CHAPTER 1

3370 Words
"Since you've gone I been lost without a trace I dream at night I can only see your face I look around but it's you I can't replace I feel so cold and I long for your embrace." - Denmark + Winter. Can't Resist. *** Mara Santos. Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng kotse ko habang pauwi na ako ng condo ni Raven. Halos kakatapos palang ng bachelorette party ko at masasabi ko namang masaya ito. Pero bakit ganon? Hindi ko magawang maging masaya completely. Inuntog ko ng paulit-ulit ang aking ulo sa aking palad dahil parang sirang plaka itong isipan ko dahil si Bellarose lang ang laman nito kanina pa. I know I'm being unfair to Raven but what can I do about it? Nothing.. And I hate that. That I can't do nothing about this stupid feeling that I've been experiencing. "Ma'am okay lang po ba kayo?" I glance at my driver. Ngumiti ako ng pilit sa kanya tsaka ulit bumuntong hiningang tumingin sa labas ng bintana. "Manong Norman, paano po kung may isang taong pilit pumapasok sa isipan niyo kahit ayaw na ayaw niyo siyang maisip? Paano kung lagi siyang gumugulo pati sa panaginip mo? Ano po kaya ang dahilan?" I asked my driver while the image of Bellarose keep nagging my mind. "Kadalasan hija, ang mga ganyang klaseng panaginip iisa lang ang kahahantungan sa huli." Napa kunot ang noo ko dahilan para mapa tingin ako kay Manong Norman. "Ano po 'yon?" Tanong ko. For some reason, bigla akong kinabahan at nagsisimula ng tumibok ng malakas ang puso ko. Kita kong sinulyapan ako ni Manong Norman sa rear view mirror. Nginitian niya ako tsaka ulit binalik ang atensyon niya sa daan dahil nag simula na ulit umusad ang traffic. "Ako kasi nagkaroon na ng ganyang klaseng panaginip at pinapahiwatig lang ng mga panaginip sa atin na kung anong posibleng mangyari sa future." Napa-isip naman ako ng malalim sa sinabi niya. "At 'yang mga ganyang klaseng panaginip ay kadalasan pinapahiwatig na baka mawala ang taong napapanaginipan mo." Bigla akong nanlamig sa narinig ko. At parang nabingi rin ako thinking so hard na baka mawala ng tuluyan si Bellarose? Mawawala ulit siya? I immediately shook my head. Well, mabuti kung mawawala ulit siya. 'Yun nga ang gusto ko eh. At tsaka sanay na rin naman akong wala siya sa buhay ko at syempre sanay na akong mawala ulit siya. Pag dating ko sa condo ng fiancee ko, nakatanggap ako ng facetime videocall galing kay Raven. A smile automatically curve on my lips when I saw her name flashing through the screen of my phone. Automatic din sumaya ang buong sistema ko nang inaccept ko ang call button at nakita ko ang magandang ngiti ng fiance ko. Umupo ako sa couch at nag wave ng Hi kay Raven. Grabe namiss ko talaga siya. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ha. Dahil sa busy kaming dalawa recently, hindi na kami halos magkita ni Raven. Kung may pagkakataon man ay sa gabi na lang 'yon kapag oras na ng tulog namin. Mahirap pero pilit naming kinakaya. Because that's the real relationship. Na kahit gaano kahirap, kung mahal niyo talaga ang isa't isa kakayanin niyo kahit ano pang dumating na problema sa inyo. "I heard from Alexis na sobrang saya ng bachelorette party mo. She said it was a blast!" Napangiti ako. Si Alexis ay ang kapatid na lawyer ni Dra Victoria. Alexis was on my Bachelorette party together with her fiance - Gia Samuel. Close na close kami actually ni Gia. Pero si Alexis ay onti lang, napaka intimadating kasi ng dating niya eh. Pero sobrang bait non, hindi lang talaga kami pareho ng likes and dislikes. While Dra. Victoria is slightly far from me. Ewan ko ba, parang feeling ko lagi ako nitong binabantayan kapag magkakasama kami nila Raven. Don't get me wrong, she's really nice and down to earth person. At hindi siya plastic na tao. Well, siguro nagiging protective lang siya kay Raven lalo na ngayon na nalalapit na ang kasal namin. Raven said that Dra. Victoria is really protective when it comes to her. Ayaw na daw kasi masaktan si Raven. And that got my heart shattered right now dahil parang feeling ko I'm cheating on her behind her back. I think it's really unfair to not tell her what I'm experiencing right now. Pero baka masaktan ko siya and I hate seeing her getting hurt lalo na kung ako ang dahilan nang sakit na 'yon. "Hey babe are you okay? Parang matamlay ka. May masakit ba sa'yo? Tell me please." Seeing how much she care and love me makes my eyes watered. Napayuko ako at napailing-iling. Thinking not to tell her about this stupid feelings that Bellarose made me feel. Ayokong saktan si Raven.. At mas lalo ayoko siyang lokohin. And this feeling I felt for Bellarose might put to an end. I need to end whatever this is. This has to stop. And a plan was made in my head so I gather all my strength to look at my fiance with an outstanding fake smile. I won my first award because of this smile I master through the years and no one can know what I'm hiding behind my sweet smile. "I'm fine babe. Sorry if I worry you. Siguro pagod lang ito. I need to rest na rin kasi i-f-file ko na ang aking indefinite leave bukas right? And of course the network will never agreed unless I will do a one last photoshoot for the Bachelorette magazine tomorrow." Ako kasi ang feature sa pinaka malaki at sikat na magazine in the country. And since I'm getting married, the president of Bachelorette Magazine which is Miss Miranda Santillian, pick me to be their model this year. Last year kasi ay si Hunter ang feature ng magazine na 'yon. But since Hunter is now happily married with my best friend, they have to pick the new face of Bachelorette magazine this year. Dapat kaming dalawa ni Raven ang feature ng magazine pero dahil na rin sa nangyaring emergency sa work ni Raven sa NASA, kaya ako na lang magiging face nito. Kaya rin nangyari ang bachelorette party niya sa US ay ng dahil na rin duon sa NASA thing. "Oh yeah for a second there I forgot about that photoshoot. Sorry I've been very busy for the past few days because of my job and our wedding coming up. And oh anyway, Victoria called me and she said that the accommodation for the flight in 6 days is now book. I will email you the plane tickets of your family and friends." "Okay babe. We'll see each other in 6 days." Sabi ko with a warm smile on my face. Raven mirrored my look. "Okay. See you. I love you. Dream of me." She wink before blowing a kiss to me. Mabuti na lang pinatay na niya ang call kundi mahahalata niya ako dahil bigla ko na lang nabitawan 'yung phone ko at s**t sobrang kinabahan ako nang dahil sa sinabi niyang dream of me. Gosh how can I tell her that I'm not really dreaming of her? How can I hurt someone like Raven? No I can't do that so this stupid feeling I felt for Bellarose really has to end. It well end tomorrow. I will make sure of that.. ****** Pag gising ko ng umaga ay agad akong naligo at nag bihis para puntahan ang network na pinag t-trabauhan ko. After some time ay nasa garage na ako at pag lapit ko sa kotse ko ay napa kunot noo ako nang may nilahad sa 'kin si Manong Norman na isang blue na small size envelope. "Pinapabigay ni Miss Martinelli, hija." Naramdaman kong parang may dumaplis na matalim na bagay sa puso ko ng makarinig ulit ako kay Bellarose after what happened last night. Walang ganang pumasok ako sa back seat ng kotse. Pumasok na rin si Manong Norman sa driver's seat. "Hindi mo ba bubuksan ito, hija?" Magalang na tanong ng matanda sa 'kin. Nakasimangot ko lang itong matigas na inilingan bago tumingin sa labas ng bintana. "Hindi na po. Itapon niyo na lang po 'yan." "Ay baka po importante ang laman nito?" For some reason na intrude ako kung anong laman non. Pero mas pinili kong pigilan ang urge na kunin 'yon at basahin kung ano man ang nanduon. "Wala na po akong pakealam, Manong Norman." Final na sabi ko tsaka pumikit at pinilit matulog kahit ilang minuto pa dahil antok na antok pa ako. Kulang na kulang ako sa tulog. Bwisit kasi na Bellarose na 'yan. Sa kagustuhan kong ayoko na siyang mapanaginipan ulit, hindi na ako masyadong naka tulog. 3 am na ata ako naka tulog kanina. Pagdating namin sa harapan ng network ay naka abang na agad ang mga paparazzi at mga reporters. Nagsimula na akong atakihin ng PTSD ko nang makita ang mga taong naghihintay sa 'kin. Natakot ako. I need Raven by my side. I can't do this without her. I need her hand and I need her to tell me that it's okay. Bumibilis na ang paghinga ko. At nagsisimula na akong maiyak nang may pumasok sa back seat ng sasakyan only to find the ever so cheeky and witty na si Arabella Martinelli. Ngumiti siya sa 'kin at agad akong niyakap kahit pawisan pa siya at naghahabol din ng hininga. Hm? Saan naman galing 'to at parang tumakbo ata siya ng isang daang kilometro at ganito na lang siya kapagod at kapawis. "Arabella? What--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang halikan ako nito sa noo tsaka ulit ngumiti sa 'kin ng matamis. Hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay. "Express padala ni Bellarose sa'yo. She told me to hold your hand like this and she also said that everything will be alright. Just breathe. Inhale exhale." Ginawa ko nga ang sinabi niya at ewan ko pero naiyak na lang ako bigla. "Hey it's okay. You don't have to hide it from me. Ako lang 'to, babe." Ngayon naman ay bigla akong natawa at pinalo ang braso ni Arabella kahit lumuluha ako. "Anyway, did you see the express padala I sent you?" She asked me with hope on her eyes. Her eyes is just so beautiful that it can actually melt a million hearts. Natatawa kong pinunasan ang mata ko. Hindi parin nagbabago ang isang 'to. Napaka pilya niya parin. "Anong sinasabi mong express padala?" I asked nuong naka recover na ako. "The blue small envelope?" She said frowning when I creased my forehead. Tinignan niya ng masama si Manong Norman tsaka niya ito tinapik ng malakas sa balikat. "I thought you're going to give her the envelope?" Napa kamot na lang ng ulo si Manong Norman. "Ehh kasi po si Ma'am Mara eh. Sabi niya itapon ko na raw po." "At tinapon mo?! Gosh alam mo ba kung paano ako nag hirap para kunin lang 'yon?! Ugh! Where did you put it?" Natatawang na w-weirduhan ako kay Arabella dahil nag h-hysterical na siya ngayon sa loob ng kotse. "Heto po Ma'am--" "Teka ikaw ang nag padala non?" Nagtatakang tanong ko kay Ara. Tinignan niya ako ng parang hindi siya makapaniwala. "Of course. The one and only, Arabella Martinelli. May iba ka pa bang kilalang hot and sexy na Arabella ha? Syempre ako lang 'yon babe ano ka ba." Naguguluhan na ako ngayon. Magsasalita na naman sana si Arabella nang pinigilan ko siya. "Teka teka lang. Mag explain ka nga munang bruha ka." Sinamaan ako ng tingin ni Arabella tsaka humugot ng malalim na hininga bago nagsalita. "Ang sabi ko d'yan sa Driver mo ibigay 'yung envelope sa'yo." Kunot noo ko namang tinignan si Manong. Nangangamot na naman siya ng ulo niya. "Sabi mo Miss Martinelli?" Akala ko kasi si Bellarose.. "Oo nga po. Si Miss Martinelli nga po.." I mentally rolled my eyes at my driver. "Ohh akala mo si Bellarose ha. Haha! That makes sense now." "Wala akong sinabi!" Inis na sabi ko tsaka nag cross arms. Sinusundot sundot naman ni Ara ang tagiliran ko. "Yiie! Akala niya si Bellarose. Haha! But anyway, you might read that paper inside the envelope. Baka sakaling mag bago ang isip mong puntahan siya." Makahulugan itong ngumiti sa 'kin. "Ha? Bakit naman?" "Just read it. 'Wag mong itatapon ha? Kasi pinaghirapan ko talaga 'yon eh babe. Nalosyang na nga ako nang dahil sa kakabungkal ng buhangin eh." Arabella dramatically cried while wiping her imaginary tears on her eyes. "Siya sige na ang tagal na ng drama natin dito. Late na ako." Agad agad lumawak ang ngiti niya sa labi tsaka ako niyakap ng mahigpit. "Oh tara na ihatid na kita sa loob. I will protect you from zombies babe." She said offering her hand to me. Naiiling na lang akong tinanggap 'yon tsaka na kami sabay lumabas ng sasakyan. Arabella is just so effin funny and weird.. ****** I check the time to my phone and it says 4:20 in the afternoon. Ganon ako nag tagal sa photoshoot ko para sa Bachelorette Magazine. Grabe hapong hapo na ako. And I barely need sleep. I desperately want to sleep pero ang weird lang dahil hindi ako dinadalaw ng antok ko. Dahil wala naman akong magawa at sa mga oras na 'to ay tulog pa si Raven, kaya naman I asked my driver to hand me the envelope that Arabella gave me. Agad naman inabot sa 'kin 'yon ni Manong. Humikab akong binuksan na 'yung envelope. At naputol ang hikab ko nang makitang nag fade na 'yung paper at bakit may butil butil pa ng buhangin dito? Gosh where did Arabella get this? With an eye roll ay nagpasya akong buksan 'yung paper. And my heart skip a beat when I saw her penmanship. Her sossy italian penmanship. I gulped the lump in my throat as I started reading the first line of her letter. Every letter in every words and in every sentence in every paragraph is like a knife twist in my fragile heart. Nagsimula ng kumawala ang luha sa mga mata ko. Naka-awang ang labi ko at nararamdaman ko nang malapit na akong humagulgol ng iyak. And when I did ay habol habol ko na naman ang aking paghinga habang naka hawak sa dibdib ko at pilit kinakalma ang puso ko. "Ma'am ano pong nangyayari d'yan?! Dalhin ko na po kayo sa Hospital!" Marahas akong umiling-iling kay Manong Norman. Pumikit muna ako at pilit na huminga ng malalim. Nang nakalma ko na ang sarili ko ay sinabi ko lang sa driver ko na puntahan ang address ng favorite naming puntahan ni Bellarose dati. I need to know everything from her. I need closure before I face my faith. I still have time.. ****** Habang papalapit kami sa kinaroroonan ni Bellarose, the song on the radio gave me a wake up call. "Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take I'll be watching you" Napa pikit ako ng madiin dahil every words na nanggagaling sa kanta ay 'yon din ang dami ng saksak na bumabaon sa puso ko. "Every single day Every word you say Every game you play Every night you stay I'll be watching you" I gulped the lump in my throat when I finally caught a glimpse of blonde headed hair patiently sitting beside the tree - ang saksi sa pagmamahalan namin dati. "O can't you see You belong to me How my poor heart aches with every step you take" Pag hinto ng sasakyan hindi kalayuan kung nasaan siya. Kita ko kung paano siya tumayo ng mabilis at kitang kita ang saya sa mukha niya. I sighed inwardly. I missed seeing those happiness in her blue eyes.. "Manong, puwede na po kayong umuwi." Instruct ko sa driver ko na malugod namang sumaludo sa 'kin tsaka na ako bumaba ng kotse. Pilit kong hinihinahon ang paghinga ko at sa higit sa lahat ang puso ko. Parang bumalik ako sa dating Mara na hopelessly in love with her. Napapikit ako ng tinakbo ako nito ng yakap. Gosh I missed her warmth. Her scent and everything about her. Feeling ko maiiyak ako sa init na nanggagaling sa katawan niya. Pero pinigilan kong maiyak sa harapan niya. Ayoko ng makita niya akong umiiyak ng dahil sa kanya. "Oh gosh you came! Thank you!" I keep a straight face when she parted from the hug. "I missed you.." Napatingin ako sa mga mata niya. And I saw how sincere she is. "I love you.." She said as she cupped my cheeks. "So much.." She whispered at pinaglapat ang mga noo namin. For some deepest reason, I found myself closing my eyes because I can feel the tears threatening to fall down. No hindi na ulit ako iiyak nang dahil sa kanya.. But when her lips sweetly and passionately touch mine, I just lost it all.. I burst into tears when I found myself reciprocating her kisses. And then the images of Raven flashes through my head.. I immediately snap out of my reverie and push Bellarose away from me. I saw the concern, confusion and hurt written all over her blue eyes. "This is wrong. I already have a fiance. And we're getting married in just a few days. I shouldn't came here. Mali 'to, hindi dapat 'to nangyari.." Tinalikuran ko siya at mabilis na nag lakad pero isang malakas na hila sa kamay ko ang nagpasinghap san'kin kasabay ng madiing halik sa labi ko. Hindi agad ako naka laban nang marahas na pinasok nito ang dila niya sa bibig ko at ang mas nakakainis pa sa lahat, I let out a loud moan. Nanghihina kong tinulak ang balikat nito. "B-bellarose don't.." Umiling siya ng mahina tsaka ako pinakatitigan sa mata. "You still love me. I felt that, Mara. I felt it to your kiss, to your grip and I can see that in your eyes." Lumuluha akong umiling-iling. "Hindi ko dapat nararamdaman 'to! Si Raven ang mahal ko at siya ang papakasalan ko! I can't lose her and most importantly, I can't hurt her.." "You can't hurt her. But you're hurting me instead.." Nag iwas siya ng tingin sa 'kin. "I understand that. And I get it that you want to spend your life with her, I get it if you want to hurt me believe me I understand you for that because I deserve all of it. Sinaktan kita at ngayon masaya ka na, may mahal ka ng iba. I got all of that. But what I'm asking you is, be with me for the remaining days that you're not married. Spend it with me because I don't want to give up yet. Ayoko ng magsisi ulit, Mara. At least be with me for that few days that you're not married. That's all I'm asking from you because I can't clearly ask you to leave her. No I won't do that. I know this is insane dahil nakataya ang puso ko rito but you're all worth it. Even if I just only have a few days with you, while her, she have the rest of your life." Napaawang ang bibig ko nang lumuhod ito sa harapan ko. She grab my hands and caress it while her blue eyes is penetrating my soul. Nagsusumamo ang mga mata nito at nagpapahiwatig lang ng isang bagay. "Please I'm begging you.." I closed my eyes tightly. Sino ba ang papakinggan ko? Ang puso ko o ang isip ko o ang konsensya ko? My heart tells me what it wants. My mind tells me to back off then my conscience tells me to remember my fiancee.. Huminga ako ng malalim at pag bukas ko ng mga mata ko. I smiled at Bellarose.. "Okay. Take me to wherever you want.." Kitang kita ko kung paano mag light up ang mga mata niya. I can even see the twinkle on her beautiful blue eyes.. Mabilis siyang tumayo at binuhat ako tsaka ako inikot-ikot habang nagsisisigaw siya sa saya.. Natatawa na lang akong naiiling sa loob loob ko. One thing is for sure.. I still can't resist her.. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD