PROLOGUE
BLURB
Nagmahal ka ng taong akala mo'y mahal ka rin.
Ninakaw ang lahat ng mayroon si Bern. Pati ang nag-iisang lalaking minahal ay ninanakaw din sa kanya ng pinagkakatiwalaang pinsan at bestfriend, si Irene. Ipapambayad utang pala siya sa nakuha ng mga ito kay Tres.
Phillip Christian Adolfo III, ang bilyonaryong aksidenteng naging asawa ni Bern. Tutulungan siya nitong ipaghiganti ang kanyang sinapit sa kamay ng mga taong sinaktan siya ng labis.
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
‼️Warning: RATED 18 ‼️ There are some words that may not be suitable for young readers.
Read at your own risks...
PROLOGUE
"ANONG ginagawa natin dito? Ace, ano 'to? Sagutin mo nga!" Nagpapanic na mga tanong ni Bern. Nakatingin lang ng matiim si Ace habang siya ay pinagpapawisan sa hindi malamang kadahilan.
They are in a hotel room. Dinala siya ng nobyo niya ng hindi niya namamalayan. Ang alam niya ay ihahatid na siya nito pauwi. Bigla na lamang kasi siyang nakaramdam ng kakaiba sa sarili habang nasa party sila at nag-iinuman.
Namalayan na lamang niyang nasa isang kuwarto siya at hindi pamilyar sa kanya ang lugar.
Ace Jaxon Katz and Berna Grechellie Dagger have been together for almost three years. Nagkakilala sila thru their friends. And to make the story short, ang spark nila ay dumiretso sa isang seryosong relasyon.
Wala ring tutol ang mga magulang niya dahil nasa tamang edad na siya. At malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya na alam nilang 'di niya bibiguin ang mga ito. Isa pa ay nakita nila kung gaano siya kamahal ni Ace. Mabuting lalaki at iginagalang siya ng kanyang nobyo. Bagay na nagustuhan ni Bern kay Ace.
"Babe, calm down. Wala naman akong gagawin sa'yo. Just sit back and relax. Puwede kang dito muna matulog. Alam kong nahihilo ka pa sa dami ng nainom mo," tanging nasagot ni Ace.
Napahawak si Bern sa kanyang sintido. She really feels stranged. Gayunpaman, normal pa ang pag-iisip niya. Nakainom nga siya. But she knows where exactly they are and what she is doing.
Napatunghay si Bern sa nobyo. At ang mga mata niya'y pinipigilan niyang ipikit. Babagsak na ang talukap at parang anumang oras ay makakatulog .
"Baka nag-aalala na sila mommy at daddy sa 'kin. Iuwi mo na lang ako sa bahay, Ace."
Ngumiti ang binata sa kanya.
"Alam nila tita na mag-sleep over ka kina Irene."
Pinagtakhan niya 'yon. Kasama niya ang pinsan niyang si Irene noong pumunta sila ng party. A surprised anniversary party para sa kanya ni Ace.
"Where is she? Andito ba siya? Wala na akong maalalang napansin ko siya kanina. Saka sabay sabay naman tayong tatlo pumunta sa bar," tanong niya na hinahanap ng mata ang pinsan.
"Actually, nasa party pa siya at babalikan ko siya para dalhin dito."
"Bakit mo siya dadalhin dito? Akala ko ba kay Irene ang condo na 'to."
Labis niyang pinagtakhan ang ikinikilos ni Ace. Anong meron? Naguguluhan siya sa nangyayari.
Muling ngumiti si Ace na may kakaibang ningning ang mga mata saka umiling. Nilapitan siya ng kaniyang nobyo at iginiya papunta sa kama.
"Better lay down and take a rest. Hindi pa mabuti ang pakiramdam mo, babe," malambing na usal ng nobyo na inalalayan siyang makahiga. Dahil sa hindi magandang pakiramdam ay umayon siya. Humiga at ipinikit ang mga mata hanggang sa nakatulog ng mahimbing.
Hindi malaman ni Bern kung ilang oras na siyang tulog. Ngunit, bigla siyang naalimpungatan. Pinilit niyang bumangon. Subalit, hindi niya maigalaw ang kanyang buong katawan. Para siyang paralisado na gising ang diwa.
Nanlalaki ang mata niya sa kanyang nakita. At bigla na lang tumulo ang luha niya sa mata.....