Snow's point of view Kami nalang ni Kuya Thunder ang natira sa aking bahay at problema namin ang aming hapunan. Pareho naming ayaw nang bumili pa sa nga restaurant. "Kuya subukan kaya natin ang mag luto." Sabi ko na hawak ang cook book. "Sige, pumili ka ng lulutuin natin, yung mayroon tayo sa bahay. Bukas bibili tayo ng mas malaking knives "Kuya mag adobo nalang kaya tayo." "Wala ngang kutsilyo na panghiwa." "Pwede naman sigurong ilagay nalang sa lutuan at kapag luto na ay yung maliliit na kutsilyo na ang gagamitin natin." Sagot ko na napatingin sa karne. "Sabagay pwede din siguro." Sagot naman ni Kuya na kinuha na ang palayok. Hinugasan na muna niya ang karne at pagkatapos ay inilagay na ng buo sa palayok. "Tignan mo na sa You tube kung paano magluto ng adobo." Utos ni Kuya

