“Sabihin mo, nasaan si Lucis—nar?” Bumakas ang pagtataka sa hitsura ni Alexandre. “Lucis? Sino iyon?” Biglang naasar si Enmo nang makita niyang nagmaangmaangan pa ito. Sigurado siya na gumaganti lang ito sa kanya dahil natalo ito sa paligsahan. Kaya nandito si Enmo sa ospital kung saan pinasok ang lalaking mortal na ito para kumpirmahin ang hinala niya. Noong una pa naman ay napansin na niya ito no’ng unang araw na nagsimula ang paligsahan. Kakaiba ang tingin na pinukol nito. Akala noon ay ang taong pinukulan nito nang tingin ay ang kanyang master dahil nga hindi nito gusto ang mga taong may alam sa itim na salamangka, pero hindi tumatagal ay napagtanto niyang nagkamali siya ng iniisip. Ang poot nito ay direkta sa kanya, dahil ba sa espiritu siya ng dilim? No, alam niya na hindi lang

