Episode 6: Ang Matamis Na Halik

1613 Words
Malapit na ang gabi kaya bumalik na kami ni Fael sa bahay. Nang makarating kami sa bahay, nakita naming kumakain sila ama. Tapos na kaming kumain ulit ni Fael dahil kumuha kami ng isda sa ilog kanina at niluto namin. Nakita ko na napatingin sila ama sa amin. “Saan kayo nanggaling?” Tanong ni ama. “Sa gubat, ama.” Sabi ko at nagtaka naman siya habang tinitignan kami. “Anong ginawa niyo sa gubat?” Tanong ni ina at napatingin ako kay Fael. “Gumawa si Fael ng bahay,” Sabi ko sa kanila. Hindi nila inasahan ang narinig nila. Sino ba kasing mag aakala na marunong gumawa ng bahay si Fael? Hindi pa tapos ang bahay na ginagawa niya ngayon ngunit kakaiba ang porma nito at iba sa mga bahay dito sa isla. “Talaga?” Tanong ni ama at tumango naman si Fael. “Na sige, kumain na kayo.” sabi ni ina. “Tapos na kami ina,” Sabi ko sa kanya. “Naku kayong mga bata kayo, baka ano ano na ang ginawa niyo doon sa gubat.” Sabi ni ina at uminit naman ang pisngi ko. Bakit ba ganito sila mag isip? Wala naman kaming ginawa ni Fael na masama doon. “Wala po kaming gagawin hanggat hindi kami makasal,” Sabi ni Fael at napatingin naman ako sa kanya. Biglang bumilis ang kabog ng aking puso sa sinabi niya. Ayan na naman siya, kung ano ano na ang sinasabi. Huwag niya naman sana akong paasahin. “Papakasalan mo ang anak ko?” Tanong ni ama. “Nagbibiro lang yan ama, huwag kang makinig sa kanya.” Sabi ko at hinila si Fael sa loob ng kwarto. Tinignan ko siya ng masama. “Seryoso ang kasal rito Fael, hindi basta basta.” Sabi ko sa kanya. “Seryoso naman ako ah,” Sabi niya sa akin. Umiling ako inihanda ang higaan. “Paano kapag nahanap kana ng mga kasamahan mo? Hindi ka naman mananatili rito diba?” Galit na tanong ko sa kanya. Pinapaasa lang kasi niya ako, sinabi niya sa akin na mahahanap siya ng kanyang kasamahan at ngayon sasabihin niya sa mga magulang ko na magpapakasal kami. Natahimik si Fael at humiga ako at humarap sa pader. “Pasensya kana,” Malungkot na sabi niya. Hindi ko siya sinagot. *** Kasalukuyan akong naliligo sa ilog at hinaplos ko ng mabangong bulaklak ang katawan ko, pati ang mga buhok ko. Ilang araw na ang lumipas at malapit ng matapos ang bahay na ginawa ni Fael. Mamaya, doon na raw siya matutulog at nagpaalam na siya nila Ina na doon na siya matutulog mamaya. Nagulat ako nang makita ko si Fael na tumatakbo patungo sa ilog at tumalon. Buti nalang hindi ko na hinubad ang damit ko kasi naninilip si Fael kapag naliligo ako rito. Napangiti siya at lumapit sa akin. “Binibini, pwede ba kitang maimbitahan sa bahay ko mamaya?” Tanong niya at hinaplos ang buhok ko. Uminit ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. “A-Ayoko baka may masama ka na namang balak,” Sabi ko sa kanya. “Wala naman tayong gagawin, magpapasama lang naman ako sayo.” Sabi niya. “Hindi ako papayagan,” Sabi ko sa kanya. Hindi talaga papayag sila ama kapag nalaman nila na magkasama kaming natulog ni fael, hindi pa kasi kami kasal kaya hindi pa pwede. “Susunduin kita mamayang gabi, hihinatayin natin makatulog sila.” Sabi niya at napayuko naman ako. “Sige na, please.” Sabi niya at hinaplos ang pisngi ko at dahan dahan akong tumango dahilan ng pagngiti niya. “Hmm, ang bango mo ah.” Sabi niya at pinakita ko sa kanya ang bulaklak na ginagamit namin sa pagligo. “Gusto mo?” Tanong niya at tumango siya at binigay ko sa kanya ang bulaklak at hinaplos niya ito sa kanyang katawan. Nang matapos na kaming maligo, pinunasan ko ang katawan ko at kinuha ang tuyo kong damit. “Pwede ba, doon ako sa bahay mo magbihis?” Tanong ko kay Fael at tumango naman ito at pumunta kami sa bahay niya. Iba ang porma ng bahay niya at sobrang simple at ganda nito. Umakyat ako sa taas. “Huwag ka munang sumilip,” Pagbabanta ko sa kanya at narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Agad akong nagbihis. “Tapos na,” Sabi ko at pumasok siya sa loob. Agad akong tumalikod nang makita ko siyang hinubad ang basa niyang damit. “Ano ba,” Naiinis kong sabi habang namumula ang aking pisngi. “Uuwi na ako,” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito. “Basta mamaya, susunduin kita sa inyo,” Sabi niya at tumango naman ako. Lumakad ako pauwi sa bahay at napaisip ako kung anong mangyayari mamayang gabi. Nakita ko sila ama at ina na nag uusap. “Maayos ba ang bahay ni Cadfael?” tanong ni ama at tumango ako. “Opo ama, maganda ang pagkagawa niya.” Sabi ko sa kanya. “May talento naman pala itong si Fael, pero hindi ako naniniwala na isa siyang prinsipe, wala namang prinsipe sa mundo. Hindi naman totoo ang mga yun,” Sabi ni ina. “Siguro wala siyang matandaan dahil sa pagkadisgrasya niya kaya iba iba na ang naiisip,” Sabi ni ama at napaisip ako na baka nga. Pero wala naman akong pakialam kung prinsipe siya o hindi. “Oh siya, kumain na tayo.” Sabi ni ina at kumain na kami. Pagkatapos naming kumain, inihanda ko na ang higaan at kinabahan ako. Madali lang naman makatulog sila ina at ama ngunit kinakabahan pa rin ako baka kasi magising sila. Sigurado ako na papagalitan nila ako kapag nalaman nila na pumunta ako sa bahay ni Fael sa gabi. Maya maya, tinignan ko sila ina at nakitang tulog na ito. Nakarinig ako ng mga yapak sa labas kaya dahan dahan akong lumabas sa bahay at nakita ko si Fael na nakangiti. “Halikana,” Bulong niya at uminit ang pisngi ko at sumunod sa kanya habang hinahawakan niya ang aking kamay. “Baka magising sila,” Sabi ko sa kanya. “Huwag kang mag alala, ako bahala.” Sabi niya sa akin. Pumunta na kami sa bahay niya at pumasok kami sa loob. Maliwanag ang paligid dahil gumawa siya ng apoy sa labas. Maganda rin pala dito kapag gabi. “Bakit mo ako pinapunta rito?” Tanong ko sa kanya. “Para magagawa ko na ang gusto ko sayo,” Bulong niya at tumayo ang aking mga balahibo nang dahan dahan siyang lumapit sa akin. Napaatras naman ako hanggang sa wala na akong maatrasan kundi pader. “H-Hoy,” Kinakabahan na sabi ko. Nilapit niya ang kanyang katawan sa akin at ang kanyang mukha ay nilapit sa aking mukha. Bumilis ang kabog ng puso ko. “Gusto kitang halikan, Anya.” Bulong niya at hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanyang labi. “F-Fael,” Kinakabahan na bulong ko. “Pwede ba kitang halikan?” Bulong niya at hindi ako makasagot. Hinawakan ni Fael ang likod sa ulo ko at dahan dahan na nilapit ang mga mukha namin. Napapikit ako nang dumampi ang aming mga labi. Nagsitayuan ang aking mga balahibo at bumilis ang kabog ng aking puso. Ito ang unang beses na naranasan ko na mahalikan ng isang lalaki. “Hmm,” Narinig ko ang ungol niya at gumagalaw ang kanyang mga labi sa labi ko at napahawak ako sa mga braso niya dahil para akong natutunaw dahil sa pangyayari. Hinawakan niya ang beywang ko at dahan dahan na pinahiga. Diniinan niya ang kanyang halik at nagulat ako nang pinasok niya ang kanyang dila sa akin. Para akong bato na hindi makagalaw. May kakaibang naramdaman ako sa aking ari at hindi ko alam kung ano. Hindi ko na napaigilan ang aking pag ungol nang hinalikan ni Fael ang aking leeg at dinilaan ito. “Dios mio, tan hermosa.” (My god, so beautiful) Hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero hindi ko na yun maisip dahil sa sarap ng nararamdaman ko habang hinahalikan niya ang aking leeg. Dahan dahan niyang hinila pababa ang damit pang itaas ko pero pinigilan ko ang kamay niya habang hinahabol ako sa aking hininga. “H-Hindi pa tayo kasal,” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito at hinalikan ang noo ko. Hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko. Humiga siya sa tabi ko at binalot ang katawan namin sa kumot. “Fael,” Tawag ko. “Hmm?” Sagot niya. “Papakasalan mo ba talaga ako?” Tanong ko sa kanya at natahimik naman siya. “Oo,” Sabi niya. “Paano kung mahanap ka ng mga kasamahan mo?” Malungkot na tanong ko sa kanya. “Sasama ka sa akin at ikaw ang magiging reyna ko doon, Anya.” Sabi niya at nagulat ako dahil rito. Magiging reyna? Totoo kaya ang mga sinasabi niya? Parang imposible naman kasi. Hindi pa rin ako naniniwala sa mga prinsipe at prinsesa at kung totoo man ang sinasabi niya, hindi ko naman pwedeng iwan dito sila ina. “Hindi ko pwedeng iwan sila ina, Fael.” Malungkot na sabi ko sa kanya. “Isasama natin sila, magiging maganda ang buhay ninyo doon, Anya.” Sabi niya sa akin. “Huwag muna nating pag usapan ang tungkol rito,” Sabi niya at tumango naman ako. Hinaplos niya ang aking buhok at niyakap ako kaya uminit ang aking pisngi. Hindi ako makapaniwala na naghalikan kami ni Fael, sobrang ganda pala sa pakiramdam kapag nahahalikan ko siya. Gusto ko ng ikasal sa kanya at gumawa kami ng pamilya. Gustong gusto ko si Fael at ayaw ko na mawalay siya sa piling ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD