Chapter 2

1238 Words
Alyjah Ang mainit na hangin ng Maynila ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa Ninoy Aquino International Airport. Mula sa kumpulan ng mga taong palabas ay nakisiksik ako para makita ang kaibigan kong susundo sa akin. Si Aiden. Kumakaway na parang nakakita ng artista ang loko noong makita niya ako. Tang ina! may placards pa na nagsasabing Welcome back bro. Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha dahil sa trip ng kaibigan kong sinto-sinto. Wala talagang magawa sa buhay. Napapailing akong lumapit sa kanya. "Welcome back, bro," sabi niya na nakabuka ang dalawang kamay. Kinunutan ko siya ng noo at dismayadong tinitigan. "Para saan iyan?" tanong ko at binalewala ang kanyang nakabukang kamay. "Para sa yakap! Bakit gusto mo ba iba ang nakabuka?" balik-tanong niyang binukaka pa ang paa. "Gago!" Sinuntok ko siya sa tiyan dahilan para mapayuko siya. Hindi na talaga nagbabago ang lalaking ito. Gago pa rin hanggang ngayon kahit anim na taon na ang nakararaan. "Ouch! Ganyan ka ba mag-thank you at magsabi ng I miss you too?" Kunwaring nahihirapan siyang magsalita. Hindi na ako umimimik at binuksan na lamang ang harapan ng kotse niya. Hinayaan ko siyang ilagay ang gamit ko sa likod. Agad siyang tumalima at sumakay na rin pagkatapos. Magsasalita pa sana siya noong itaas ko ang aking kaliwang kamay para pigilan siya. Pumikit ako dahil gusto kong makapagpahinga. "Tsk! Tatanungin ko lang kung saan kita ihahatid. Sa mansiyon 'nyo ba o may specific na lugar ang gusto mo?" Napabuntong-hininga ako. "Sa Condo mo!" sagot kong hindi nagmumulat ng mata. Ayaw kong umuwi sa bahay. Alam kong hindi makapaniwala ang kanyang tingin sa akin. Alam ko rin na ayaw niya kaya hindi na ako tumingin pa. Wala naman siyang magagawa kundi sumunod. Sunod-sunod ang narinig kong pagbuntong-hininga ni Aiden. "Mukha bang boarding house ang Condo ko? Noong nakaraan si Heron. Ngayon ikaw naman!" Reklamo niya. Hindi ko siya pinakinggan. Naglagay pa ako ng headphone sa teynga ko para hindi ko na siya marinig pa. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi inaasahang maiidlip ako. Nagising na lamang ako sa marahang pagyugyog sa balikat ko at bumungad sa akin ang nakakalokong ngiti ni Aiden. Itinulak ko siya bahagya at nagpalingon-lingon para tingnan ang paligid. "The f**k! Nasaan tayo?" tanong ko dahil nakikita ko ang mga nakahilerang babae sa daan. Sa likuran nila ay mga gusali na napapalamutian ng maraming ilaw. May mga larawan ng babaeng nakahubad. Maingay rin sa palagid. May mga bumubusina, pawang mga nag-aagawan kung saan maipaparada ang kani-kanilang sasakyan. Ang nakahilerang mga babae ay pawang naka-panty at bra lamang. Hindi makapaniwala at kunot-noong napatingin ako kay Aiden. Gusto ko siyang suntukin dahil sa malaking ngisi niya sa labi habang tinataas baba ang kilay. Nakapameywang pa ang loko na nasa labas na ng kotse. "Mag-enjoy muna tayo. Alam kong marami ka nang natikmang babae sa America pero iba pa rin ang mga babae rito sa atin," palatak niya na nakapagpailing sa akin. Gusto ko na talaga umuwi at makapagpahinga. Kung bakit kasi hindi ko naisipang magpahanap ng sariling condo sa mga kaibigan ko. Ngayon ay no choice ako kundi sumama dahil siya ang may sasakyan at siya ang may-ari ng tutuluyan ko. "Bumaba ka na riyan, nasa loob na si Heron naghihintay. Ngayon kasi ang show ng paborito naming dancer." Nauna na itong umalis kaya wala akong nagawa kundi bumaba at sumunod. Ipinakita ni Aiden ang isang black card sa guard at lumingon sa gawi ko habang papalapit. Alam kong sinabi niyang kasama niya ako kaya hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pang pumasok sa loob. Kailan pa kaya naging regular ang mga mokong kong kaibigan sa lugar na ito? It's been six years noong una kaming tumapak sa lugar na ito. And it's memorable. Madilim ang paligid pagpasok ko. Punong-puno ng tao ang club at halos panay kalalakihan, mapabata man o matanda ay naroon. Napaisip akong sikat ang sinasabi nilang papanoorin dahil sa dami ng tao. Kinawayan ako ng dalawa kong ugok na kaibigan. Nasa pinakaunahan silang teybol. Harap na harap talaga ang puwesto nila at talagang pinaghandaan. Napailing akong tinungo iyon pagkatapos kong mai-off ang selpon ko. Inobliga kaming i-off iyon bago tuluyang makapasok. Nang makaupo ay pinagbuksan ako ni Heron ng isang bote ng beer. "Welcome back, Ali!" nakangiting bati niya sa akin sabay abot ng bote. Nagsalubong ang kilay ko dahil long hair na siya ngayon at nakalugay pa. "Ang baho mo tignan, bro!" palatak ko. Iba na talaga ang nagbubuhay malaya at naglulustay lang ng pera ng mayamang magulang. Tsk! "Mind your own business, bro," sagot niyang medyo seryoso. Tumango na lamang ako at agad na tinungga ang alak. Humagod ang init nito sa aking lalamunan. Mapait pero masarap sa pakiramdam. Puma-party ako sa America pero iba pa rin talaga sa pinas gaya ng sabi ni Aiden. Nang may lumapit sa aming tatlong mga babae. Naupo sa kandungan ni Heron ang isa. Sa tabi ni Aiden ang isa pang babae at sa akin naman nagtungo ang isang babaeng masasabi kong seksi pero walang appeal. Hindi ko type. "Hi pogi," bati niya sa akin at naupo sa tabi ko. Tinanguhan ko ito at umusog ako nang bahagya. "I'm Bev," saad niyang may pahimas sa hita ko. Pasimple kong iniiwas ang hitang hinaplos niya at umusog na muli palayo. Nahalata niya ang ginawa ko kaya napasimangot ito at tumingin sa dalawa kong kaibigan na nakamasid sa akin. "Pagpasensiyahan mo na Bev. Malamig pa iyan dahil pagod at kagagaling lang biyahe." Napairap ako sa sinabi ni Heron. Muli ko na lamang tinungga ang bote ng beer. "Halika na lang dito, Baby," anyaya ni Heron sa babaeng nasa tabi ko. Agad-agad namang tumayo ang babae sa tabi ko at padabog na umupo sa gitna ni Heron at Aiden. Nagkibit-balikat na lamang ako at itinuon ang pansin sa alak at pulutan. Masarap ang sisig na nasa harap ko. Sabayan pa ng musikang nakakapaglambot ng tuhod dahil sa nakakalibog na saliw nito. Bagay na bagay sa lugar na ito. Nang biglang parang naging excited ang lahat nang umilaw ang entablado. Doon lang ang parteng maliwanag. May pole sa gitna pakiwari ko ay gagamitin ng inaabangan nilang dancer para sa pole dancing. Maging sina Aiden at Heron ay halatang excited at nakikisigaw sa mga tao. Nang biglang nagsimula na ang isang saliw ng musika na mabagal. Lumabas ang isang nakatalikod na babae. Nakapulang roba na maaninag pa rin ang katawan dahil sa nipis ng tela. Nagpagiling-giling ang babae. Ang indak ng katawan nito ay nakakaengganyo lalo na ang paggiling ng balakang nito kahit nakatalikod. Napalunok ako dahil mukhang tinatablan ako ng karisma ng babaeng pinagpapantasyahan ng karamihan. Ang smooth ng galaw niya. Sa bawat indayog ng balakang at puwetan niya ay napapakagat-labi ako at talagang nakatutok ang mga mata ko. Nang humarap ito ay talagang napanganga ako at nagulantang. Napakasexy ng babae na nakapulang bra at lace na panty. Mabibilog ang mga hita nito na binagayan ng mahahabang legs. Ang dibdib nito ay hindi ganoong kalakihan pero talagang nakakadala sa bawat indayog at pagtalbog nito sa pagsayaw. Ngunit ang nakaagaw talaga sa akin ng pansin ay ang mukha nitong natatakpan ng maskara. O naging interesado ako dito dahil nakasuot ito ng maskara. Para bang bumalik sa akin ang isang nakaraan na kahit gaano ko na gustong kalimutan ay paulit-ulit kong naaalala. Paulit-ulit akong dinadalaw lalo na sa mga panaginip ko. Paulit-ulit na hinahanap ng katawan ko. Ang babaeng nakatalik ko six years ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD