“Black Summoner?” Kahit na matagal na siya namumuhay sa lunsod na ito. Ito ang unang beses na narinig niya ang propesyon na iyon. “Oo, espesyalidad ko, tawag, ammm, kalansay. Oo kalansay!” “Itim na salamangka!” Bulalas niya. Mukhang masyadong malalim na salita iyon para kay Yani kaya hindi nito naintindihan ang sinabi niya. “Kaya pala…kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko nang makita kita. Isa kang itim na salamangkera! Danny, saan mo ba nahanap ang taong ito at ba’t tinanggap mo siya sa grupo natin?” “Alexandre, kumalma ka nga. Ano ba ang nangyari sa`yo at ganyan na lang ang reaksyon mo?” “Hindi mo ba nakikita, isa siyang itim na salamangkera!” “Pfft.” Biglang natigilan siya. Napalingon siya sa katabi ng dalaga. Do’n lang niya napagtanto na ang taong katabi ng dalaga ay isang batan

