#8 'Be Happy'

332 Words
"Ahm Fred...." [Hi, Willa.] "Pwede ba tayong magkita? Sa Tambayan lang naman. May sasabihin kase ako sayo eh." Kinakabahang sabi ko sakaniya. [Sure. Ikaw pa! May sasabihin din kase ako sayo eh] "Talaga? Sa Tono ng pananalita mo parang masaya ka ah" [ahuh... Kitakits nalang sa tambayan ha?! May inuutos pa si mama eh. See you] "sege" at pinatay ko na ang tawag. Humarap ako sa salamin at ngumite "Aamin na ako sakaniya...Sana magkatulad kami ng nararamdaman para sa isat isa." *** Tambayan*** Nakita ko si fred na nakatalikod. 'Simula noong nakilala ko siya, palagi na niya akong iniinis, palagi niya akong pinagtitripan, palagi na niya akong pinapatawa, pinapangeti. Kaya siguro diko namalayan na nahulog na pala ako sakaniya.' "Fred..." pagkalingon neto ay gulat akong napatingin sa babaeng kasama nito. Diko kase ito nakita pagkadating ko, ngayon lang na malapit ako sa pwesto ni fred. "Insan? Bat? Bakit ka andito?" Takang tanong ko dito. Ngumite lang ito at binati ako. Lumapit si Fred sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Fred?" "Willa, Diba nangako tayo sa isat isa noon na, kapag may boyfriend kana, ako ang una dapat makaalam nun, Tas pag may girlfriend na ako, ikaw naman ang unang makaka alam." Nakangeti ito habang sinasabi nito ang pangako namin sa isat isa. Ako? Ito, kinakabahan. "Fred..." "Willa, I want you to meet my girlfriend... Violet." Nakangeti nitong nilapitan si Insan at inakbayan. Ako? Well, gulat na gulat lang naman. Akala ko, Akala ko may nararamdaman din siya sa akin. Wala pala. "Willa..." Tawag ni fred and Violet sa akin Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pinahid ko ito at Ngumite ako sakanila. "Im Okey. Nagulat lang ako....Congrats nga pala. Diko alam na mapapaiyak ako sa ganitong sitwasyon haha.. sorry sorry" "Willa diba may sasabihin ka?" "Ah, yun ba? Nakalimutan kuna dahil sa gulat eh. Congrats nalang and be happy guyss..." At tumakbo na paalis sa lugar na iyon ng walang paalam. 'Be happy' The End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD