga dokumento dito sa loob ng opisina ay narinig ko nanaman yung boses ni Heneral na nanggugulo sa labas ng opisina ko. actually tatlong araw na rin siyang pabalik balik at ng gugulo sa akin sa labas.
“bullshit! papasukin niyo ako mga hayup kayo kung hindi papatayin ko kayo. mga gagu!” -sigaw at banta ni Heneral sa mga bodyguard ko sa labas.
napapangisi na lang ako ngayon dahil sa sitwasyon niya.
“Sorry po Heneral! pero mahigpit na bilin samin ni Ma'am na wag na wag kayong hayaang makapasok sa opisina niya.” -madiing sagot ng isang bodyguard ko sa kanya.
“Ehhh Pxtang ina mo! hindi niyo ba alam na asawa ko yan, kaya papasukin niyo ako kung ayaw niyong pasabugin ko yang mga bungo niyo. mga gagu!”-galit na sabi niya sa mga bodyguard ko
”Sorry po talaga Heneral! pero hindi po talaga kayo pwedeng pumasok sabi ni Ma'am.” -ani ng isang bodyduard ko.
Effective din naman pala yung paghingi ko ng mga bodyguard kay papa hahaha.
“mga pxtang ina nyo huh!” -rinig kong mura niya sa mga tauhan ko sa labas.
pero nagitla ako sa pakikinig sa labas ng may narinig akong mga nagsisigawang tao sa labas ng opisina ko.
kaya naman biglang pumasok yung sekretarya ko dito sa loob ng opisina ko na mukhang pinagpapawisan pa.
“Maam! si Vice-President General Montesalve po nakikipag bugbugan sa mga bodyguard niyo sa labas.” -nagpapanik na sabi niya sa akin.
kaya naman dali dali akong lumabas ng opisina ko para awatin yung gagong Heneral.
“Anong kagaguhan naman ang nangyayare dito?” -sigaw na tanong ko sa kanila.
saka ko iginala yung paningin at nakita kong hawak pa ng gagong heneral yung isang bodyguard ko na putok ang labi at isang mata.
“Bitawan mo siya!” -galit nasigaw na utos ko sa kanya.
kaya naman agad niyang binitawan ng marahas ang bodyguard ko kaya napaupo pa ito sa sahig, at agad agad namang tinulungan ng ibang bodyguard ko yung nabugbog na kasamahan nila.
“ohhhhhhh! your here! akala ko hindi mo na ako lalabasin dito ehh, tatlong araw na din yun huh! asawa ko.” -nakangising sabi niya sa akin.
nakita ko pa yung mga empleyado ko na halatang gulat sa narinig nila sa heneral na to.
“Magsi-alis muna kayo sa lugar na to at magsi kain muna kayo ngayon din.” -sigaw na utos ko sa kanila, kaya naman dali-dali silang nagsi alisan lahat.
“at kayong apat maiwan kayo dito! hayaan niyo na lang yung isa ang magdala sa nabugbog na kasamahan niyo sa clinic dito sa Kompanya.” -utos ko sa papaalis na sanang mga body guard ko kaya naman tumango sila bilang pag sang ayon at naiwan ang tatlo sa tabi ko.
mabuti nang handa ako baka kasi may gawin na namang hindi maganda itong heneral na to sa akin tulad nong nangyare sa conference hall.
“Anong kagaguhan ang ginagawa mo dito? hindi mo ba alam na nakaka istorba ka sa mga empleyadong nagtatrabaho dito, vice-president ka pa naman sa kompanyang ito.” -galit na sermon ko sa kanya.
“wala akong paki ilam sa mga pxtang inang mga empleyado na yan at ikaw bakit mo ako tinataguan huh!” -sigaw at duro niya pa sa akin.
“tanga kaba? malamang ayoko sa mga nang gugulong malibog na tulad mo heneral.” -natatawang sabi ko sa kanya.
pero nanlilisik pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
“fuckkkkkk! hindi ako nanggugulo at saka hindi din ako malibog dahil asawa pa din kita kaya kahit anong gusto kong gawin sayo ay may karapatan parin ako.” -galit na sabi niya sa akin.
“Asawa! karapatan! nagpapatawa kaba Heneral? at saka hindi mo ba alam na may anak at pamilya nako at ikaw lang naman tong gagong ayaw pirmahan yung divorce paper na pinapadala ko sayo noon pa.” -sarkastikong sabi ko sa kanya.
“Putang inang anak at pamilya yan wala akong paki ilam sa kanila hanggat kasal tayo akin ka! akin ka!” -malutong na mura at sigaw nito sa akin.
Pakkkkkkkkkkkk (imagine niyo na lang na sinampal si heneral low budget ako eh)
kaya naman sinampal ko siya nang napakalakas dahil narinig kong minura niya yung anak ko.
“wala kang karapatang murahin ang anak ko! gagu ka!” -duro at sigaw ko sa kanya, na mukhang nahimasmasan naman siya sa tindi ng pagkakasampal ko sa mukha niya.
“Wala ako————“ -sabi niya.
pero natigil ang sasabihin niya nang may narinig kaming maliit na boses na sumisigaw papunta sa akin.
“Mimi ko! Mimi ko! Mimi ko!” -sigaw nang biik kong anak, habang tumatakbong papunta sa akin.
kaya naman binuhat ko ito nang pagkarating niya sa akin.
“Anong ginagawa mo dito baby? at sinong kasama mong pumunta dito? -tanong ko sa kanya.
“Mimi! dito daw po muna ako sabi ni lolo at lola kasi lolo go the hospital po, bawal daw pong children don kaya naman hinatid po nila ako dito at ibinigay nila ako don sa sekretarya niyo po para ipunta dito. pero sa labas lang po ng pinto niya ako hinatid kasi bawal daw po siya pasok dito kasi may kausap daw po kayong mamang lalaki.” -masiglang sagot niya sa akin, na medyo umaayos na din ang pagsasalita niya.
pero bigla akong nakaramdam ng takot ng marinig kong tumikhim ang gagung heneral na nasa harap ko, kaya naman biglang umakyat yung dugo ko sa pataas dahil sa takot na baka makahalata siya.
shocckkk hindi niya pwedeng makita ang anak ko.
“siya po ba mimi yung kausap mong mamang lalaki?” -ani niya sabay turo kay Heneral.
“Ahhhhh oo baby” -nauutal na sagot ko sa anak ko.
“Hello po! sa inyo mamang lalaki.” -masayang bati niya kay heneral.
pero nang sulyapan ko si Heneral ay titig na titig siya sa anak ko at may nakita akong saya sa mga mata niya pero seryoso pa din ito.
“ahhhhh anak pasok ka muna sa opisina ni Mimi don at may pag uusapan pa kasi kami ni mamang lalaki ok.” -nauutal na utos ko sa kanya at itinuro pa yung pinto ng opisina ko.
“okay po mimi! pakibilisan po ahh nagugutom na din po kasi ako ehhh gusto ko na pong kain ng hiken at pagheti.” -masayang sabi niya sa akin kaya naman tumango ako sa kanya at ngumiti.
“yeheeyyy here we go hiken and pagetti” -masayang sabi niya kaya dali dali din itong tumakbo papasok ng opisina ko, pero pinasunod ko din yung isang bodyguard ko para bantayan yung biik kong anak.
saka ako sumulyap kay heneral na tinitingnan pa yung anak kong tumatakbo papasok ng opisina ko.
“nakakahalata na kaya siya wag naman sana” -ani ko sa sarili ko.
“yun na ba yung anak mo? ilang taon na siya?” -tanong niya sa akin ng sersyoso.
“ahhhh oo! tatlong taon na siya.” -sagot ko sa kanya.
“bakit parang kamukha ko ata yung anak mo?” -nakangising tanong niya sa akin.
wag naman sanang pumasok sa utak niya na baka pwede akong mabuntis dahil may nangyare sa amin noong nakalipas na tatlong taon bago ko siya iwan.
“ahhhh ehhh baka nagkataon lang” - nauutal na palusot ko sa kanya.
“bakit ata pinagpapawisan at namumutla ka asawa ko, wag mong sabihing nabuntis kita noon at yun yung anak natin?” -tumatawang tanong niya sa akin, ng may nakakalokong tingin.
“hahaha nagpapatawa kaba Heneral? bakit naman ako mabubuntis eh wala nga akong matress dahil lalaki ako.” -medyong natatawang sabi ko sa kanya at pilit hindi mautal.
“malay natin? kung pwede ka pa lang mabuntis kahit lalaki ka, dahil may isang pasyente yung kakilala kong Doctor na si Arish na buntis na lalaki.” -sabi niya sa akin pero hindi parin nawawala yung mukha niyang nakangisi.
“Hahaha wag ka ng umasa heneral! sige mauna na ako baka nagugutom na yung anak ko.” -sabi ko sa kanya na pilit ang tawa. saka ako tumalikod para pumunta sa opisina, Dahil kailangan kong umiwas sa mga tanong niya baka makahalata na siya ng di oras.
“Siguraduhin mo lang asawa ko! na hindi tama ang lahat ng hinala ko, dahil oras na malaman ko na may itinatago kang sekreto sa akin ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.” -seryosong banta niya sa akin. pero hindi ko na siya kinibo pa.
nang makapasok ako sa loob ng opisina ko ay napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil sa kaba na baka nakahalata siya.
“Mimi! ayos lang po ba kayo?” -nag aalalang tanong ng biik kong anak sa akin.
“oo baby! ayos lang si mimi.” -nakangiti kong sabi sa kanya.
“Maam! ito po tubig” -alok ng bodyguard ko, na tigabantay ng anak ko.
“salamat!” -nakangiting sabi ko sa kanya.
Anong nang gagawin ko pag nalaman niya na ang itinatago kong sekreto? hindi ako makakapayag na kunin niya ang anak ko, dahil hindi ko kaya.