Chapter 3

1474 Words
Bigla akong nag-init. Ito yung pakiramdam na hinahanap-hanap ng katawan ko noon pa, simula noong matikman ko ang babaeng iyon. Nagkarelasyon nga ako ng ibang babae sa America pero hindi ko naramdaman ang anumang init na meron ako ngayon. Hindi ko matanto kung libog lamang ba iyon pero ngayon ay nagkakarambola ang bituka ko sa tiyan. Mabilis din ang t***k ng puso ko. Patuloy sa pagsayaw ang babae na ngayon ay lumalambitin na sa tubo. Ang mga kalalakihan ay nagpapaulan ng pera sa entablado. Pinapalakpakan nila ang babae at sinisigawan. "Sige pa baby, igiling mo pa!" sigaw ng isang matanda. Halatang lasing na lasing at gustong pumunta sa taas ng entablado. Agad itong hinawakan ng security na nakapalibot sa stage. Tatlong tugtog ang sinayaw ng babaeng nakamaskara. Hindi pa rin ako makapaniwala sa epekto nito sa akin. Nanood lamang ako pero tinigasan na si Manoy. Agad na umalis ang babae sa entablado nang matapos ang sayaw. Nakatunganga pa rin ako na nakatingin doon kahit wala na ito at may tatlumpong minuto na ang nakalipas. "Ano na 'pre? Natulala ka na riyan?" pangbubuska ni Aiden na nakangisi pa. "Sino iyon?" tanong ko at napatingin ako kay Heron pero kahalikan na niya ang dalawang babae sa tabi. Napailing na lamang ako habang ang kamay niya ay naglalandas na rin sa kung saan. Mukhang doon niya itinutok ang init nang dahil sa napanood kanina. Sabi ni Aiden ay paborito nila ang babaeng sumayaw. Ibig sabihin, hindi lang ako ang nagpapantasiya sa babaeng iyon, pati itong mga kaibigan ko. Kailan pa kaya sila naging interesado sa kanya? Nagsisimula na rin magka-ingay muli sa loob. Mga musikang ma-indak na ang nakapaimbabaw na maririnig at mga sari-saring kuwentuhan at tawanan. "Walang nakakaalam," sagot ng babaeng katabi ni Aiden nang magawi ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Kahit kami ay hindi namin kilala. Ang may-ari lamang ang nakakaalam ng pagkatao ng babaeng iyon," dagdag niya na lalong nagpamisteryoso sa pagkakakilanlan ng babaeng nakamaskara. Nagkibit-balikat na lamang ako dahil walang makuhang maayos na impormasyon. Nang may maglapag ng inumin sa aming mesa. Nagtaas ako ng tingin sa isang babae na kasalukuyang nakayuko at kinukuha ang boteng wala ng laman. Nagtama ang mga mata namin ng waitress. Nakadamit ito ng itim na uniporme. Maikli ang skirt na kapag talagang yumuko ay kita ang panloob na suot. Iyon lang ang babaeng nasa harap ko ay nakacycling shorts. Nakita ko iyon kanina noong muling yumuko dahil sa nahulog niyang bote sa sahig. "Yssa naman, hanggang ngayon ba naman isa ka pa ring dakilang lampa!" mataray na ika ng nagpakilalang Bev kanina. Nakairap ito sa babaeng patuloy na kumukuha ng boteng napag-inuman na namin. Hindi umimik ang babaeng tinawag niyang Yssa. Nang biglang bumaling ang tingin ng babae sa akin. Napaiwas ako bigla nang irapan niya ako at medyo tinakpan ang nakabuyangyang niyang puwetan sa akin. "Magtatrabaho-trabaho ka rito tapos ganyan ka makaasta. Pa-inosente!" nakaismid kong ika pero sinarili ko na lamang. Umalis na siya sa mesa namin pero lihim ko siyang pinagmasdan. Sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw ng babae. Lihim ko rin siyang pinag-aralan. Seksi siya at maganda. Napakainosenteng tignan ng mukha niya. Parang ang sarap halikan ang labi niya. Napansin kong mamula-mula iyon kahit walang lipstick. Naramdaman ko sa aura niya ang pagiging palaban. Natawa na lamang ako sa isiping buti hindi niya ginamit sa mga babaeng bayaran na kasama namin ang pagiging palaban niya. Muli akong uminom habang sinusundan pa rin ng tingin ang babae. Samantalang ang mga kasama ko ay nagmamake-out na sa kani-kanilang upuan. Wala ako sa mood para makipaglandian. Itong bote na lamang ng beer ang ka-lips to lips ko. Kahit malamig ang bibig nito napapainit naman niya ang lalamunan at buong katawan ko. Shit bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang imahe ng babaeng nakamaskara. Mas lalo tuloy akong nag-init. Naibaba ko ng pabagsak ang boteng hawak ko, kumalansing iyon dahil nasagi ang ilan pang bote sa harap ko. Kinuha ko ang aking selpon na pinatay ko kanina. Bawal daw kasi kunan ng video ang babaeng nakamaskara kaya pinapaturn-off nila sa amin. Nang ma-on ko iyon ay bumungad agad ang sunod-sunod na text ni Papa. Where are you? Sabi ng Tita mo ngayon ang uwi mo. If you're here to make your self a mess. Go back! Wala akong panahon para linisin ang gulong kasasangkutan mo Nagtiim bagang ako habang muling pinatay ang aking selpon. Ayaw kong makausap si Papa. Ayaw kong ipaalam kung nasaan ako. Ayaw ko siyang makita. "Ano ba?" Boses iyon ng isang babae. Galit ang tono. Napabaling ako sa gawing kaliwa ko kung saan may gulong nangyayari. Hindi masyadong kapansin-pansin dahil nasa sulok na bahagi iyon ng club. Nakapalibot ang limang lalaki sa hindi ko makitang pigura. "Ang arte mo, babayaran ka naman namin eh, bakit ayaw mong makipag-table sa amin?" singhal ng isang lalaki sa babaeng pinalibutan nila. Gusto ko sanang ignorahin na lang at huwag nang dumamay sa gulo. Aalisin ko pa lamang sana ang tingin ko nang makita ko ang babaeng pinagti-tripan nila. Naibaling kasi ng isang lalaki ang mukha nito sa kanan dahil sa malakas na suntok na binigay ng babae. "Waitress lang ako rito. Hindi ako nakiki-table. Hindi ako nagpapabayad!" singhal niya sa mga lalaki. Pilit na umaalis mula sa pagkakapalibot sa kanya. "Alam mong babae ka, nakakairita ka na. Magkano ka ba, ha?" Napatayo ako bigla dahil sinabunutan ng lalaki ang buhok ng babae dahilan para mapatingala ito. Nagtama ang mga mata namin. Imbes na pagmamakaawa ang makita ko sa mga mata ng babae, galit at determinasyon ang naroon. Mukhang hindi takot sa limang lalaki. "Namumuro ka na sa amin ah!" sabi pa ng isa. Sasampalin na sana niya ang babae nang bigla itong sipain sa gitna ng hita. Napasigaw ang lalaki na nakakuha sa atensiyon ng ibang naroon. Kung kanina ay walang nakakapansin ngayon ay pinagtitinginan na sila. "Walang hiya ka!" Agad akong napahakbang at lalapit na sa grupong iyon dahil sa pagsampal ng isang lalaki sa babae. Hindi makapalag ang waitress dahil hawak siya ng dalawang lalaki sa kamay. "Saan ka pupunta?" dinig kong tanong ni Heron pero hindi ko na siya nakuha pang sagutin dahil mabilis akong tumakbo para puntahan ang babaeng minamaltrato ng mga walang bayag na lalaki. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinagbubuhatan ng kamay ang sinumang babae. Isa pa sanang sampal ang dadapo sa pisngi ng babae pero maagap kong nahawakan ang kamay ng lalaking mataba at may bigote. "Pare, ang babae minahal hindi sinasaktan," saad kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Malaki nga ito pero alam kong puro taba at hangin lang ang inilaki. Mas lamang pa rin ako kung muscle sa pangangatawan ang pagbabasehan. Matangakad din ako kaya natatanaw ko na ang bunbunan niyang nakakalbo. "Pwe! Huwag ka ngang makialam dito. Ang babae kapag ayaw sumunod dapat pinapaluhod!" ika niyang ngumisi pa. Pilit hinihila ang kamay na hawak ko. Iniikot ko at nilagutok ang leeg ko dahil sumakit yata sa narinig mula kay taba. Binitiwan ko patulak ang kamay niya at umabante palapit. Siya namang pagsugod ng dalawang kasama pa niya sa akin. Handang-handa na ako roon ng hinawi ng dalawa kong kaibigan ang mga lalaking papasugod. Parang basura lang na itinapon nila Aiden at Heron ang mga ugok.Karate player si Aiden samantalang Teakwondo naman si Heron. Ako lang talaga sa kanila ang hindi mahilig sa sports. Marunong lang talaga akong lumaban dahil sa pakikipagbasag-ulo ko kahit noon pa man. Susugod na sana ang iba nang biglang may pumagitna sa aming mga nakauniporme ng itim. "Ano'ng kaguluhang ito?" Isang matandang babae ang biglang lumitaw mula sa likod ng tatlo pang guwardiya. Maraming kolorete sa mukha at makapal ang make-up. Ang buhok ay kulot at buhaghag. Cool lang kaming tatlo na nakatayo roon at nagkunwaring walang alam. Ang matandang babae ay bumaling sa limang lalaki na halos mababanaagan na ng takot sa mukha. Ang babaeng waitress naman ay nakayuko lamang. "Yssa, ano namang gulo ang pinasok mo?" Galit at halatang dismayado ang tono ng boses ng matandang babae. Pakiwari ko ito ang may-ari ng club. Hindi umimik ang waitress. Parang naputulan ng dila na nakatungo lamang. "Paki-ban ang limang ito sa club." Isang bakla ang sinabihan ng matandang babae. Ang manager yata ng club. "Yes mam," sagot nito at agad na tumalima. Nakamasid lamang kami habang iginigiya ng mga guwardiya ang limang lalaki. Nabaling ang tingin ko sa babae na palihim na sumusulyap sa gawi ko. "At ikaw naman, Yssa. Sumunod ka sa opisina ko," tawag ng matandang babae sa babaeng palihim na sumulyap muli sa gawi ko. Tumango ito pagkatapos at sumunod na. Sinundan ko siya ng tingin. Bago pa man siya mawala sa paningin ko ay sumulyap muli siya sa akin at ngumiti. "Salamat," sabi niya na nabasa ko na lamang sa pamamagitan ng kanyang bibig. Tinanguhan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD