Alyjah
"Ely!"
Bumalikwas ako ng bangon. Pawis na pawis na naman ako kahit pa malamig naman sa kuwarto dahil may aircon.
Umusod ako at nilapat ang likod sa headboard. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at inalala ang aking panaginip.
Iyon na naman. Hinahabol kong muli si Ely habang mabilis na papalayo sa akin. Masaya siyang lumalayo habang ako naman ay tila nakagapos at hindi siya maabot kahit anong pilit kong abutin siya.
Napahagulgol ako sa aking kamay. Dala siguro ito ng galit ko sa kanilang dalawa na ngayon ay masaya nang nasa ibang bansa. Masaya na silang nagsasama ngayon ni Papa, ni hindi ko gustong makibalita dahil alam kong masasaktan ako.
Pero inaamin ko sa sarili kong hindi lamang galit itong nasa dibdib ko. Alam kong nagsisisi ako dahil hinayaan ko na lamang sila. Ipinaubaya ko ang babaeng mahal ko.
Na-mi-miss ko si Ely. Na-mi-miss ko ang presensiya niya sa buhay ko. Ang positibong hatak niya sa pagkatao ko. Ngayon kasi, tila nawawala ako. Hindi ko mahanap ang aking sariling kaligayahan.
Pinahid ko ang aking luha sa pisngi at mapait na napangiti. Katulad ng dati, nagising na naman ako sa ganoong oras; alas tres ng madaling araw.
Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Halos ubusin ko ang laman ng pitsel at doon na rin uminom dahil sa biglang uhaw na naramdaman ko. I still can't forget Ely. Habang tumatagal ay lalo akong nangungulila sa kanya.
Dahil gising na ako, minabuti ko na lamang mag-ehersisiyo. Hubad-baro ako habang nagpu-push-up. Pagkatapos ng isang daang bilang ay sa treadmill naman ako at doon nagpapawis.
Halos dalawang oras rin ako nagehersisiyo, nang matapos ay agad akong nagtungo sa hospital para dalawin si Aiden.
"Bro!" masaya niyang bati sa akin. Nakaupo siya sa kanyang wheelchair at kababalik lang yata nila ni doktora Rochelle sa umagang pagpapahangin sa labas.
Lumapit ako kay Aiden at niyakap siya. Pagkatapos ay bumaling ako kay Rochelle na may kakaibang ngisi sa labi. Halata ko kung among damdamin meron ang doktora sa kaibigan ko.
"Stop it!" sabi niyang pinandilatan ako ng mata. Napatawa lamang si Aiden at ginagap ang kamay ni Rochelle na bigla namula ang mukha.
"Umagang-umaga naglalandian ang dalawa!" puna ni Heron na biglang pumasok na wala.man lang katok na ginawa.
Tuloy ay nahiya si Rochelle at nagpaalam na mag-ra-rounds muna sa mga pasyente niya.
"Ang aga mo ah, Ali," baling sa aking ni Heron nang kami na lamang na tatlo.
Nakaupo kaming tatlo kaharap ang maliit na lamesa. May dalang pagkain si Heron na nilapag doon kasama ang isang envelope na hindi ko na rin naman pinagtuunan ng pansin.
"Bangungot na naman ba?" tanong ni Aiden na malungkot na nakatingin sa akin. "It's my fault!" Muli niyang sisi sa kanyang sarili.
Inilingan ko siya. Wala namang may kasalanan ng lahat kundi ako. Yes, I admitted that it was my fault kaya nawala sa akin si Ely.
"Masaya na siguro siya. Masaya na sila ni Papa. Bumubuo na sila ng kanilang sariling pamilya."
Sabay na bumuntong hininga ang dalawa kong kaibigan at nagkatinginan. Tila may laman ang kanilang mga tingin.
"Do you think, magagawa talagang sumama ni Ely sa ama mo?" tanong nami ni Aiden bago sumimsim sa kanyang kape. "I've known Ely for the last six years." Malungkot na dagdag niya bago ibaba ang kanyang tasa.
Natahimik ako. Alam kong mas nakasama at mas kilala ni Aiden si Ely.
"Hindi siya gaya ng babaeng nasa isip mo, Ali. May paninindigan si Ely. Kahit nga noong nagpapanggap siyang babaeng nakamaskara..."
"What?" gulat akong napatanong. Natapon ko pa ang iniinom.na kape. "Anong sabi mo?"
Nagtataka naman si Aiden na napatingin sa akin. Pagkatapos ay kay Heron bumaling.
"Hindi mo pa nasasabi?" tanong na niya kay Heron na nagkibit balikat lamang.
Doon na idinausdos ni Heron ang envelope paharap sa akin.
"It's Elyssa's whereabout. Hindi siya sumama sa ama mo, Ali."
Napailing ako. All this time, mali na naman ako ng naiisip. Naparatangan ko na naman si Ely ng mali.
Nanginginig kong binuksan ang envelope at isa-isang tiningnan. Mabilis na tumulo ang luha ko sa mga larawan niyang nakalap ni Heron.
"Ali, humihingi pa rin ako ng tawad dahil ako ang punot dulo kung bakit mas naging komplikado.ang lahat, lalo na sa inyo ni Ely. Napilitan siyang magpanggap na babaeng nakamaskara para sa pansarili kong paghihiganti. Minanipula ko siya dahil sa kagustuhan kong umahon sa galit na naratamdaman ko," mahabang paliwanag ni Aiden ngunit hindi ko na naintindihan dahil mas inuukopa ng isip ko ang larawang nasa harap ko.
Ngayon, naintindihan ko na ang lahat kung paano siya nabuntis, kung anong dugo ang nasa kobre kama noon, iyon ay sa kagustuhan niyang paligayahinat mahalin ako. Sinaktan ko siyang muli. Sinaktan ko siya ng paulit-ulit.
"Kaya ba siya ang iniregalo mo noon, dahil sa plano mo?"
Hindi ko gustong sumbatan si Aiden. Pero wala akong ibang masisi sa pinagdaanan ni Ely sa kamay ko kundi siya.
"What? No! Hindi ko alam ang ibig mong sabihin. Ang that was before I met the sister's."
Oo nga naman! Pero paanong siya ang nakatalik ko rin noon. Talaga bang noon palang ay pinag-ugnay na kami ng tadhana?
"Ang nakatalik ko six years ago ay ang babaeng nakamaskara. At hindi ako maaring magkamaling si Ely iyon!" mariin kong ika na matalim na ang titig kay Aiden.
Nagkatinginan muli silang dalawa ni Heron.
"Hindi siya ang ni-request namin, Ali. Nakilala namin ang pinili namin ni Aiden na babaeng ikakama mo that time. Hindi si Ely iyon."
Lalo akong nalito. Lalo akong mababaliw kaya agad akong tumayo at kinalap nang mabilis ang mga litratong binigay ni Heron at agad na umalis. Mabilis akong umuwi sa bahay dahil hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Agad akong pumanhik sa study room at muling tiningnan ang mga larawan.
Naluluha akong nakatitig sa mga nakalatag na larawan ni Ely. Ayon kay Heron, lihim niyang pinahanap at pinasubaybayan si Ely, dahil iyon ang request ni Papa sa kanya bago tumuloy sa America para sa operasyon ni Ashley.
Nanlulumo akong makita ang mga larawan, at halos hindi ko kayang tingnan.
Sa isang larawan ay nasa harap ng mga gulay si Ely habang nagbebenta. Pinasok niya ang pagiging tindera ng gulay, alam kong mahirap ang trabahong iyon pero naiinis ako dahil napakalawak ng ngiti niya sa labi.
"Hindi ka na nasanay, Ali. Alam mong sanay sa hirap si Ely. Hindi basta basta sumusuko," usap ko sa sarili at muling kinuha ang isang larawan mula sa pagkakalatag.
Iyongay buong kuha kay Ely habang naglalakad. Halata na ang umbok niya sa tiyan na may dala-dalang supot ng pagkain.
"Masaya ka ba, Ely? Kahit hirap na hirap ka na, hindi mo pa rin magawang humingi ng tulong kahit kanino? Kahit sana sa ama ko na lamang. Bakit mo tinitiis ang lahat?"
Mabilis akong napapahid sa butil.l ng luha na tumulo sa aking mata. Hindi na ako galit. Tinunaw na ang galit na meron ako noon pa lang. Hindi ko lang maamin sa sarili ko na napatawad ko na siya. Huli na ang lahat dahil nawala na siya sa tabi ko.
Hindi ko siya masisisi na hindi na ipinagpilitang anak ko ang dinadala niya. Hindi ako magagalit na hindi niya ako ipakikilala. Tanggap ko.l kung sabihin niyang walaakong karapatang maging ama ng anak namin.
Hindi ko rin naman alam kung paano siya lalapitan ngayon. May karapatan pa ba akong panghimasukan ang buhay niya kung wala akong ibang ginawa kundi kagaguhan sa buhay niya.
I made her suffer a lot. Pinarusahan ko siya sa kasalanang hindi naman niya ginusto.
Muli kong pinakatitigan ang mukha ni Ely mula sa larawan. Muli na namang tumulo ang luha ko habang hinihimas ang mukha niya sa larawan. I missed her badly. I want to hold her again.
"Mahal na mahal pala kita, Ely. Binulag lang ako ng selos kay Papa, at ang pag-aakalang gusto mo sa kanya sumama."
Alam ko sa sarili ko na hindi ako masaya. I maybe smiling but deep inside, nasasaktan ako. Kulang ang pagkatao ko. Wala na sa akin ang puso ko.
Aagd akong nagpahid ng luha at kinalap ang nakalatag na larawan nang may kumatok sa pinto ng opisina ko.
"Come in!" sigaw ko nang mailagay lahat ng larawan sa drawer.
Napatayo ako at nagulat nang bumungad sa akin ang taong kumatok.
"Ma?"
Matipid siyang napangiti at humakbang palapit. She looks different. Mas maaliwalas ngayon ang mukha niya at may ngiti sa labi na alam kong hindi na pilit.
"How are you.son?" tanong niya.
Napilit kong huwag umuwi si Mama at inamin sa kanya ang lahat. Hindi ko alam kung paano niya natanggap pero pumayag siyang manatili roon. Kaya ewan kung bakit narito siya ulit.
Lumapit siya at naupo.
"I met your father," balita niyang nagpalaki sa aking mga mata. "We forgave each other."
Nanatili akong tahimik. Nanatili akong nakamata kay Mama. Posible pala na magpatawad agad kahit sobrang lalim na ng sugat. Batay sa aura ni mama, she's happy and contented now.
"Nagpakatawaran na kami ng ama mo anak. Now it's your turn. Hanapin mo ang kaligayahan mo at simulan mong patawarin ang sarili mo."
Doon na ako napahagulgol. Hindi ko ikakahiyang ipakita kay mama ang nararamdaman kong sakit. Mas kailangan ko ang karamay ngayon. Dahil sa totoo lang, lunod na lunod na ako sa kalungkutan.
Tumayo si mama at niyakap ako. Yumakap rin ako ng mahigpit at parang batang ngumawa.
"Hanapin mo ang bubuo sa iyo anak. Hanapin mo ang taong dahilan ng kaligayahan mo."
I will! At sisiguraduhin kong hindi ko na siya kailan man pakakawalan pa.