CHAPTER 3

5729 Words
"Sometimes we need to do the wrong things, for the right reason." - Miranda Santillian. Newfound Friendship.               *** Bellarose Martinelli.  As usual, pag gising ko ng umaga after the mind and heart wrecking night, nagising nalang ako na nasa ibang cottage na naman ako. Oh damn. Ang sakit ng ulo ko.. It feels like it's breaking in half because of the excruciating headache. Napa hilot ako sa sintido ko to atleast help me with this effin headache. "Oh, nice timing. Here breakfast and some pain killers to your headache." I was taken a back when I heard the girl who I didn't saw come inside the room I was in. Ang tindi ng kunot ng noo ko ng nilapag nung girl na hindi ko kilala sa side table ng kama. Inilahad niya sakin ang isang tablet ng biogesic at isang bottled water. I form an involuntary small smile when I saw the biogesic tablet. Halatang Filipino ito. Or some kind of half filipina and half foreigner. She has a beautiful pairs of blue eyes, that's why. "Thank you." I said then take the tablet. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. "You're welcome." She said then give me a small smile. Kinuha niya yung water bottle ng matapos ako tska niya naman nilapag sa tabi ko yung tray. Habang pine-prepare niya yung tray hindi ko maiwasang tignan siya. "You looked kind of familiar. Do I know you?" Sabi ko. Nabigla naman ako ng pinapasubuan pa ako nito. Like seriously? Do I look like a kid to her? Kinuha ko nalang yung spoon at sinabing ako na ang gagawa non. She just shrug then stare at me with a blank stare. "Anyways, no need to answer that. Did we hit it off last night?" I form a teasing smirk. She just rolled her eyes at me annoyingly. Kaya mas lalong lumawak yung ngisi sa labi ko. "Don't flattered yourself too much, Miss. Did you even know what happened last night?" "Well, I hope there something happened between us last night, cause it's a shame if n--" Napa singhap ako sabay napa nganga ng biglang nag landing ang kamay nito sa pisngi ko. "You can say a simple thank you, you know. I didn't know na bastos ka pala.." Oh so I'm right. She's filipina.. Or half Filipina. She rolled her eyes at me again. Napa ngiti ako ng malawak. "You like me aren't you?" Naiinis siyang tumayo at nag crossed arms. "Ang yabang mo, ampao ka naman." Akala niya siguro hindi ko siya naiintindihan. Haha this girl really. "Talaga? Ako ampao? I have abs you know. Did you see this muscles? Tapos ampaw pa ako nito sa paningin mo?" Tinaas ko yung manggas ng sweat shirt na suot ko tska pinalabas ang muscles ko. Kita ko namang nagpipigil siya ng tawa. "So you know tagalog." I wiggle my eyebrows. "I know everything about Philippines. I live there for like 1/4 of my life." This time, bigla nalang siyang natawa ng malakas. Napa hawak pa siya sa tyan niya ha. Ang cute niya actually. Naiiling nalang akong nag pa tuloy sa pag kain ko tska siya hinayaan tumawa ng tumawa sa harapan ko. Baliw ata 'tong babaeng 'to. Sayang maganda pa naman siya. "Oh gosh!" Natatawa niyang pinunasan ang gilid ng mata niya. "How can I imagine 1/4 of your life? Haha! Nice expression though.." Tatawa tawa pa niyang patuloy. "Oh gosh.. Thank you, ngayon nalang ako ulit naka tawa ng ganon." "I can see that. You should do that often you know. Bagay sayo kapag naka ngiti ka." I said sabay subo ng pancakes. This is really good pancakes by the way. Kudos to who cook this. This is most people say food for the soul. "You like it?" Tumabi uli siya sakin sa kama tska may hope sa mga mata niyang tinignan niya ako. Tumango tango ako tska sinubo yung strawberry. "Who cook this? Papakasalan ko siya ngayon din.." She give me a tight lip smile. "I did." Ngumisi ako sakanya. "Will you marry me then?" Natatawang naiiling-iling siya sakin. "No. Hindi pa nga na finalize yung devorse ko. Or kailangan pa ba nun because it's a sham marriage anyway." I felt sorry right away.. "Oh sorry.." Natahimik kaming dalawa. "Did you know that I watch her when she was marrying someone else?" She said that out of nowhere. Napa ismid ako. "Oh you tell me about that.." I sighed upon remembering Mara again. Bigla ay naramdaman ko ulit yung lungkot at sakit. "Oh ikaw din?" Tumango tango ako bilang sagot. "Nice team kawawa pala tayo." I raised my eyebrow because of that. "Bakit naman kawawa? We can do everything in this world besides crying for someone who will never come back again." I said out of spite. I will never look down on myself because I was heart broken. I was just broken not broke. "What happened though?" May pag-alala sa boses at mga mata niya. Should I tell her about Mara? Or how I feel for her? Well, wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko right? Pagod na rin akong kimkimin itong nararamdaman ko. I want to finally move on.. Masaya na siya sa iba so I need to move on with my life. Maybe hindi talaga siya para sakin.. I took a long painful sigh as I finally tell someone whom I don't really know personally. Kudos naman sa hindi kami magka kilala. At least kapag hindi namin kilala ang isa't-isa. Walang manghuhusga. May nabasa akong pag-iintindi sa mga mata niya matapos kong mag kwento. Halatang hindi siya judgemental. "Sometimes, we need to do the wrong things for the right reasons." Mapaklang ngumiti ako sakanya tska nagpakawala ng buntong hininga.  "Mahal mo pa siya?" She asked. Tumango tango ako. "Mahal na mahal." Dagdag ko pa. She nodded in understanding. "Gusto mo na ba talagang mag move on?" Again, I just nodded. "Ikaw ba?" Tumirik ang mga mata niya dahilan para matawa ako ng onti. Grabe, ang sarap tumawa ng ganito ulit. "Gustong gusto ko na talagang pakawalan itong nararamdaman ko sakanya." She said out of sadness. Ako naman ang nag tanong kung napano sila nung ex-girlfriend niya, or should I say ex-wife. "Oh gosh. Napaka gago nung ex mo na yun.." Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis at galit sa mga narinig ko sa kwento niya. "Perri said the same." I raised my eyebrow to that. Perri? Perri Cavallari? Biglang nanlaki yung mga mata ko sa na realize. "Perri Cavallari?" She glance at me, she was obviously taken a back. "You knew my best friend?" She asked confuse. "Yes. So you're Glace Santillian?" Oh damn! Kaya pala pamilyar siya sakin. I'm so stupid gosh. Hindi ko namalayang kausap at kaharap at nasa cottage pa ako ng idol ko. She smile at me tska niya nilahad ang kamay niya sakin. "Actually, it's Miranda Santillian. Glace is just my stage name." Miranda Santillian? I think I heard the name before. It's very familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya narinig. I slide my hand to hers. At ang lambot ng kamay in all ferness. Halatang alagang alaga ang kutis niya. "Bellarose Martinelli." Bigla niyang binawi ang kamay niya. I was left shock. "You're Mara Santos ex-girlfriend?" Kunot noong tanong niya. Halatang nabigla din siya. "Yes. And I think it's best to call her by Mara Prado, now." Her mouth form an "O" shape. Lumihis ang tingin nito at halatang may malalim siyang iniisip. "Oh it all makes sense now." Wala sa sariling bulong niya tska ito napa takip ng bibig. "Huh?" I asked not quite sure kung anong ibig niyang sabihin. "Wow. What a really small world. I'm Raven's ex-wife." Mula sa pagka kunot ng noo ko ay unti-unting lumaki ang mga mata ko sa narinig at na realize. Gosh, what really a small world indeed. "By the way, paano ako na punta dito?" ****** Angel in Disguise.            *** Miranda Santillian. Habang kumakanta ako ng original song ko ay nahagip ng paningin ko ang isang babaeng nasa hindi kalayuang pang single table, she was crying her heart out.. I felt really bad for her. And the same feeling I felt when I saw that blonde woman who was crying beside the big rock in Hawaii - I feel like I was feeling her pain. They kinda look the same though. Same blonde hair, same body type. Hindi ko lang sure if siya nga yon dahil medyo madilim ng onti sa kung nasan siya. Pagka tapos ng gig ko sa bar ng best friend s***h manager ko na si Perri Cavallari, nag paalam na din ako na uuwi na at magpapahinga. Perri hugged me before she finally let me go. I know that hug though. That only meant one thing. She was just saying na nanjan lang siya para sakin. I grab my bag from Perri's office tska na ako lumabas ng bar niya. Nag lakad ako sa tabi ng dagat dahil gustong gusto kong nararamdaman sa paa ko ang splash ng tubig dagat. I need fresh air too kaya pinili kong mag lakad sa pampang ng dagat and beach gives me peace. Ang bigat bigat pa rin ng kalooban ko at higit sa lahat, ang lungkot lungkot ko. I missed Raven.. So much.. Pero kailangan ko ng tigilan ang kahibangan kong 'to. Hindi na siya babalik sakin dahil kasal na siya sa iba. Napabuga ako ng malalim na hininga. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Gosh kailan ba ako titigil sa pag-iyak? Speaking of which, natigil lang ako sa pag-iyak ng maka kita ng isang bulto ng babae ang naka higa sa tabi ng dagat, ang daming bote ng alak ang naka paligid sa tabi niya, basang basa din siya dahil na aabutan siya ng alon dito sa pampang. Parang hinaplos ang puso ko sa nakita, hindi na ako nag dalawang isip na puntahan siya dahil dali dali akong lumapit sakanya. "Miss, are you okay?" That's a dumb thing to ask considering she's unconsious. Gosh I felt stupid right now. Tinapik tapik ko ang pisngi niya pero ungol lang ang naririnig ko sakanya.. Matinding awa ang naramdaman ko sakanya. Naku, ang lamig lamig na siguro ng nararamdaman niya. Bakit ba walang tumulong sakanya dito. Hinawi ko ang hibla ng buhok niya sa mukha niya, at ganon nalang ang pagka bigla ko ng makita ko ulit siya.. She's the same woman I saw in Hawaii nuong nakaraan. And she's the same woman I was staring at a while ago. "Oh you're such a drunky girl." Naawang sabi ko tska tinulungang tumayo, sinukbit ko ang mahaba niyang kamay sa balikat ko at medyo nahihirapan ako dahil sa tangkad niya at idagdag pa na lasing siya at unconsious. Halos yakapin ko na siya para lang hindi kami matumba. Out of nowhere may lumapit saking isang butihing lalaki at nag presinta na tulungan ako. Nagpa salamat naman ako sakanya at tulong kaming binuhat si drunky girl papunta sa bahay ko. Matapos namin siyang naihiga sa kama ko ay sobrang pasalamat ang sinabi ko sa lalaking tumulong sakin, I offer him coffee or something to repay him pero tinangihan niya ako and he said that he just happy to help. Kahit papano, may matitinong lalaki pa pala ngayon sa panahon ngayon. Napahinga muna ako ng malalim tska pinatitigan si angel. She really look like an angel so that's why.. I just shook my head and prepare something like a warm water bath and a clean comforting clothes for her to wear. Basang basa talaga siya eh. Tinanggal ko muna lahat ng damit niya pwera undies. Gosh how can I change her undies? Oh I'm doomed.. All the time I was cleaning her, tulog na tulog parin siya. Naawa at nalulungkot ako sa nakikita ko sakanya, kahit tulog siya, halatang malungkot siya. Or not? It's just weird that I was feeling her pain. I find that really weird.. Why would I feel someone's pain? That's rediculous. Maybe she was brokenhearted too? Hmm well, I don't know for sure. Nuong papalitan ko na siya ng undies ay pinatay ko ang ilaw para palitan ang undies niya. I don't want to take advantage of her beautiful body. Kahit naka kita na 'ko non dati, I still respect her privacy. Ng matapos ako sa lahat, I found myself staring at her angelic face. God, she was so beautiful. Well, beautiful is an understatement. She looked like a total goddess of olympus. Ang perfect naman niya masyado. Pero masyado siyang drunk hard.. Ayoko pa naman sa taong idadaan ang sakit sa alak. Because alcohol is not a good solution for your problem or heartache. Napailing nalang ako sa sarili atsaka na pinatay ang ilaw at sinindihan naman ang lamp shade sa side table para maka kita parin siya mamaya kung mag decide man siyang mag CR or what. Kapag kasi pinatay mo ang ilaw, literal na pitch black ang sasalubong sayo. Nasa gilid kasi ng bundok ang cabin ko and I don't used electricity. I used solar panel instead and when the night came, meron naman akong generator. In short, I was living off the grid. I like to keep my life simple. Dahil duon naman ako nag simula nuong una. Mahirap lang naman kasi kami dati nuong nasa Pilipinas pa kami ni Mama. Nasa probinsya kami dati ni Mama pero nuong nasa edad bente singco nako, kinuha ako ni Papa na hindi ko alam na mayaman pala. Anyways, naligo na ako at nag palit ng sweat shirt and pants bago pumasok sa aking guest room at bago pa ako maka tulog ay naisip ko naman si Goddess sa kwarto ko. Naisip ko lang, okay lang kaya siya duon? Alas siete na ng magising ako kinabukasan, usually I woke up 6 am. Nag tootbrush muna ako tska nag hilamos bago pumunta sa kitchen at nag luto ng breakfast for my guest. ****** Isang malaking OMG! Wow! Like really?! She's the ex-girlfriend of my ex-girlfriend wife? "Ohhh so you're my angel in disguise. Wow bagay sayo.." Napa tirik nalang ako ng mata sakanya. "Please stop hitting on me, Bellarose." She pouted. "Sayang. Akala ko makaka lusot eh.." Umismid ako. "Anyway, thank you really for keeping me in your humble yet very gorgeous home. I'm sorry if I was hitting on you a while ago, maybe it's just my nature you know after my heartbreak. That's not fair to you because you're so nice to me so I'm saying my apology to you, Miranda." Ngumiti ako sakanya. This time yung totoong ngiti na. "You're welcome, Bellarose." Siya naman yung ngumiti sakin at ewan ko biglang lumundag yung puso ko sa ngiti niya. Ang ganda kasi talaga niya ehh. "You can call me, Belle if you want. Since you're my friend now, I will let you call me by my nick name used by only my best friend but you are the only exemption." She added a wink. I just shook my head at her in disbelief. Talagang itong babaeng ito oo. "You can call me, Mira. Since I accepted your friendship, you can call me by my nick name used by only my best friend and I guess you are the only exemption." Tuluyan na siyang napa tawa tska kami nag high five. "Nice. I like your sense of humor.. So this is the first day of our moving on process, agreed?" Napa tango tango ako. "Oh I agree." "Nice. If our exes are the team happily married, hindi tayo papahuli. We're the team healing hearts, agreed?" "Oh damn right!" I exclaimed. "We can be broken together and move on together until our heart finally heal. But for now, let's be broken together. We can take it step by step until we reach the final step which is, the healing stage." Kahit baduy man pakinggan. I can't agree more to her. She have a point. "Yes. Let's be broken together." I was going to high five her hand but instead, she pulled me for a hug. I hug her back and we both wear the thing we didn't do much because of our heartache. We wear our smile. The real smile this time.. This is the start of something, I just didn't see it in the first place..  ****** Mistaken?      *** Bellarose Martinelli.  Kahit ayokong iwan si Mira dito mag-isa sa Fiji, I really need to go back for my company and for Hunter's wedding. Kailangan ko rin i-handa itong sarili't puso ko na makita ulit ang babaeng laman ng puso't isipan ko hanggang ngayon. Aaminin ko naman na hindi parin ako nakaka get over sakanya. Hindi naman kasi ganon kadaling kalimutan si Mara.. She's a very special woman to me. "Huy lalim niyang iniisip mo ah? Miranda give me a tentative smile. Nginitian ko ito tska tumabi sakanya para tulungan siyang mag tupi ng mga damit ko. Tinutulungan niya kasi akong mag empake dahil aalis na ako bukas ng madaling araw para daluhan naman ang kasal nila Hunter next week. Ayoko na sanang patulong na mag empake pero kasi ang kulit kulit nitong babaeng 'to. Ang dahilan lang niya ay, ayaw niyang wala siyang ginagawa dahil sanay siyang nag t-trabaho every single day. Pero ngayong hindi pa siya bumabalik sa pag kanta, heto siya at nababaog na daw dito sa cabin niya. "Nag-aalala ka ba sa pag balik mo sa Pinas?" I hum. "Don't worry you can go back here whenever you want. Just give me a call then I'll pick you up at the airport." I smiled at her. "Some friend you are." She flipped her hair then playfully rolled her eyes. "Of course." Bigla kaming natahimik na dalawa. May ngiti sa labi naming naka tingin lang sa luggage ko. "Are you sure you don't want to come with me?" Hopeful na tanong ko. Ayoko kasi talaga siyang iwan dito. I'm sure iiyak lang yan. Kahit nandito ang best friend niya na business partner kong si Perri, I'm sure magiging malungkot si Mira dahil sa kakaisip kay Raven. "Isn't it too soon for me? I mean, I just need to heal the part of me that Raven broke. Hindi ko pa siya kayang makita. At isa pa, ayoko ng umuwi ulit ng Pilipinas. Alam mo naman kung bakit diba?" I took a long sigh then nod my head in understanding. Ayaw na kasi niyang umuwi ng Pilipinas ng dahil sa natamong kahihiyang sangkot ang pangalan ng kanyang Ama. Kaya pala familiar siya sakin dahil nasa world ng business din ang tatay niyang si Mr. George Santillian. Mr. Santillian is a very good business man, I met him once sa Gala Night naming mga nasa Business world. And he's really nice and easy to talk to. Pero ang dahilan lang ng pag bagsak ng kanilang kumpanya - which is the Bachelorette's Magazine. Nasangkot daw kasi si Mr. Santillian sa drugs. Miranda have no courage to come home to the Philippines ng dahil nga sa kahihiyan na tinamo niya. Siya pala ang sumalo ng lahat mag mula ng mamatay ang kanyang Papa. But thanks (but no thanks) to Raven dahil lininis niya ang pangalan ni Mira bago niya iniwan ito. Kaya ang Bachelorette's Magazine is now booming in the industry of fashion. Nahihigitan na niya ang Vogue. "In addition pa si Amanda." She sighed. Halatang nasasaktan parin siya ng dahil kay Amanda. Nalaman ko lahat dahil nag k-kwentuhan lang kami for the past 2 weeks. I even know how to surf because of her. Marunong kasi siyang mag surfing. "As far as I know. Amanda invest in our company, both Hunter and I's company. She has a very good presentation though. Kaya pala, dahil ikaw pala ang nag trabaho ng lahat pero siya pala ang nakinabang ano?" Napa-iling nalang ako sa kasakiman ng kanyang kapatid. Gosh, ayoko pa naman sa mga ganoong tao. "Don't worry, I'll pull out her investment in my company. I will tell this to Hunter too. And believe me, Amanda will be very sorry kapag nalaman ni Hunter ang ginawa niya." Determined na sabi ko habang tinitiris ang kapatid ni Mira sa isipan ko. Nabigla ako ng hinawakan ako nito sa kamay. Napatingin ako bigla sa kamay niya sa na naka hawak sa kamay ko. This is really weird. I felt like burning to her touch. I just shrug it off at piniling wag nalang pansinin ito. I don't wanna hit on Miranda dahil iba si Miranda sa lahat ng babaeng kinakama ko. Ayokong masira kung ano mang pagkakaibigan ang nabubuo samin. Cause true friendship is hard to find this days. "Belle, hindi na kailangan. Binitawan ko na din naman ang pagiging CEO last month at binigay sakanya ito. Atska hindi naman talaga yun ang fashion ko, I really love to sing and perform my music. Atsaka ayoko din namang masayang ang kumpanyang tinayo ni Papa dahil lahat ng paghihirap niya ay nanduon. Now kung gagawin mo yon, Bachelorette Magazine will face another thunderstorm again. And believe me, hindi ko na alam kung paano ulit yon ibabangon kapag nagkataon. Mahina kasi ako sa mga ganyan, mahina ang loob ko. I can't fight for what's trully mine." Ipipilit ko pa sanang tutulungan ko siya pero alam ko namang i-d-decline niya lang ito. Miranda is too hard working sa lahat ng meron siya. Gusto niya pinaghihirapan niya lahat ng bagay na gusto niya. And I salute her with that.. "Okay fine. But you can't do anything kapag pinahirapan namin siya ni Hunter ha? Oh gosh I can't wait." Sinamaan niya ako ng tingin. "Edi sakin na naman niya pinasa ang problema? Hay naku, Belle. Napaka kulit mo ano?" Nagpa cute ako sakanya. Ehh sa wala ganon talaga ako. Ayoko kasing inaapakan ng iba ang sarili nilang pamilya kasi naranasan ko din ito eh. Hindi nga lang same story. But I still can understand what she felt about her sister. Nakonsensya tuloy ako sa mga nasabi ko kay Arabella nuong isang araw. I felt really bad. Parang kasing ako yung nasaktan sa mga nasabi ko kay Ara. "Makipag bati ka na kasi sa kapatid mo, Belle. At least ikaw, siya pa yung lumalapit sayo at nakipag ayos. Stop pushing people away from you. Nanjan sila dahil mahal ka nila. Nakaka inggit ka nga ehh. Kung ako lang ikaw, I'll be happy to be with those people who cares for me." Napangiti na ako ng tuluyan sakanya. Gosh, she's really kind hearted person. Hindi yun nakita ni Raven. Masasabi kong ang tanga niyang iwanan ng ganon si Mira. Ang laki pa naman ng respeto ko sakanya.. Tsss. Dapat pala tinanan ko nalang talaga si Mara dati. Hindi na ako nag paalam pa sakanya na hiramin ang fiance niya. "Oo na po. Makikipag bati na ako kay Ara. I will get you an autograph to her also to make you feel more special." I wink at her dahilan para magtatalon sa saya itong babaeng may crush sa kakambal ko. Nasa Coachella Party din pala siya nuong bumisita ang band ni Arabella sa Private Island ni Hunter. She has this crush at first sight at Arabella. Well, what can I say? Maraming nauulol kay Ara. Ang lakas kasi ng s*x appeal niya, idagdag pa na vocalist siya ng isang European Band. Sikat ang banda nila sa Italy kaya wag ka ng mag taka kung babaero yung kakambal ko. Naalala ko pa nuong nasa Italia pa ako, there's this one spring day bigla nalang akong nasampal ng isang babaeng umuungos sa iyak and she was screaming Arabella's name to me. Gosh ang sakit kaya ng sampal ng babaeng yon, bumakat pa ang kamay niya sa pinsgi ko non. "Thank you, Belle." Bigla nalang nasabi ni Mira tska siya napa yuko. "Mira, look at me and tell me what's wrong?" Umiling lang siya. "Thank you for being here with me. You drifted my mind to the world I don't know possible for me. Kahit sasakan ka sa kahambugan, at kamanyakan, you make me feel like I'm not alone. Kaya thank you ha?" May malokong ngiti sa labi ko. Sinundot sundot ko yung tagiliran niya. "Uy mamimiss niya ang kagandahan ko.. Mamimiss ako ni Mira.." Tumirik nalang ang mga mata ni Mira sa ka gaguhan ko. She knows my attitude though kaya sanay na din naman siya. But she knows that I will never hit on her dahil nga ayaw naming masira kung ano man ang pagkakaibigan meron kami ngayon. Atsaka hindi pa kami nakaka get over sa mga ex-girlfriend namin. "Tignan mo yang kaambugan mo, Belle noh. Napaka lakas ng hangin ngayon dito gosh." I just shrug at her. "I'm just stating the truth. No big deal." I smirked then naughtily lick my lower lip tska ko siya kinindatan. As I expected, Mira throw some pillows at me tska siya nagdadabog na lumabas ng kwarto. Natatawang naiiling nalang ako sakanya at pinag patuloy ang aking pag e-empake. Ang pikon talaga ng babaeng yon. Haha! Ang cute lang niyang inisin. Kinabukasan, as usual hinatid pa ako ni Miranda sa Airport. Muntikan ko na siyang hatakin papasok sa private jet ko dahil baka maka lusot lang naman at sumama siya saking umuwi ng Pilipinas. Pero malas ko at nag pumilit siyang maiwan dito sa Fiji. "Anyway, I'm not giving up. If you decide to come home, you know where to find me." We smiled at each other tska ko na siya niyakap ng mahigpit. "I will miss your cooking, Mir. Sa next concert mo, I promise you, I'll be there." Natawa siya sakin tska naramdaman ko siyang tumango tango. Napangiti nalang ako ng ma realize na umiiyak ito. I told you, she will miss me. And I will miss her too. "Wag ka ng umiyak, babalik naman ako eh. Sabi ko naman kasi sayo, sumama kana sakin." She pulled away tska niya ako pinalo ng mahina sa braso habang nag pupunas siya ng luha sa mata. Nahabag naman ang damdamin ko sa nakikita sakanya. Niyakap ko siya ulit, this time it was tight. "Sige na, baka pagkamalan tayong mag syota nito. Merong paparazzi sa coffee shop." I warned her ng maka kita ako ng glimpse ng mga paparazzi. Nag hiwalay na kami ng yakap tska na ako nag lakad papasok, before ako maka pasok ng tuluyan sa aking private jet, lumingon pa ako kay Mira na surprisingly there in her position until now, I hand call her. "I'll call you when I get there." Sabi ko tska siya kinindatan, kita ko pa yung pag ikot ng mga mata niya sakin na kinatawa ko lang. Few hours later, nasa Pilipinas na ako. Hunter pick me up at the Airport at niyaya naman akong mag dinner sakanila. Hindi na ako tumanggi dahil namiss ko din itong dominant kong best friend. "Hunt, heads up lang sa kasal mo next week. Are you excited?" Masayang sabi ko. Kita ko agad ang sayang lumarawan sa mukha ni Hunter. I'm happy to see her this happy. Matagal ko ng hinihingi sa diyos na sana finally, makita na din niya ang taong mag mamahal sakanya ng tapat at totoo. Hanggang sa huli ng kanilang mga buhay. And I already know that it was Violet in the beginning. God, that woman is really something. Bilib ako sa love story nilang dalawa. Sana ako din someday merong mag mamahal sakin ng ganon. "Very. Halika, namiss ka daw ni Hero kaya puntahan mo na siya. Ang tagal mo ding nawala ha, almost a month?" "Yeah you're right." Sangayon ko sakanya. Iginaya na ako nito papunta sa kwarto ni Hero, pero nasa living room palang kami ng makita namin si Violet na may suot pang apron. Halatang busy sa pag hahanda ng dinner. "Bellarose?! Wow it's really you! Where have you been?" Tuloy tuloy na sabi nito tska ako inatake ng yakap. "Hello to you too, Violet." Natatawang sabi ko habang hinihimas ang likod niya. Hunter being so possessive, she tear us apart tska niya hinila sa tabi niya ang maganda niyang asawa. Nangingiti lang akong napa tingin kay Hunter. Ang talim ng tingin niya sakin ha? Nakaka sugat. Haha! Si Violet naman ay kagat labing kinikilig sa inakto ng asawa niya. "Whoo scary Hunter is back. Takot ako eh, haha! Sige na pupuntahan ko muna ang inaanak ko. Kala mo naman aagawin ko yang asawa mo. Eh mahal na mahal ka niyan." I said with an eye roll. Nag lakad na ako at sumigaw pa sakin si Hunter na - "Talaga! Ako lang ang mahal nitong asawa ko noh! Kaya wag mo ng balakin na agawin siya sakin!" Natatawang naiiling lang ako kay Hunter. Gosh I never know that she got it bad. She's really crazy in love with her wife. Pag dating ko sa kwarto ni Hero, kumatok muna ako bago pumasok. "Sinong ninang ang namiss mo?" I exclaimed at ngiting ngiting tumingin ako kay Hero ready for her to hug me. Her beautiful face lit up excitedly, she rush over me at nilundag ako nito ng yakap na malugod ko namang niyakap ng mahigpit. I kissed her hair tska ko siya inikot-ikot. She let out a very quite giggle while I'm playing with her. Gosh I missed this little baby of ours. "I missed you, Tita Ninang! You've gone so long! I thought you will never come back! Tita Ninang Mara and I missed you so much." Napa tigil ako sa narinig. Bigla din sumikdo ang puso ko ng marinig yon kay Hero. I know Mara and Raven are borrowing Hero when they missed her. Kaya alam kong hindi nagsisinungaling itong inaanak ko kay Hunter. Hindi siya marunong mag sinungaling. I close my eyes shut and shook my head to not to mind what Hero just said. "Hero I think, we're gonna have dinner now. Come on? I have a lot of pasalubong for you waiting in my car." Nag lit up ang mga mata niya. "Talaga po, Tita Ninang?! Wow I'm really excited! I'll show King Ryker your pasalubong for me!" Natatawang ginulogulo ko ang buhok niya. Ang cute talaga ng batang 'to. How I wish magka anak din ako ng kagaya ni Hero. She's so cute and irressistable. I'm sure when she grow up, maraming babae ang mababaliw sakanya. Anak ata siya ni Hunter.. Lumabas na kami ng room ni Hero at nag paalam sa dalawang love birds na nag m-make out sa isang gilid. Mabuti nalang hindi napansin ni Hero dahil tumakbo na siya papuntang elevator. "Hey you lovebirds! Baka masunog na naman ang dinner! Lalabas lang kami saglit ni Hero for her pasalubong! Ciao!" I laugh when Hunter and Violet growled at me. Halatang ayaw paistorbo ng dalawa. Mga adik sa isa't-isa.. Tse hindi ko tuloy mapigilang mainggit. I need love too you know. Well, maybe tomorrow I can have fun. I'll definitely do that. ****** When I get home, tinawagan ko agad si Miranda. Pagkatapos ng tatlong ring, duon niya sinagot ang tawag ko. "Hey chicks and d***s. How are you doing?" Bungad niya sakin. Agad may sumungaw na malawak na ngiti sa labi ko at nailing nalang sa babaeng 'to. "Chicks lang, sweetheart. I don't eat d***s. Anyways, I'm fine so far. I was thinking about having fun tonight but I just decided to come home and call you after the dinner at Hunter's." I heard her snorted. "You're such a d**k, Belle. Well, should I thank you that you called me?" Ang sungit. Haha. "Yes definitely. You missed me kaya noh." I bet she's rolling her eyes in annoyance at me right now. Hindi ko mapigilang matawa. "Ang kapal mong ampao ka! Ewan ko sayo. Anyways, matutulog pa ako, for your information, Miss Belle, madaling araw palang po dito." Opps. I forgot. I missed her company kasi kaya tinawagan ko siya agad without even thinking the time difference.  Napangiwi ako. "Opps sorry, Mir. I'll call you nalang tommorow." Nag paalam na kami sa isa't-isa at siyempre hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nainis. She turn down the phone when I said I hope she will dream my goddess like beauty. Naiinis kasi siya kapag ganon. At nag e-enjoy akong inisin siya. Gosh I'm so bad.. I was going to sleep when someone beep the doorbell. I groan as I took off my comfy bed then walk towards the door of my unit. I was going to open the door when the door open by itself at bigla nalang may nahulog na katawan sakin, mabuti nalang at nasalo ko siya agad. And when I realize who it was, bigla nalang nanlamig ang buong katawan ko upon seeing her again.. I silently let out a curse under my breath. Mara is here in my unit, in my arms; insanely drunk. She was wearing a silver bodycon dress, halatang kakagaling palang niya sa isang party. Maybe because of her drunkenness, hindi na niya napansin na ang napasukan niyang condo ay ang akin. I didn't even realize that I came home here in the first place, siguro dahil nasanay na akong umuuwi lagi dito para lang makita si Mara dati. Wala sa sariling napa lunok ako dahil kulang nalang mahubaran siya sa posisyon namin ngayon. Napa buga ako ng malalim na hininga at wala na akong choice na ipasok siya sa kwarto ko at bihisan siya. I prayed to a lot of saint that I hope I can manage to do this without doing anything bad. Ilang lunok na ang ginawa ko ng hubaran ko siya ng undies. Oh god please help me. Ilang minuto pang paghihirap kong bihisan siya at pahiran ng maligamgam na tubig sa katawan, sa wakas natapos din ako. I turn on the lamp shade beside the bed and I was surprise by her beauty. I found myself staring at her beautiful being. Gosh, how I missed this woman besides me. Nagpipigil lang akong halikan siya. I really missed her. Napa pikit ako tska paulit ulit na lumunok. Maybe kahit isang kiss lang.. I took a long sighed before I decided to kiss her. Ngayon lang naman. I really missed her. Can you blame me? Obviously no. I was going to kiss her forehead when she pulled me closer and she kissed me by my lips. Nanlaki ang mga mata ko habang magka lapat ang mga labi namin. She started to move her lips but I'm still shock as hell. When I get into my senses, I pulled away from her at aalis na sana ako ng hinila ako nito sa braso ko dahilan para mapahiga ako sa kama. Kinulong niya ako sa yakap niya. Halos mag isang katawan nalang kami sa sobrang lapit niya sakin. Naka dantay ang paa niya sa legs ko at nagsumiksik pa ito sa leeg ko sniffing my scent then kiss my skin there dahilan para manigas ako. "Hmm I love you.." ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD