Napatingin ako sa salamin habang inaayusan ako ni Loreta. nakasuot ako ngayon ng pulang dress at kinulot ni Loreta ang mahaba kong buhok at may nilagay rin siya sa mukha ko at ngayon, mapupula na ang aking mga labi. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatingin ako sa salamin. Sobrang ganda ko ngayon, parang hindi ako ang nakakaharap ko sa salamin. Ganito pala sa lugar na ito, may mga gamit sila na nakakapagpaganda sayo. Bumukas ang pinto at nakita ko si Fael na pumapasok at nagulat naman siya nang makita ako. “Woah, prinsesa.” Gulat na sabi niya at uminit naman ang pisngi ko. “Ang ganda mo, mi amor.” Sabi niya at napangiti naman ako. Sobrang gwapo ni Caleb at iba ang suot niya ngayon, kulay itim ang kanyang suot at asul sa pang ibaba. “Ang gwapo mo rin,” Sabi ko at napangiti nama

