GABI, family dinner nila Bern at isinama nila si Irene. Nakapangako ang mommy niya sa pinsan nitong babantayan at aalagaan ang anak nito. Kahit anong mayroong pagdiriwang ang kanilang pamilya ay hindi ito mawawala.
"Bern, how's your study? Nag-aaral ba kayong mabuti ni Irene? Graduating na kayo ng BS Management. Sana naman pagka-graduate niyo ay hahawakan niyo na ang mga negosyo natin," sabi ni Bernard sa anak at sa pamangkin.
"Tito, don't worry. Kilala niyo po si Bern. Matalino po kaya siya sa klase. I heard she's graduating with honors, at cumlaude pa," sabat na pagtatanggol ni Irene. Ipinagmalaki ang pinsan niya sa pagiging matalino nito sa klase.
Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na nakangiting tumingin kina Bern at Irene.
"That's good to hear. And we're always proud of my only one daughter." Hinakawan ni Bernard ang kamay ni Bern. Bata pa ito ay achiever na ang anak nila ni Gretel.
"Thanks, dad. Kanino naman po ako magmamana, kundi sa inyo lang po ni mommy."
Tumawa ng malakas ang mag-asawa sa tinuran ng kanilang anak.
"Of course. We're so happy sa achievement mo, anak." Proud na usal ni Gretel. Namula ang mata niya na maiiyak na.
Nakatingin lang si Irene sa pinsan niya at parents nito. Ano nga bang maipagmamalaki niya? Kumpara sa mga achievements na nakuha ni Bern. Parang wala siyang maalalang may nakuha siyang awards sa school. Kahit ata iyong mga special awards wala siyang nakuha ni isa. Kaya gayon na lamang siguro kalamig ang ama niya sa kanya.
"Mom, 'wag po kayong umiyak. Nagda-drama na po kayo, e," saway ni Bern sa ina na nangingiti. 'Di niya maitatanggi na maging siya ay nahahawa sa pag-iyak ng ina.
"Ang mag-ina ko, oh. Nasa harapan tayo ng pagkain, mag-iiyakan pa kayong dalawa." Napapailing na saad ni Bernard at napabaling kay Irene.
"Pagpasensiyahan mo na ang Tita Gretel mo at pinsan, mga iyakin." Natatawang sabi pa nito.
Pilit na gumanti ng tawa si Irene. Sa loob loob niya ay ang malaking inggit sa pamilyang kaharap.
Nang matapos ang dinner nila ay inihatid ni Bern si Irene sa condo nito.
"Maaga tayo bukas, ha. Isasabay kita sa pagpasok sa University," bulalas ni Bern. Lalabas na sana si Irene mula sa kotse niya nang magsalita siya.
"Makakatanggi pa ba ako? Sige po, manang."
"Hoy! Hindi ako manang, ha!" Asik niya. Kunwari'y galit siya dito na tinaasan ng kilay ang kaibigan.
"Magboyfriend ka na para hindi na kita tatawagin na manang," natatawang pang-aasar pang sabi ni Irene.
Tinignan naman ito ni Bern ng masama. "Akala mo pinupulot lang ang boyfriend sa kalsada. Hintayin mong may manligaw muna sa akin. Saka ako magbo-boyfriend."
Disi otso palang siya at hindi siya nagmamadaling magkaroon ng boyfriend. Kuntento siya sa pagmamahal na natatanggap sa mga taong mahal niya.
"Kung sinasagot mo na si Robert o kaya 'yong kaklase nating may gusto sayo. Sino ba 'yon?"
Napairap si Bern. Si Irene din ang may kagagawan ng mga lalaking manliligaw daw niya kuno. Alam kasi nito na wala pa sa isip niya ang makipagrelasyon. Kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. At kung makita na niya ang lalaking para sa kanya. Aba, hindi na siya magpapakipot. Susunggaban niya agad.
"Hmmp. If I know, puro kinunstaba mo ang mga iyon, Irene. Umamin sa akin si Yuan. Ang sabi mo raw ililibre mo siya ng coffee sa coffeshop. Sa'yo naman may gusto 'yon at hindi sa akin. Kaya pumayag kaagad sa inaalok mo. Ano? Nahuli kita." Binelatan ko ito saka tumawa ng pagkalakas.
Sumimangot si Irene. Mukhang napikon niya ata ang pinsan niya.
"Pahamak talaga ang gagong 'yon. Sabihin pa sayo lahat ng napag-usapan namin," anito at seryoso ang mukhang humarap kay Bern. "Gusto ko lang na happy ang puso mo. Sorry kung gusto kong magkaroon ka ng boyfriend."
"Hoy, ano ka ba! Masaya ako. Hindi naman kailangang may lovelife para maging masaya. Andito sina mommy at daddy for me. And you're here also. My life is complete. Hindi ko kailangan ng love ngayon," aniya, na nginitian si Irene.
Napakibit ng kaniyang balikat si Irene. "Well, kung 'yan ang gusto mo. I understand. Basta kapag gusto mo ng makakapagpasaya sa'yo araw araw. Sabihin mo lang sa akin. Marami akong ipapa-blind date sa'yo," excited na bulalas niya at kinindatan si Bern.
Napailing na lamang siya sa kaibigan niya. "Sige na. Pumasok ka na sa loob. I will text you tomorrow morning
Okay?"
"Okay, po..."
Kahit na magkaiba sila ng ugali na dalawa ay 'di mawawala sa kanila ang pagiging magkaibigan. Si Irene lamang ang kaibigan ni Bern. Wala siyang ibang tao na pinagkakatiwalaan sa lahat, bukod sa parents niya. At hindi mo sila mapapaghiwalay.
"PARE, pansin kong nagtatampo na si Irene sa'yo. Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo? Hindi ka na umuuwi ng bahay. Sa susunod na linggo aalis ka na at limang buwan ka abroad," saad ni Bernard kay Rafa. Nagkita silang magkaibigan dahil nalalapit ang pag-alis ni Rafael sa bansa para sa negosyo.
"E, 'di ginagampanan ang isang mabuting ama."
Napailing siya.
"Nakakalimutan mo na mayroon ka pang anak. Hindi lang kay Irenea iinog ang mundo mo. Bigyan mo naman ng konting panahon mo ang anak mo. Napapansin ko sa batang 'yon, nag-iiba ang ugali."
Napainom si Rafael sa baso na may lamang alak. Saka napatingin sa kaibigan.
"Huwag mo na akong sermunan. Hayaan mo si Irene sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Tutal, malaki na siya at nasa tamang edad na siya. Susuportahan ko na lang siya sa lahat," anito. Hindi makapaniwala si Bernard sa kanyang tinuran.
"Concern lang ako sa anak mo. Halos magkaedad sila ni Bern. Naawa lang ako. Ang lungkot ng mga mata ng bata. Wala ka ng pakialam sa nangyayari sa buhay niya. Ano ang magagawa ng sustento mo at mga ibinibigay mo na pera, kung napapabayaan mo ang sarili mong anak? Nagpapaalala lang ako sayo habang may oras pa. Ayoko lang na may pagsisihan ka balang araw."
Sandaling napatigil si Rafael. Sinusubukan naman niya. Pero naalala niya ang nasirang asawa. Hindi niya nakasama ng matagal si Irenea. Huli na ng malaman niyang nagkaanak pala siya dito. Naikasal muna sila bago ito namatay. Maysakit na noon ito at wala na siyang nagawa para dugtungan ang buhay ng asawa.
"Parati kong ipapaalala sayong and'yan pa si Irene. Kailangan ka ng anak mo. Pag-isipan mo 'yang mabuti. Sana sa pagbalik mo magising ka na," dagdag pa ni Bernard.
Para namang wala lang kay Rafael at tumingin sa kawalan.
"INAALAY ko po ang karangalang ito sa aking mga magulang. Sila ang naghirap para makaabot akong makatapos...." nakangiting sabi ni Bern habang nasa stage at nagsasalita sa mga kaklase at ka-batchmate niya.
Walang tigil ang pagtulo ng luha ni Gretel habang pinapakinggan ang speech ng anak nila ni Bernard. Nakahilig siya sa balikat nito at panay ang alo sa kanya.
Mabilis na dumaan ang mga araw at taon, dumating ang araw ng pagtatapos nila Irene at Bern. Siya ang hinirang na magkaroon ng mataas na karangalan at maka-recieve ng maraming awards. Super proud ang mag-asawang sina Gretel at Bernard para sa kanilang nag iisang anak.
Si Irene ay walang reaksyon na nakatingin lang sa pinsan. As sual, wala na naman ang daddy niya at mag-isa lang siyang nagmartsa.
Nang matapos ang programa, mangiyak ngiyak na niyakap ni Gretel ang anak. At nang bumitaw ay humarap siya r'to.
"You're always making us proud, Bern. Kaya naman ang suwerte namin ng Daddy mo sayo. Wala na kaming hihilingin kundi ang mas mapabuti ka pa."
"Mom, masisira ang make up niyo. Kidding aside, masuwerte rin po ako sa inyo. At lahat ng tagumpay na natatanggap ko ay alay ko sa inyo, sa inyong dalawa ni Daddy," buong pusong sabi ni Bern.
"Mahal na mahal ko kayong dalawa," singit na sabat ni Bernard.
Pinunasan ni Gretel ang luha sa mata. Saka niyakap ang kanyang mag ama.
Sa malayo, nakatingin lang si Irene. Lalapitan niya sana ang mag-anak pero hindi siya tumuloy. Tumalikod siya at hinubad ang kanyang toga saka ibinagsak na lang sa lupa.
"Sandali, si Irene pala?" Biglang naalala ni Gretel ang pamangkin.
"Andito lang po siya kanina, mommy. Binati pa po niya ako," sagot ni Bern na luminga linga sa paligid. Nasa likuran lang niya ito kanina pero biglang nawala.
"Baka naman nauna ng pumunta sa kotse. Halina kayo, baka naiinip na ang batang 'yon," sabi naman ni Bernard. Sabay sabay silang apat na pumunta ng auditorium. Si Rafael ay nasa labas ng bansa na naman para sa kanyang negosyo.