Nagising ako dahil sa sakit ng aking nararamdaman. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Fael na natutulog katabi ko. Malungkot ko siyang tinignan at dahan dahan na tumayo at pumunta sa banyo. Napangiwi naman ako dahil sa sakit ng likod ko at sumuka ako sa lababo. Nang matapos na ako, hinugasan ko ang aking mukha at nag toothbrush. Hindi ko na makilala ang sarili ko, namumugto ang aking mga mata. Lumabas ako sa banyo at nakita ko na natutulog pa rin si Fael. Napayuko naman ako at pumunta sa tabi ng bintana at umupo sa upuan habang hinahaplos ang aking tiyan. “Anya?” Narinig kong tawag niya at napalingon naman ako sa kanya at sinubukan na ngumiti. “Gising kana pala,” Mahinang sabi ko. “Bakit ka nandyan?” Tanong niya at napatingin ako sa labas ng bintana. “Magand

