ABALA si Gretel sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita. Ika-labinwalong kaarawan ni Bern at masayang masaya siya. Wala silang hinangad na mag-asawa, kundi ang mapabuti ang nag-iisa nilang anak na si Bern.
Napagawi ang kanyang mata kay Bern na masayang nakikipag-usap sa kaniyang mga kaklase. 'Di maalis ang ngiti niya sa labi. Ito ang buhay na pinangarap lamang nila noon ni Bernard. Tahimik at masaya.
Napabuntong hininga siya saka muling itinuon ang atensyon sa mga pakikipag-usap sa mga bisita.
Ang dami nilang pagsubok noon ni Bernard pero ito pa rin sila. Buo na ang pamilya nila at maligaya sa piling ng bawat isa. Dagdag pa na nagkaroon sila ng mabait na anak. Hindi na rin nadagdagan ang kanilang supling pero kuntento sila na may Bern sa buhay nilang mag-asawa.
"Mommy, umiiyak ka ba?" Biglang tanong ni Bern nang mapansin ang pagpunas niya ng luha sa mata. Hindi niya napansing nakalapit ang anak sa puwesto niya.
Ningitian niya ito. "No, hija. Tears of joy ito. Siyempre dalaga na ang prinsesa namin. Parang kailan lang ay nakikipagpambuno ka pa kay Tito Rafael mo. Pero napatawad na natin siya, di ba?"
Gumanti ng ngiti si Bern sa tinuran niya saka inakbayan ni Gretel ito.
Nagkaayos na sila at pinagbayaran na ni Rafael ang lahat ng nagawa niyang kasalanan sa pamilya nila habang siya ay nasa kulungan. Humingi siya ng kapatawaran sa kanila at pinatawad naman siya. Wala na ang galit sa mga puso nila. Ngayon, lahat sila ay may kanya kanyang buhay at pamilya.
Infairness din kay Rafael, nagbago nga ito ng tuluyan at 'di inakala ni Gretel na makakatuluyan nito ang kanyang pinsan. Tunay nga ang tapat na pag-ibig ang nakakapagpabago sa isang tao.
"Oo naman po. Mabait na po si Tito Rafa at alam kong hindi niya uulitin ang nakaraan. Hindi ko nga rin po maintindihan kung bakit ang bilis kong napalapit kay Irene."
"Mabait kasi ang batang 'yon, pati ang tita mo. Sayang nga lang at maagang naulila si Irene sa ina. Pero alam ko na masaya ang Tita Irenea mo na pinapanood tayo mula sa Itaas. Alam ko rin na proud siya sa anak niya," tugon ni Gretel.
Nang makalaya si Rafael mula sa kulungan ay nagkaroon ito ng sariling pamilya. Anak nito si Irene, matanda ng isang taon ito kay Bern. Itinuring na kaibigan ni Bernard si Rafa.
Paminsan minsan ay pumapasyal ang mag-amang sina Rafa at Irene sa bahay nila. Ngunit mas madalas na nandun si Irene. Bukod sa magkaibigan sila ni Bern, pareho rin silang pumapasok sa parehong unibersidad. Sa katunayan ay magkaklase silang dalawa.
"Hi, Tita Gretel," masiglang bati ni Irene na naglalakad papalit sa kanilang mag-ina. Kumaway pa ito habang may ngiti sa labi. Kamukhang kamukha nito si Irenea, ang pinsan niya. Sayang lang at nawala agad ito.
Masaya si Gretel na naging matalik na magkaibigan ang mga anak nila.
"Irene! Mabuti at nakahabol ka. Ang Daddy mo?" Ang masayang turan ni Gretel sa pamangkin. At niyakap saka hinalikan sa pisngi nang malapitan niya ito.
"Kasama po ni Tito Bernard. Alam niyo naman po 'yong dalawa, negosyo lang ang pinag-uusapan sa tuwing nagkikita," natatawang sagot ng dalaga.
"Para sayo lahat ang pagsisikap ng daddy mo. Saka hayaan mo na, sa pagiging tutok niya sa mga negosyo niyo nalilibang siya at nakakalimutan saglit ang mommy mo."
"I know, tita. Pero hindi po niya ako maalala sa sobrang busy niya. Aalis siya sa umaga palaging nagmamadaling pumasok sa opisina niya. Pagkatapos late na rin po siyang uuwi sa gabi." May pagtatampong tugon ni Irene.
Nagkatinginan ang mag-ina. May punto naman ito para magtampo sa ama.
"Birthday na birthday ko malungkot ka, Irene. Halika, sumayaw na lang tayo," singit na sabat ni Bern nang mahinto ang pinag-uusapan nila.
Hinawakan niya ang kamay ng pinsan at hinila sa gitna para sumayaw.
'Di nakatanggi si Bern at nagpahila sa pinsan niya papunta sa gitna.
Napailing si Gretel at natawa. Dahil hila ni Bern ng isang kama ang gown nito na sumasayad sa sahig. Natutuwa siyang napalaki nila ng maayos at mabuting babae ang anak nilang si Bern.
"Happy birthday, pala, Bern. Sorry, wala man lang akong naibalot na gift para sa'yo," hingi ng paumanhin ni Irene.
"Okay lang 'yon. Ang importante ay andito ka sa birthday ko. Presence mo lang, masaya na ako."
Pilit na ngumiti si Irene at luminga sa paligid. Maraming bisita ang nakadalo sa kaarawan ng pinsan niya. Ang engrande ng mga decorations sa malaking hardin ng mga Dagger. Maraming pagkain at present ang lahat ng mga taong importante sa buhay ng kaniyang pinsan s***h best friend.
Malayong malayo iyon sa naging debut party niya last year. Malungkot siyang napabaling kay Bern.
"Maigi ka pa nga naghanda ng magarbong debut party si Tita Gretel. Kung andito lang si mommy, siguro ganito rin ang gagawin niya sa debut ko. Pero maaga niyang iniwan ako." Napayuko siya na itinatago ang nagbabadyang luha.
Hinawakan ni Bern ang balikat ni Irene. Nag-angat ito ng tingjn sa kanya. Napaiwas ng tingin ang pinsan niya at kita niya ang pagpunas ng luha nito.
"Masaya rin naman ang naging party mo 'nong debut mo." Pilit niyang pinapagaan ang loob ng kaibigan niya. Alam niyang maraming hinanakit sa kalooban si Irene dahil sa nangyari sa ina.
"Thank you, Bern. Palagi kang and'yan para sa akin. Promise, walang iwanan, ha!"
Ngumiti ng malawak si Bern.
"Promised!"
Pinagdikit nila ang kanilang noo saka tumawa ng malakas habang nagsasayaw.
"PARE, tama na 'yan," awat ni Bernard kay Rafa. Sunod sunod kasi ang paglagok nito ng alak na animo'y mauubusan.
"It's Bern's birthday. And we should celebrate."
Bernard heaved a very heavy sighed. He knew it. May problema na naman ang kaibigan niya.
"Sabihin mo na makikinig ako, Rafa."
"Nothing. Masaya lang ako na dalaga na ang anak natin," tugon niya na parang may pait sa pagkakasabi.
"Hmm. Parang hindi kita kilala. Matagal na tayong magkaibigan. Pero naglilihim ka pa rin sa akin." Kakaiba ang ikinikilos ni Rafael kaya alam niyang may itinatagong problema ito.
Huminga muna ng malalim si Rafa saka seryosong tumingin sa kaibigan. "Alright. Kilala mo nga ako. I'm leaving for a trip. Maybe five months."
"Five months? At saan ka naman pupunta?" Nanlalaki ang mata ni Bernard na tanong sa kaibigan.
"May lalakarin lang ako abroad. Kaya ang pinoproblema ko ay si Irene."
"Iiwan mo ang anak mo? Wala kang dapat na ikabahala sa anak mo. Alam mo namang welcome na welcome si Irene sa bahay. At sanay na rin kaming palagi kang nawawala. Pero hindi ka ba nakokonsensiya?"
"For what?"
"Pare, nawawalan ka na ng oras sa anak mo. Nararamdaman naming mag-asawa ang tampo sayo ni Irene. Bakit hindi mo na lang siya isama sa pupuntahan mo?"
Umiling si Rafael at muling ininom ang alak na nasa baso niya. "Hindi puwede."
"Pero, Rafa, lalong magagalit ang anak mo sayo. Five months ka pang mawawala. Isipin mo naman minsan ang anak mo. Kung anong makakapagpasaya sa kanya at ano ang makalabuti kay Irene. Baka pagsisihan mo sa bandang huli ang mga actions mo." Paalala ni Bernard.
Habang nagkakaedad ang mga anak nila. May napapansin na siya kay Irene. Alam niyang kulang sa atensyon ang dalaga mula sa sariling ama.
Maigi na lamang at nagagabayan pa rin nila ito. At paminsan minsan ay napagsasabihan. Pero ang kailangan ng bata ay ang pagmamahal at kalinga ng ama nito.
"Kailan ang alis mo?" dagdag niyang tanong.
"Sa susunod na buwan. Ikaw na muna ang bahala kay Irene. Pagkabalik ko babawi ako sa anak ko."
"Gawin mo 'yan, Rafa. Kami na ni Gretel abg bahala sa anak mo. Siguraduhin mo lang na totohanin mo ang sinabi mo. Hindi na kita mapapagtakpan sa anak mo," bulalas ni Bernard.
"Oo nga, pare."
"Sa pag-alis mo maghanap ka na rin doon ng mauuwi mong bagong mommy ni Irene," biro pa ni Bernard sa kaibigan.
"Sira! Isa lang si Irenea sa puso ko."
Tumawa ng malakas si Bernard sa tugon ni Rafael sa kanya. "Seriously, magiging masaya kaming mag-asawa kung magkakaroon ka ng karagdagang inspirasyon. Hindi 'yong babad ka sa opisina mo."
NATAPOS ang party ni Bern. Nililigpit na ang lahat ng mga upuan, lamesa at maging ang mga pagkain na natira mula sa catering.
"May regalo pa pala kami ng daddy mo sa'yo, hija," sabi ng mommy niya.
Parang batang na-excite si Bern sa narinig. "Talaga po, mommy."
Napabaling siya kay Irene na nakatulog sa sopa sa sobrang kalasingan.
Nasundan ng mata ni Bernard ang tinitingnan ng anak. "Tutulungan ka namin ng mommy mong dalhin sa kuwarto mo ang best friend mo. Sa ngayon, hayaan mo muna siyang makaidlip saglit."
Sumang-ayon sa ama si Bern at nanabik na napatingin sa ina. Hawak nito ang isang maliliit na kahon. Ibinigay ito sa kanya at nanlalaki ang matang napatuon sa kahon.
"Open it. Magugustuhan mo ang munti naming regalo ng daddy mo sayo."
"Oh, God! Thank you, mommy and daddy," masayang pasasalamat ni Bern at nilapitan ang magulang para yakapin.
Maluha luha naman si Gretel nang bumitaw sa yakap ng anak.
Kaagad na binuksan ni Bern ang kahon at napakunot ang noo sa nakits. Expected niyang jewelry o accessories ang laman. Pero isa iyong kulay itim na parang plastic.
"Kunin mo, Bern," utos ni Bernard sa anak.
Napaangat ang tingin ni Bern sa ama. At kinuha ang parang plastic. Nanlaki ang mata niya nang malaman kung ano ang iniregalo ng parents niya sa kanya.
"Nasa parking ang regalo namin sayo. Tignan mo," sambit ni Gretel.
Lumawak ang ngiti ni Bern at mabilis na tumakbo papunta sa parking area nila.
Hinahabol niya ang kaniyang paghinga dahil sa pagtakbo. Agad na natutop ni Bern ang bibig.
Isang Volkswagen Teramonth na bagong labas ang regalo ng parents niya.
Napaiyak si Bern sa labis na tuwa. Ito ang kauna unahan niyang sasakyan. Ayaw ng daddy niya na magdrive siya ng sasakyan. Pero ngayon na eighteen na siya, mukhang pinayagan na siya.
"Dahan dahan lang sa pagmamaneho. Nai-enroll na kita sa driving school. Pag-igihan mo, Bern," bulalas ng daddy niya na ikinalingon niya. Ngiting ngiti ito habang hawak ang kamay ng mommy niya.
Pinunasan ni Bern ang luha sa mata niya at umusal sa hangin ng thank you at I love you. Na tinugon naman ng mag-asawa. Sobra sobrang kaligayahan ang gabing ito para sa kanya.
Nalunod ang puso niya sa sobrang kaligayahan na hatid ng espesyal na gabing ito kay Bern. Wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay kundi ang manatiling maging masaya ang pamilya niya.