Jansen's point of view Tawang-tawa si Daddy nang sinabi ko na sa apat na araw na paninirahan ko kina ninong Natan ay nadenngoy na ako agad ni Adam ng tatlong million. Nagtataka naman ako kay Adam kung aanhin niya ang maraming pera. Kung sa bahay nga para siyang pulubi dahil butas-butas ang kanyang mga damit at nakapaa-paa lang. Napatingin ako sa aking asawa na mas tumakaw sa hita ng manok. Sa ilang araw lang namin ay malaki na ang pinagbago ng kanyang katawan, mas lalo pa siyang gumanda ngayon dahil medyo tumubo na ng mas mahaba ang kanyang buhok. I can't wait na hahaba ang kanyang buhok like Nat. "Anak, eto gulay hindi puro karne." Alok ni Mommy Summer na katabi si Mosh na siya ang taga lagay ng pagkain sa plato ng aking asawa. Napag-usapan ang nangyari sa police station at hospital k

