“Anak kumain ka ng lugaw,” Sabi ni ina at tumango ako at dahan dahan na umupo. Kinuha ko ang plato sa kamay ni Ina at nagsimula ng kumain. Masakit pa rin ang katawan ko pero hindi na gaya kanina.
“Nasaan si Fael, ina?” Tanong ko.
“Nasa labas inutusan ng ama mo,” Sabi ni ina at tumango naman ako. Pagkatapos kong kumain ng lugaw, kinuha na ni ina ang plato ko at lumabas. Napa buntong hininga naman ako at bumalik sa paghiga. Maya maya, nakarinig ako ng mga yapak papunta sa taas at nakita ko si Fael na pinapawisan at humiga sa tabi ko. Humarap siya sa akin at hinawakan ang noo ko.
“Hindi kana masyadong mainit,” Sabi niya.
“Huwag mo akong hawakan,” Naiinis na sabi ko. Galit pa rin ako sa kanya. Narinig ko na napabuntong hininga si Fael.
“Kailan ba mawawala ang galit mo?” Naiinis na tanong nito. Siya pa ang naiinis, siya ang may kasalanan kung bakit ako nilagnat.
“Iniwan mo kasi akong mag isa, hinintay kita sa tabing dagat kahit sobrang lamig ng hangin pero hindi ka umuwi,” Mahinang sabi ko sa kanya at natahimik naman siya. Humarap ako sa pader habang sumasakit ang dibdib ko.
“Hinintay mo ako?” Hindi makapaniwala na tanong niya. “Bakit mo ginawa yun? Hindi mo na lang sana ako hinintay, Anya.” Sabi niya sa akin at agad akong tumango. Sana nga hindi na lang ako naghintay kagabi dahil nasaktan lang ako. Sana bumalik na lang ako agad sa bahay at natulog.
“Sana nga, hindi ko naman kasi akalain na maging masaya ka sa piling ni Kasa kaya hindi ka maaga nakauwi.” Sabi ko sa kanya at napa buntong hininga naman ito.
“Bakit ba puro si Kasa ang nasa bunganga mo?” Galit na tanong niya at luha ang umagos sa aking mga mata at mas hinigpitan ko ang paghawak sa kumot sa katawan ko. “Sinabi ko na sayo diba? Wala akong gusto kay Kasa, matagal akong nakauwi dahil tinadtad ako ng tanong ng ama niya.” Naiinis na sabi niya.
“Bakit ka nagagalit?” Galit na tanong ko sa kanya.
“Eh kasi parati mo akong tinutulak kay Kasa,” Sabi niya at tumahimik na ako. “Nagseselos kaba?” Tanong niya at nan lakihan ang mga mata ko sa sinabi niya.
“H-Hindi!” Naiinis na sabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya uminit ang pisngi ko. Wala na akong magagawa dahil alam na niya na nagseselos ako.
Nagulat ako nang hinila niya ako palapit sa kanya at binalot ang mga kamay niya sa katawan ko. Naramdaman ko ang matigas niyang dibdib at uminit ang katawan ko at sinubukang alisin ang mga kamay niya.
“Bitiwan mo nga ako,” Kinakabahan na sabi ko.
“Sabihin mo muna kung bakit ka nagseselos?” Bulong niya at mas lalong uminit ang katawan ko. Parang nawala lahat ng lamig na naramdaman ko kanina at tanging init na lang ang nararamdaman ko ngayon.
“H-Hindi nga ako nagseselos,” Naiinis na sabi ko. Hindi pa rin niya binibitawan ang katawan ko at nagulat ako nang may nararamdaman akong matigas malapit sa ari niya. “Ano ba,” Kinakabahan na sabi ko at inalis ang katawan niya sa akin. Narinig ko na napa buntong hininga ito at binitawan ako.
“Estoy teniendo una erección,” (I am having a boner) Hindi ko maintindihan ang sinabi niya at agad kong tinakpan ng kumot ang lahat ng katawan ko pati ang aking ulo. Bakit niya ba kasi ginawa yun? Hindi kami magkasintahan para gawin niya ang bagay na yun.
“Anya,” Tawag niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. “Huwag kanang magselos, hindi ko naman gusto si Kasa.” Sabi niya sa akin at napapikit nalang ako. Tahimik lang kami habang humihiga at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
**
Nagising ako na wala na ang sakit sa aking katawan kaya napangiti ako habang minumulat ang aking mga mata. Nagpapasalamat ako dahil nawala na ang lagnat ako. Napatingin ako sa kabila ngunit wala na rito si Fael. Nasaan kaya siya? Biglang uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari sa amin. Pilit kong tinanggal yun sa isip ko at dahan dahan na tumayo at niligpit ang higaan.
“Ina,” tawag ko at nakita ko siyang nagluluto.
“Oh anak, wala kanang lagnat?” Tanong ni ina at tumango ako.
“Nasaan sila?” Tanong ko kay ina.
“Yung ama mo, nangahoy. Si Cadfael, nagpaalam na may pupuntahan siya.” Sabi ni Ina at biglang kumirot ang puso ko. Paano kung pumunta si Fael kay Kasa? Hindi naman niya gagawin yun diba?
“Pupunta muna ako sa gubat, ina.” Sabi ko sa kanya at naglakad lakad habang may lungkot ang puso. Nasaan kaya siya ngayon? Saan siya pupunta? Wala naman siyang alam sa lugar na ito. Nakarinig ako ng tunog sa gubat at agad akong lumapit sa tunog na ito.
Nagulat ako nang makita ko si Fael na nagsisibak ng kahoy. Biglang nabuhayan ang puso ko dahil hindi pala siya pumunta sa bahay nila Kasa. Lumapit ako sa kanya at nagulat siya ng makita ako.
“Anya, wala naba ang lagnat mo? Bakit ka lumabas?” Tanong niya.
“Wala na akong lagnat. Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya.
“Gagawa ako ng maliit na bahay.” Sabi niya. Alam ba niyang gumawa ng bahay? Kung isa siyang prinsipe, sigurado ako na hindi niya alam ang mga ganito dahil ang isang prinsipe ay walang trabaho at masarap ang buhay.
“Alam mo kung paano?” Tanong ko sa kanya.
“Syempre naman, isa akong traveller, Anya.” Sabi niya. Traveler? Akala ko ba prinsipe siya? Ano ba talaga siya?
“Akala ko ba, isa kang prinsipe?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi porket isa kang prinsipe, hindi ka na pwedeng pumunta sa iba’t ibang bansa. Ang traveler ay isang tao na pumupunta sa iba’t ibang lugar.” Sabi niya at namangha ako sa sinabi niya. Ganun pala yun? Hindi lang siya isang prinsipe, isa rin siyang traveler. Nakakamangha naman siya.
“Tulungan nalang kita.” Sabi ko sa kanya.
“Huwag na, ang mga babae ay hindi dapat nagtatrabaho.” Sabi niya. “Umupo ka nalang dyan,” Sabi niya at umupo ako sa bato habang pinanood siya. Magaling pala siya sa mga ganito.
“Ayaw mo naba sa bahay namin?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi naman sa ayaw ko, gusto ko lang na mayroon tayong sariling bahay na matutulugan, alam mo na.” Sabi niya at nagtaka ako sa sinabi niya. Ano ba ang ibig sabihin niya?
“Huh?” Tanong ko sa kanya. Napalingon naman ito sa akin.
“Para hindi na tayo kukulitin ng ama mo kapag may gagawin tayo,” Sabi niya at agad akong kinabahan sa sinabi niya.
“A-Anong gagawin natin?” Kinakabahan na tanong ko at narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Ano ba kasi ang sinasabi niya? Ano ba ang gagawin namin sa loob ng bahay nayan? At bakit ayaw niyang makita ni ama?
“Alam mo na, yung mga halik at kung gusto mo, sobra pa sa halik.” Sabi niya at uminit ang pisngi ko at tinignan siya ng masama. May kakaiba akong nararamdaman sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. Talaga bang gagawin niya yun sa akin?
“T-tumigil ka nga,” Nakakainis na sabi ko.
“Bakit, ayaw mo?” Tanong nito at ngumisi.
“Hindi tayo mag asawa,” Sabi ko sa kanya habang namumula ang aking pisngi.
“So kung mag asawa tayo, gagawin mo?” Tanong niya at tinignan ko ito ng masama. Nakakarami na siya sa akin, bakit ba ang laswa ng mga iniisip niya? Bakit iba ang nararamdaman ko? Parang nababaliw na ata ako dahil gusto kong maranasan yun kay Cadfael.
“H-Hindi,” Sabi ko sa kanya pero parang kasinungalingan ang sinabi ko.
“Talaga ba? Bakit namumula ang pisngi mo?” Tanong nito at tinakpan ko ang mga pisngi ko. Nakakainis na talaga siya.
“Diyan ka na nga!” Naiinis na sabi ko at nagtangkang umalis pero hinawakan niya ang kamay ko.
“Hindi naman mabiro,” Sabi niya at pinaupo ako pabalik. “Samahan mo ako,” Sabi niya at hindi ko ito sinagot at nagpatuloy na pinagmasdan siya habang tinatrabaho ang ginagawa niya. Nakita ko ang mga pawis na dumadaloy sa kanyang katawan at nagulat ako nang hinubad niya ang pangtaas niyang damit. Sobrang ganda ng katawan niya, at hindi ko mapigilang mapagmasdan ang kanyang katawan.
Naisipan kong umuwi muna sa bahay para kunan siya ng makakain. “Uuwi muna ako,” Sabi ko sa kanya at tumayo.
“Teka, bakit ka uuwi?” Tanong niya.
“May kukunin ako,” sabi ko sa kanya at tumango naman ito.
“Babalik ka naman diba?” Tanong niya at tumango ako at umalis. Bumalik ako sa bahay at nakita ko sila ina na kumakain.
“Anak, kumain kana.” Sabi ni ina.
“Dadala nalang po ako ng pagkain ina, doon kami kakain ni Fael sa gubat.” Sabi ko sa kanila at napatingin naman sila sa isa’t isa habang kumukuha ako ng pagkain at nilagay ko ang mga ito sa basket. Nagpaalam ako nila ina at bumalik sa gubat kung saan nagtatrabaho si Fael.
Napatingin siya sa akin nang makabalik ako. “Wow, para sa akin ba iyan?” Masayang tanong nito at tumango naman ako at nilagay ang basket sa may bato. Nagulat ako nang makaramdam ako ng yakap sa likod ko. “Hmmm, pwede na pala kitang maging asawa.” Bulong nito at uminit ang pisngi ko at agad na tinulak siya palayo.
“A-Ano ba,” Naiinis na sabi ko dahilan ng pagtawa nito. Nilabas ko na ang mga pagkain at kumain ako ng saging habang kinain niya ang mga kamote.
“Ang sarap ng pagkain dito sa Pinas,” Sabi niya.
“Wala ba kayong ganito sa inyo?” Tanong ko.
“Meron naman pero hindi kami kumakain neto doon, iba ang pagkain namin.” Sabi niya at tumango naman ako. Pinagmasdan ko siya habang kumain at hindi ko mapigilang mapangiti. Napatingin siya sa akin kaya agad na uminit ang aking pisngi.
“Kung makatingin ka, ay para mo na akong hahalikan ah.” Sabi niya at tinignan ko ito ng masama. “Pag matapos na itong bahay na ito, pwede na ba kitang maging asawa?” Bulong niya at nagtayuan ang mga balahibo ko.