Chapter 9

4315 Words
"Si Jonard nasa TV. Nasa Blind Audition ng THE VOICE? Seryoso?" Sunod-sunod na tanong ni John. Umupo siya sa sa tabi ni Fred na noo'y hindi na kumukurap sa katititig sa screen. "Malamang, kita mo na nga o!" Ang sagot lang ni Fred na kinikilig pa rin. Mas lalong gumwapo si Jonard ng pinagmamasdan niya ito sa TV na daig pa ang mga artistang lalaking sikat ngayon. Ngunit ang labis niyang ipinagtaka ay kung bakit ito sumali gayong sa pag-kakaalam niya may seminar itong dinaluhan. Saka wala rin naman itong nabanggit sa kanya. Ang lahat ng kanyang mga tanong sa isip ay isa-isa ring nabigyan ng linaw nang sinimulan ng interbyuhin si Jonard ni Alex Gonzaga na halatang tinamaan din ng kanyang kagwapuhan. "Jonard, bukod sa gusto mong ipamalas ang iyong talento dito sa The Voice, e ano pa 'yong nag-udyok sa'yo para sumali?" Pag-uumpisa ni Alex. "Ah, kasi gusto kong mapabatid sa taong mahal ko kung gaano ko siya kagusto at iyong mga sinabi ko sa kanya, totoo lahat iyon at gusto ko siyang haranahin dito sa The Voice!" Walang kagatol-gatol na tugon ng binata. Mistula namang nasaniban ang babaeng host sa tugon na iyon ni Jonard. Speechless ito nang ilang segundo. Iyon kasi ang kauna-unahang beses na may sumali na ang tanging pakay lang ay haranahin ang taong nililigawan para mapasagot ito. "Sa gwapo mong iyan hindi ka pa niya sinasagot? Hay naku girl, kung nanonood ka man ngayon, sabibin ko, sa'yo sagutin mo na ang lolo mo at baka pera na maging bato pa!" Ang host ulit habang kagat-kagat pa ang mga labi sabay beautiful eyes. Halatang nagpapacute. "May nililigawan na pala iyang Jonard na yan?" Si Fred, nasa tono ng boses nito ang pagkadismaya. Paano kasi, patay na patay kay Jonard. Asa pa siya. "May alam ka ba, Tisoy kung sino ang babaeng 'yon?" "Aba malay, kayo nga 'tong close diba? Lagi nga kayong nagtetext!" Ang sagot din naman ni John na hindi kumukurap ang mga mata sa TV. Hindi niya pwedeng sabihing siya ang tinutukoy ng lalaki at baka mabuking pa siya. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Parang lumuwa na ang puso niya sa sobrang galak. Kung may sukatan lang ang kilig, marahil umabot na ito sa sukdulan. "On national TV, last words mo para sa babaeng nililigawan mo!" "Babae? Kung alam niyo lang!" Sa loob ni John. Hindi naman kasi babae ang napupusuan ng binata kundi isang lalaki rin. At walang iba kundi siya. Ngayon, alam na niya kung ano ang pakiramdam na kadalasang sinasabi ng mga bakla na "haba ng hair". At iyong sa kanya, hindi lang basta haba ng hair kundi naka-rebond at may hair color pa talaga. "Sana sa pamamagitan nito, maramdaman mo kung gaano kita kamahal at kung gaano ako kaseryoso sa'yo. Noong una kitang makita, nasabi ko sa sarili kong ikaw, ikaw na ang bago kong inspirasyon sa aking pagsisimulang maabot ang aking mga pangarap. Mahal na mahal kita baby ko. Ayos lang sa akin kung hindi ako magtagumpay ngayon sa pagsabak ko. Ang sa akin lang mapapasaakin ang puso mo!" Buong pusong sambit ni Jonard na nakatutok pa talaga ang mga mata sa kamera. Alam niyang sa mga panahong iyon nanonood sa kanya si John at sana madama nito ang pintig ng kanyang puso. Umilaw na ang red light. Hudyat na iyon na kailangan na niyang pumasok sa loob para magpakitang gilas sa mga coaches. Ngunit tulad ng sinabi niya roon sa interview, hindi niya talaga hangad na makuha sa blind audition. Ayos lang sa kanya kung wala man kahit isang coach na iikot sa kanya basta ang mahalaga naiparating niya sa binata ang nilalaman ng kanyang puso. Pumagitna na siya sa stage. Hiyawan at tilian naman ang mga audience dahil sa taglay niyang karisma. At noong sinimulan na niya ang kumanta, hayun, mistula ng nagwawala. YOU KNOW OUR LOVE WAS MEANT TO BE THE KIND OF LOVE TO LAST FOREVER Narinig niyang muli ang sigawan ng mga tao. Umikot si Coach Sarah. Namilog ang mga mata nito at napatakip pa sa bunganga. Patuloy lang siya sa pagkanta. Naglalaro sa kanyang isip na kung sakali mang isa si John sa mga coaches, iikot din kaya ito? AND I WANT YOU HERE WITH ME FROM TONIGHT UNTILL THE END OF TIME Mula nang makita niya si John ay may umusbong na agad na pag-ibig sa kanyang puso na hindi niya inaasahan. Nasabi niya sa sarili na marahil ang binata na ang nakatadhana para sa kanya para makasama sa habambuhay. YOU SHOULD KNOW EVERYWHERE I GO ALWAYS ON MIND IN MY HEART IN MY SOUL Umikot na rin si Coach Leah. Sigawan ang mga tao. Tanging si Bamboo na lang ang hindi pa umikot. Nanatili lamang itong nakikinig sa hagod ng boses ni Jonard. Gumagalaw ang mga labi nito, tanda ng pagsabay niya doon sa kanta. BABY.... YOU'RE THE MEANING IN MY LIFE YOU'RE THE INSPIRATION YOU BRING FEELING TO MY LIFE YOU'RE THE INSPIRATION WANT TO HAVE YOU NEAR ME I WANT TO HAVE YOU HERE ME SAYING "NO ONE NEED YOU MORE THAN I NEED YOU Tutok na tutok si John sa screen ng TV at parang hindi na gumagalaw. Sandaling tumigil ang kanyang mundo. Bawat bitiw ni Jonard sa linya ng kanta ramdam niya ang hagod nito hanggang sa kanyang kaluluwa. Napakaganda ng boses nito at kung isa sa siya sa mga naging coaches paniguradong unang bitiw pa lamang nito ng salita ay pumaikot na siya. Ngunit ang talagang nakapagpatindig ng balahibo niya ay siya iyong pinakadahilan kung bakit ito nag-audition para ipabatid kung gaano ito katotoo sa kanya. Gusto niyang humiyaw at sabihing mahal rin niya si Jonard. Sapat na ang ginawa nito upang tuluyan na niya itong matanggap at maging katuwang sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Gaya sa sinabi ng kanta, si Jonard na ang bagong kahulugan ng kanyang buhay. Sa kanya niya naramdaman ang tunay na kaligayahan kahit na sa ikli ng panahon nang sila'y magkakakilala. Nang dahil sa binata, bumalik ang kumpiyansa niya sa sarili. Sa kabila ng madilim niyang nakaraan ay may taong nakahandang magmahal sa kanya gaya ng pinapangarap niya bilang siya hindi sa kung anong meron siya. Dalawang coach lang ang napaikot ni Jonard. Si Sarah na nauna at si Leah. Ngunit sapat na iyon upang malaman ng buong madla na may maibubuga siya. Gaya ng plano niya, wala naman talaga siyang balak na ipursige ang pagiging singer. Gimik lamang niya iyon upang magpapansin sa taong nililigawan. Kumbaga isang makabagong bersiyon ng panghaharana. Hindi niya inakalang magagawa niya ang ganoon. Hindi naman kasi nauuso ang ganoong tradisyonal na ligawan sa tulad nilang nasa gitna. Ngunit naiiba si John. Gusto niya iyong tipong tradisyunal kaya wala na siyang ibang mapagpipilian kundi ang hugutin ang huling alas niya. Si Coach Sarah ang napili niyang maging mentor na hindi pa rin nakamove-on sa kwento niya kung bakit siya napasali sa Blind audition. Matapos ang kanilang yakapan ay nagtuloy-tuloy na siya sa backstage kung saan naroon ang Yaya Laura niya at ang kanyang dalawang ate na tuwang- tuwa sa accomplishment niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito, hindi na niya binalak pa na ituloy ang karera niya sa ikalawang round ng kompetisyon. Magbaback-out na siya. Katatapos lang ng The Voice ay may narinig silang mahinang katok sa pinto. Si Fred ang tumayo at nagbukas nito. Nasa kusina pa kasi si John na kasalukuyang tinatapos ang naantalang paghuhugas ng plato. Nababanaag sa mukha niya ang lubhang saya at kilig. Sariwang-sariwa pa kasi sa isip niya ang mga sinabi ni Jonard na bagama't hindi nito nabanggit ang pangalan niya pero alam niyang siya iyong tinutukoy nito. Kung muli silang magkita ng binata. Walang kaabog-abog na ito ay kanyang sasagutin. "Whoaahhhhh!" Ang narinig niyang tili ni Fred sa may pintuan. Hindi niya iyon binigyang pansin dahil alam niyang si Shawie lang iyon at nag-i-exagerate lang itong si Fred na siyang kinaugalian na nito. "Si John nasaan?" Boses iyon ng isang lalaki. Biglang tumindig ang balahibo niya. Lumakas ang t***k ng puso niya. Halos mabitawan na niya ang hawak na pinggan. Kilala niya ang boses na iyon. Agad siyang lumingon doon at tumambad sa kanyang harapan ang bulto ni Jonard. Labis ang pagtataka niya gayung nasa TV lang ito kanina tapos ngayon nasa harapan na niya. Ano yun? Teleportation? Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkakabigla ay agad siya nitong hinawakan sa kamay saka hinila. "Saan mo'ko dadalhin?" gulat niyang niyang tanong habang sunod-sunuran sa lalaki. Hindi siya nito sinagot sa halip binalingan nito si Fred "Hihiramin ko lang muna sandali itong si Tisoy, Fred" "At saan kayo pupunta ha?" Kay John ito bumaling at pinukulan ito ng isang mapanuring mga tingin. "Basta sandaling-sandali lang to!" At mabilis pa sa alas kwarto na umalis ang dalawa. "Kailangan ibalik mo iyan ng buo Jonard!" Ang narinig nilang sigaw mula kay Fred. "Tisoy, magpaka-demure ka naman. Gosh, huwag na huwag mo munang isuko ang Scarborough shoal sa China, kaloka ka!" Natawa naman sila sa huling sinabi nito. Kahit kailan talaga itong si Fred. Nang makapasok na sila sa loob ng kotse ay agad naman nitong pinaharorot ang sasakyan. Kung saan sila pupunta, hindi niya alam. Ang sabi lang kasi nitong si Jonard sa kanya ay saka na niya sasagutin ang mga tanong niya kung makarating na sila sa kanilang paroroonan. Maya-maya lang ay nakita niyang huminto sila sa tapat ng simbahan sa Quiapo. Pumasok sila. Kunti lang ang tao sa loob. Pumwesto sila sa pinakagilid. Iyong hindi gaanong mailaw. Nagdasal na muna sila bago sila nag-usap. "Onad, paanong nandito ka gayung kanina lang ay nasa TV ka? Nag-audition ka sa The Voice diba?" Ang kanina pa niyang gustong itanong kay Jonard. "Recorded na iyon Tisoy. Kaya nawala ako ng isang linggo dahil ang totoo niyan may taping kami para sa audition ng The Voice. Wala talagang seminar. Gusto kitang sorpresahin. Siguro naman dinig mo lahat ng sinabi ko kanina sa TV!" Buong pagsuyong wika ni Jonard kay John habang may kung anong kinukuha sa bulsa. "I love you Tisoy!" kasabay ng pagkasabi niyang iyon ay siyang ring pag-abot niya sa isang gold na singsing na labis namang ikinabigla ni John. "Sa tingin ko, nagawa ko na lahat mapakita ko lang kung gaano ako kaseryoso sa aking hangarin sa'yo. Huling alas ko na iyong sa The Voice. Gaya nang sinabi ko, wala akong balak na maging singer. Gimik ko lang iyon para maipakita na lahat gagawin ko para sa'yo dahil ikaw ang bago kong inspirasyon sa buhay. At kung hindi pa rin iyon sapat para sa'yo, narito tayo ngayon sa tahanan ng Diyos. Siya ang gagawin kong saksi sa tunay kong nararamdaman sa'yo. Hindi man Siya sang-ayon sa ganitong relasyon, mali na kung mali e sa mahal kita at iyon ang gusto kong sundin!" Hindi namalayan ni John na unti-unti na palang tumulo ang kanyang mga luha. Dalang-dala siya sa mga sinabi ng binata. Tagos iyon sa kanyang puso. Hindi na niya kailangan pa ng iba pang katibayan. Sapat na sa kanya ang pinakita ng binata upang patotohanan ang nararamdaman nito sa kanya. Wala na siyang pakialam sa pagsusumikap niyang maituwid ang pagkatao niya. Mas pipiliin niya ang baluktot niyang buhay ngunit maligaya sa piling ng lalaking mahal niya kaysa ang matuwid na pagkatao kapalit naman ng pagkakawalay ng taong mahal niya. "Mahal din kita Onad, mahal na mahal!" Iyon lang ang nasambit niya at agad na hinawakan ni Jonard ang mga kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak noon. Agad nitong isinuot ang singsing sa isa ring finger. Pakiramdam niya ay ikinasal siya sa lalaking mahal niya sapagkat sa loob pa talaga ng simbahan sila nito naging isa. Kitang-kita niya ang butil ng luhang nangilid sa mga mata ng binata. Sobrang saya lang nito nang tinanggap niya ang inialay nitong pag-ibig sa kanya. Maging siya man ay ganoon din. Pakiramdam niya, nabuong muli ang pagkatao niya na minsang nawasak ng nakaraan. Batid niyang gusto siya nitong halikan sa labi ngunit dahil nasa loob pa sila ng simbahan, nagkasya na lamang ito sa paghawak ng mahigpit sa kanyang kamay. Lumabas na sila ng simbahan. Tinanong siya ni Jonard kung saan niya gustong pumunta para mag-celebrate sa unang gabing magkarelasyon sila. Naisip ni John na dalhin si Jonard sa nakasanayan niyang lugar. Itinabi na muna ni Jonard ang kanyang kotse sa gilid ng park saka sila lumabas. "Anong gagawin natin dito, baby?" Ang bagong tawag sa kanya ni Jonard. Iyon kasi ang naisipan nilang endarement sa isa't-isa. "Basta sumunod ka lang!" Ang tugon niya lang at sumunod din naman si Jonard sa kanya. Pumaikot sila sa likuran ng park na kung saan nakahilera ang mga foodstall ng iba't-ibang uri ng street foods. "Baby, parang wala naman akong nakikitang restaurant o fastfood chain dito?" Si Jonard habang iginiya ang mga mata sa buong paligid. "Sino bang may sabing doon tayo kakain?" Ang agaran din naman niyang sagot. "E saan nga ba?" Napakamot ng ulo ang binata na para bang nayayamot na mas lalong naging cute ang hitsura.  Hinila siya ni John palapit sa mga nakahilerang foodstall. Huminto sila sa isang nagtitinda ng mga isaw, paa, hita at ibang parte pa ng manok na binalot sa harina at inilublob sa kumukulong mantika na hindi na malaman kung anong totoong kulay. Dark brown na mukhang maitim, tanda ng ilang beses ng ginamit. "Yan ang kakainin natin?" Napansin niyang medyo kumunot ang noo ni Jonard. Tutok na tutok ito sa malaking kawaling na kung saan dini-deep-fry ang iba't-parte ng manok. Medyo napangiwi pa nga ito nang makitang maitim na ang kulay ng mantikang ginamit. "Oo, at libre ko!" "Uy, mukhang maganda yan ah. Mapaparami yata kain ko nito" Si Jonard habang kunway hinihimas pa ang kanyang sikmura. Hindi niya matantya kung talaga bang bukal sa loob nito ang kumain ng ganoong pagkain o napilitan lamang itong pakibagayan siya. Unang pinatikim ni John kay Jonard ang isaw na nakatuhog sa barbecue stick. Isinawsaw na muna niya ito sa garapon na may sauce. Tinanggap din naman iyon ng binata. Nag-aalangang pa itong kumagat. Nilasahan sandali. Manamis namis na may halong anghang ang lasa ng sauce. "Not bad!" Ang sabi lang nito. At kumagat pa ulit hanggang sa naubos nito ang isang stick at kumuha pa ulit ng isa. "Nagustuhan mo ba?" Ang tanong ni John sa binata. "Oo naman. Kakaiba. Unang beses kong makatikim ng streetfoods at panalo!" Ang tugon naman nito habang ngumunguya. Nag-thumbs up pa. Nasiyahan naman si John sa nakita niyang pakikianod ng binata. Alam niyang hindi ito sanay sa mga ganoong pagkain sapagkat lumaki ito sa karangyaan. Siguro pa nga pinipilit lang nito ang sarili na kumain ng ganoong pagkain pero dahil sa mahal siya nito kaya nakuha siya nitong pakibagayan. Iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Kaya nga hindi siya nagsisi na mahalin at pagkatiwalaan ang lalaki. Sinong mag-aakala na ang artistahing kaharap niya at naka-longsleeve pa talaga na kumakain ng isaw ay ang taong pinakamamahal niya at mahal na mahal din siya na hindi alintana ang magkaiba nilang mundong pinanggalingan. Siya na isang nasa lupa at si Jonard nama'y isang langit na wala sa hinagap niyang maabot iyon ngunit nagawa naman siya nitong salubungin sa gitna upang sila'y mapag-isa sa tawag ng kanilang mga damdamin. "Titig ka na lang ba diyan o kakain!" Untag nito sa kanya habang mabilis nitong isinawsaw ang hawak na isaw pagkatapos ay akmang isusubo sa kanya. Bahagya namang naitulak ni John ang kamay nitong may hawak ng isaw dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi sa ikinahiya niya iyon, bagkus na-appreciate pa niya kaso iniiwasan lang niyang mahusgahan sila ng mga tao. Dahil sa pagkatulak niya, tumilapon ang sauce nito sa damit ng binata. Agad siyang nag-sorry kay Jonard. Ngunit ayos lang naman daw iyon sa lalaki. Nang akmang punasan sana niya ang natapong sauce sa damit nito ay siya namang paghubad ni Jonard sa kanyang suot at tanging puting sando na lamang ang natira at lumantad ang magandang hubog ng katawan nito na para bang sadyang nililok ng magaling na iskultor at ang kinis pa. Hindi naman maiwasan ng mga kasabayan nilang kumakain ang mapatitig sa binata. Hindi man nagsasalita ang mga iyon, batid ni John ang paghanga ng mga ito sa boyfriend niya lalo na iyong mangilan-ngilang beki sa paligid. Matapos nilang kumain ng dinip-fry na isaw ng manok ay lumipat sila sa isa pang foodstall upang kumain ng iba pang street foods. Nariyan yung kwek-kwek, fishball, kikiam at balot. At gaya ng nauna, sunod-sunuran lang sa kanya si Jonard. Hindi niya ito nakitaan ng pandidiri lalo na ng pinakain niya ito ng balot na may malaking sisiw na sa loob. Sana lang hindi mag-aalburuto ang tiyan nito sa iba't-ibang street foods na tinikman. Dahil palalim na ang gabi ay hinatid na siya ni Jonard pauwi. Bago siya lumabas ng sasakyan, isang matamis at masuyong halik ang iginawad nila sa isa't isa. Isang napakasarap na halik na unang natikman ni John sa buong buhay niya. Bagama't hindi iyon ang una niya sapagkat una niyang naranasan iyon kay Lando pero iba talaga iyong sa taong mahal mo. Puno ng respeto at pagmamahal. Hindi iyong dala lamang ng libog at pagnanasa. Kahihiga pa lamang niya sa kama ay biglang tumunog ang celphone niya. Si Jonard ang tumawag at sinabing na-miss na agad siya nito. At kung papayag siya e pupuntahan siya nito sa bahay. Pero dahil sa hatinggabi na, tumanggisi John at sinabi niya lang na bukas na lang sila magkikita kahit pa ang totoo niyan ay nami-miss na rin niya ito. Nakatulog siyng may ngiti sa mga labi. Sa paglipas ng mga araw mula ng maging sila ni Jonard ay pakiramdam ni John mas lalong naging makulay ang mundo niya. Kay sarap lang sa pakiramdam iyong paglabas niya ng gate ng university ay bubungad sa kanya ang taong pinakasentro sa buhay ngayon. Ang taong naging inspirasyon niya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Ang nagmulat sa kanya sa tunay na mukha ng pag-ibig na wala itong pinipiling estado at nagturo sa kanyang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at kung paano muling magtiwala sa iba. Narealise niyang hindi naman pala totoong laking perwiso ng pag-ibig kung isasabay sa pag-aaral gaya ng kadalasan niyang naririnig, bagkus, nakakadagdag pa ito ng gana at pagpupursige kung alam mong may taong nagmamahal at sumusuporta sa'yo. Nakadepende lang siguro iyan kung paano mo iyon dadalhin at kontrolin. Iyong hindi sumubra sa kung ano lang ang dapat. Si Jonard na ang naging driver niya. Wala itong kapaguran sa pagsundo sa kanya tuwing hapon at minsan nama'y hinihintay nito ang paglabas niya sa may eskinita para maihatid sa university. Minsan tumanggi na siya. Kahit pa kasintahan na niya iyong tao e nakaramdam pa rin siya ng hiya. Paano, alam niyang abala rin ito sa trabaho pero ang kagustuhan pa rin ni Jonard ang nasusunod. Sabi pa nito, maski gaano siya kaabala sa trabaho, siya pa rin ang pinaka-priority nito at kasiyahan ng lalaki ang palingkuran siya upang mas lalo nitong maipadama ang pagmamahal sa kanya. Binilhan din siya ni Jonard ng mga iba't-ibang gamit gaya ng damit, sapatos at ibang karagdagang gamit sa pag-aaral niya. At maluha-luha pa siya nang minsang dinala siya nito sa mall upang pumili ng brand ng laptop na gusto niya. Kahit matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng ganoon ay tumanggi siya. Sobra-sobra na ang mga naibigay sa kanya ni Jonard. Kulang na lang pati toothpaste at gel ay ito pa ang mag-provide para sa kanya. Hiyang-hiya na kasi siya sa binata pero nagpumilit pa rin ito. Gaya nang nauna, si Jonard pa rin ang siyang laging nasusunod. Ngunit sinabi ni John na huli na iyong pagbibigay ni Jonard sa kanya ng kung anu-anong materyal na bagay baka raw kasi dumating sa punto na mawawalan na siya ng motivation sa sariling magsumikap para makamit ang isang bagay. Ayaw niyang magising na lang siya isang araw na laging nakadepende na sa binata na ayaw niyang mangyari. Mas masarap pa rin kasi iyong makamit mo ang mga bagay na iyong nais sa sarili mong pagsisikap. Sumang-ayon naman si Jonard. At dahil doon mas lalo pa siya nitong minahal dahil sa katatagan niya at prinsipyo sa buhay. Dumating ang unang monthsary nila. Sa halip na lumabas ay naisipan ni Jonard na sa kanilang bahay na lamang sila mag-celebrate, bagay na sinang-ayunan naman ni John. Mas mabuti na rin daw iyon para masolo nila ang isa't-isa. Sabado iyon at walang pasok kaya sinundo siya nito sa flowershop. Eksaktong alas- singko ng hapon nang makarating sila sa bahay ng binata. Pagdating nila roon ay nagtungo agad sila sa kusina. Buong pagmamalaki ni Jonard na siya raw ang maghahanda ng putaheng magiging hapunan nila at walang sinabi si Chef Boy Logro sa sarap ng kanyang gagawin. Wala ng ibang gagawin si John kundi ang magrelaks at manood. Andiyan naman si Manang Laura na magiging sidekick niya. Iyon nga ang ginawa ni John. Para siyang isang prinsipe na ipinaghahanda ng kanyang prinsipe rin? Basta iyon ang pakiramdam niya. Sobrang nakakakilig iyon sa kanya na para bang tinalo na niya si Rapunzel sa pahabaan ng buhok. Hindi pa man siya kumakain pero nabubusog na siya sa katititig sa binata. Naka-apron ito na walang pang-itaas. Napakisig tingnan. Lalaking-lalaki. Nakakatakam. Biglang nabuhay tuloy ang alaga niya sa gitna. Kung malingat sandali si Manang Laura ay palihim niyang pupunasan ang namuong pawis sa mukha ng binata at isang mabilisang halik naman ang ganti nito sa kanya. Natapos din sa wakas ang iniluto ng binata. Tatlong putahe din iyon. Bistek tagalog, baked chicken parmessan at asian noddle salad. Nagpaalam na muna sandali si Jonard na maligo bago sila kumain. May labinlimang minuto lang ang nakalipas bumaba na si Jonard at si John na naman ang naligo. Hindi sila nagsabay maligo dahil baka magtaka si Manang Laura. Hindi pa kasi nasasabi ni Jonard sa matanda kung ano siya sa buhay nito. Isang mabilisan lang din ang pagligo ni John. Matapos niyang ayusin ang sarili ay agad din siyang bumaba at nagtungo sa kusina ngunit wala ng tao roon. Hinagilap ng kanyang mga mata si Jonard nang biglang may pumiring sa kanyang mga mata. Alam niyang si Jonard iyon kaya hindi na siya nagtaka "Ano ba 'tong ginagawa mo?" "Surprise!" "Magdi-dinner na tayo at ikaw pa mismo ang naghanda noon kaya paanong surprise iyon?" "Oo nga pero may twist iyon, baby kaya tara na!" Naramdaman niyang iginiya siya nito palabas ng bahay at sa ilang sandaling paglalakad, "Surprised!" Ang narinig niyang sigaw ng binata sabay hawi ng isang palad nitong nakapiring sa kanya. Nang imulat naman niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang isang maliit na bilugang mesa sa tabi ng swimming pool na sinapinan ng pulang table cloth at sa ibabaw noon naroon na ang lahat ng pagkaing inihanda ng binata kanina. Alam niyang nasa bakuran lamang sila ng bahay nito ngunit sadyang naging romantic ang lugar dahil sa maraming mga petals ng rosas ang ikinalat sa buong paligid at maging sa swimming pool na paiba-iba ang kulay dahil sa patay-sindi nitong ilaw sa gilid. Talagang isang napakalaking twist iyon para kay John. Akala niya isang simpleng dinner lang ang mangyayari ngunit higit pa iyon sa inakala niya. Isa iyon sa magandang pangyayari sa buhay ni John na hindi niya malilimutan sa piling ng binata. Infairness masarap ang mga luto ni Jonard at dahil doon naparami ang kain niya. Matapos nilang kumain ay nagbigayan sila ng kanilang mga regalo sa isa't-isa. Isang singsing ang iniregalo ni John kay Jonard para parehas na silang may ganito Isang buwan din niya iyong pinag-ipunan mula sa allowance niya kaya naman abot langit ang ligaya ni Jonard nang siya mismo ang nagsuot noon sa daliri nito. Isa namang blue teddy bear ang ibinigay ni Jonard sa kanya na pinangarap niya na magkaroon noong bata pa siya na hindi naman naibigay ng kanyang mama. May nakasabit pa itong nametag sa leeg. Baby Onad, iyon ang nakasulat na pangalan doon. Ani Jonard, kung sa panahong wala siya sa tabi nito at mami-miss niya siya, yayakapin niya lang daw si Baby Onad para maibsan ang pangungulila niya. Matapos nakapagpahayag ng pasasalamat at pagmamahal sa isa't-isa, saglit silang nagkakatitigan na nauwi sa isang masuyong halikan at naging mapusok sa kalaunan. Hanggang sa pakiramdam nila ay biglang siniliban ang kanilang katawan dahil sa mainit na pagnanasa sa isa't- isa. Umakyat sila sa taas na magkahawak-kamay. Nang makapasok sila sa loob ng silid ng binata ay wala silang sinayang na sandali. Agad naglapat muli ang kanilang mga labi at ginalugad ang lahat na pwedeng maabot ng kanilang mga dila sa loob ng kanilang bibig. Kapwa nila hinubad ang mga damit habang patuloy sa pag-eespadahan ang kanilang mga dila. Para bang isang napakalaking kasalanan kung matigil iyon. Nang kapwa tumambad sa kanilang paningin ang hubad na nilang katawan ay hindi sila magkandaugaga sa paglamas na bawat bahagi noon. Hanggang sa dumako ang mga halik ni Jonard sa kanyang tainga na ikinakiliti niya. Bumaba ito sa kanyang leeg na ikinatayo ng kanyang balahibo. Hanggang sa dumako na ang mga halik nito sa kanyang dalawang u***g. Napasinghap siya. Ibayong sarap at kiliti ang hatid nito sa kanya lalo na at hindi lang basta paghalik ang ginawa ng binata kundi sinabayan pa nito ng pagkagat-kagat. Halos magdedeliryo na si John nang bumaba ang mga halik nito sa kanyang puson. Darang na darang na siya sa sobrang init ng mga labi at dila ni Jonard na dumadampi sa kanyang balat. Halos mapasigaw naman siya nang isinubo na siya ng buo ng binata. Swabe, ni hindi niya naramdaman na sumayad ang ngipin nito sa kanyang sandata. Sobrang guwapo lang ng kanyang boyfriend habang tiningnan niya itong nakapikit at sarap na sarap sa pagpakasasa sa kanyang naghuhumindig na sandata. Maya-maya lang naramdaman niyang malapit na siya ngunit gusto niyang maging patas. Ayaw niyang may mauna o mahuli sa kanilang dalawa. Kailangan nilang makarating sa dako pa roon nang sabay kaya hinatak niya si Jonard patihaya sa kama at siya naman iyong pumaibabaw. Pinapalasap niya sa lalaki ang pinalasap nito sa kanya. Pinaka-attractive para sa kanya ang malapad at mauumbok na dibdib ni Jonard kaya iyon ang pinagsawaan niya. Tanging pag-ungol ang naririnig niya mula sa bibig ng binata at minsa'y may kasamang pagmumura tanda ng sobrang nagustuhan nito ang kanyang ginagawa. Napapaliyad naman ito at napapasigaw ng magsimula na niyang isubo iyon. Nasa kasagsagan sila sa paglasap ng kaluwalhatian ay siya namang pagpasok ng isang sasakyan sa loob ng kanilang subdivision. Sa bawat ungol at halinghing nila sa loob ng kwartong iyon ay may nagbabadyang isang napakalaking kaguluhan na babago sa takbo ng kanilang pagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD