Episode 7: Masasamang Babae

1444 Words
Nagising ako dahil sa tinig ng mga ibon. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Fael na nakayakap sa akin habang natutulog. Uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na nagkahalikan kami kagabi. Napatingin ako sa kanyang mga mapupulang labi at pinagmasdan ko ang kanyang napakagwapong mukha. Sobrang itim ko kompara sa kanyang mapuputing balat. “Fael,” Bulong ko at gumalaw ang kanyang katawan. Nan lakihan ang mga mata ko nang maalala ko na nandito pala ako sa bahay niya. Patay ako ngayon kay ama at ina. “Fael,” Tawag ko ulit at nagising siya at napatingin sa akin. “Kailangan ko ng umuwi,” Sabi ko sa kanya. Hinigpitan niya ang yakap sa akin at nakasubsob ako sa kanyang matigas na dibdib. “Mamaya na,” Pagod na sabi niya at hinaplos ang buhok ko. “Papagalitan ako,” Sabi ko sa kanya at umungol lang ito. Dahan dahan akong tumayo at inalis ang mga kamay niya. “Anya,” Tawag nito at minulat ang kanyang mga mata. Pagod itong tumayo at hinawakan ang kamay ko. “Ihahatid kita,” Sabi niya at lumabas kami sa bahay niya. Nagtaka naman ako ng lumuhod siya sa daan. “Sumakay ka sa likod ko,” Sabi niya. “Huwag na,” Sabi ko sa kanya. ‘ “Sige na, ayaw kong mapagod ka.” Sabi niya at namula naman ang pisngi ko at sumakay sa likod niya. Nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa bahay namin. Nang makarating na kami, binaba na niya ako at nakita ko na wala pa sa labas sila ina kaya nagpapasalamat ako. “Pupunta ka mamaya?” Tanong niya at tumango ako dahilan ng pagngiti nito. “Susunduin kita rito,” “Sige,” Sabi ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa pisngi kaya uminit ang aking katawan sa ginawa niya. Nakangiti ako habang pumasok sa loob ng bahay namin. Umupo ako sa mesa at nakatulala lang habang nakangiti na parang baliw. Naghalikan kami ni Fael! Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun. Masayang masaya ako dahil dito. “Bakit ka nakangiting mag isa dyan?” Narinig kong tanong ni ina. “Ah wala ina,” Sabi ko sa kanya at tinignan lang niya ako ng may pagtataka. “Naku ang batang ito,” Sabi ni ina at lumabas. *** “Ama, pupunta muna ako sa gubat.” Sabi ko kay ama. “Magkikita na naman kayo ni Cadfael?” Tanong niya at uminit ang pisngi ko at tumango. “Naku, mag ingat ka Anya, hindi mo pa lubos na nakikilala si Fael.” Sabi ni ama. “Mabait naman po siyang tao,” Sabi ko sa kanya at tumango lang ito. Masaya akong umalis at nakita ko si Fael na naglalakad patungo sa akin kaya napangiti naman ako. “Ang mahal kong binibini,” Sabi niya at hindi ko mapigilan na kiligin sa kanyang sinabi. Grabe na talaga ang epekto ni Fael sa akin dahil sa halik na yun. Nong hinalikan niya ako, para akong nagkaroon ng malakas na koneksyon sa kanya. Hinawakan ni Fael ang kamay ko at pumunta kami sa bahay niya. Nang makapasok kami, nagulat ako nang makita ko ang maraming pagkain sa mesa niya. May mga prutas gaya ng mangga at pinya. “Paano mo ito nakuha?” Tanong ko sa kanya. “Naghanap ako sa gubat,” Sabi niya. “Kumain kana, aking binibini.” Sabi niya. “Tumigil ka nga,” sabi ko sa kanya at tumawa lang ito. Kumakain na kami at pagkatapos naming kumain, nilinis ko ang bahay niya. “Ako na dyan,” Sabi niya at umiling lang ako. “Ako na,” Sabi ko sa kanya at nakita ko na hinanda niya ang higaan. Pagkatapos kong maglinis, nakita ko siyang nakahiga. “Halika,” Sabi niya at lumapit ako sa kanya. Nagulat ako nang hinila niya ako at niyakap ang aking katawan. “Hmm, gustong gusto ko talaga ang mga yakap mo.” Sabi niya at napangiti naman ako. Nilapit niya ang mukha niya sa akin ngunit biglang sumakit ang tiyan ko. “Anong problema?” Tanong niya at hinawakan ko ang tiyan ko. “M-Masakita ang tiyan ko.” Sabi ko sa kanya at nakaramdam ako ng pagkabasa sa aking ari. Namula naman ako sa hiya, bakit ngayon pa kasi ako niregla? Bakit dito pa sa bahay ni Fael? “Dahil ba sa pagkain?” Nag aalala na tanong niya at umupo. Hinaplos niya ang tiyan ko. “M-May regla ako,” Nahihiya kong sabi sa kanya at nagulat siya sa aking sinabi. “Nakalimutan ko kung ano ang regla, ano yan Anya?” Tanong niya at napapikit naman ako at tinuro ang ari ko. Nan lakihan ang mga mata niya. “Dios mio,” Narinig kong sabi niya. “Anong gagawin ko, Anya? Wala akong alam sa mga ganito.” Kinakabahan na sabi niya. “Uuwi nalang ako, Fael. Malalagyan ng dugo ang kumot mo.” Malungkot na sabi ko sa kanya at dahan dahan na tumayo. Hinila niya ako at dahan dahan na pinahiga ulit. “Humiga ka dyan, wala akong pakialam sa dugo mo, Anya. Magpahinga kana muna.” Sabi niya at umiling lang ako. Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa labi. “Makinig ka naman sa akin.” Sabi niya. “Sabihin mo, ano ang kailangan kong gawin? May kailangan ba akong kunin na herbal? O lulutuin?” Tanong niya. Kahit sabahin ko sa kanya na gawan niya ako ng lugaw, wala siyang bigas. “W-Wala, hahayaan ko nalang ito mawala ang sakit.” Sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at tumabi sa akin at niyakap ako. Dahan dahan niyang hinaplos ang aking tiyan at hindi nagtagal, nakaramdam ako ng antok at nakatulog ako sa mga yakap niya. *** Nagising ako sa mga yakap ni Fael. Nawala na ang sakit sa tiyan ko at napangiti naman ako habang tinignan siyang mahimbing na natutulog. Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang kumot na may dugo ko. Kumuha ako ng ibang kumot at binalot sa kanyang katawan. Binigyan siya ni ina ng tatlong kumot noon. Pumunta ako sa ilog para malabhan ang kumot at para mahugasan ko rin ang mga dugo sa ari ko. Nang matapos akong maglaba, hinubad ko ang pang ibaba kong suot at pumunta sa tubig. Nakarinig ako ng mga boses at tawa na palapit sa ilog kaya agad kong sinuot ang palda ko. Nakita ko sila Corazon, Maria at Kasa na nagtatawanan habang nag uusap. Napatingin sila sa akin at nandilim ang mukha ni Kasa. May sinabi siya nila Corazon at agad na lumapit sa akin si Corazon at Maria kaya bigla akong kinabahan. “Nagtagpo na naman ang mga landas natin,” Sabi ni Corazon, napatingin sila sa duguan kong palda at agad silang nandiri. “May regla ang pangit!” Nandidiri na sabi ni Maria at napayuko naman ako. “Alam mo, galit na galit si Kasa dahil pinagkait mo sa kanya si Cadfael.” Sabi ni Corazon sa akin. Ano ba ang sinasabi nila? Si Cadfael naman ang kusa na ayaw si Kasa. “Turuan niyo ng leksyon iyan,” Sabi ni Kasa at napaaray ako nang hinawakan nila ang buhok ko at pinasubsob ang mukha ko sa tubig. Sinubukan kong makawala dahil hindi ako makahinga at pumapasok ang tubig sa ilong ko. “Ahhppp,” Iyak ko at sinubukan na tanggalin ang mga kamay nila. Pinalabas nila ako sa tubig at napaiyak ako habang hinahabol ng aking hininga. Nagulat ako nang pinasubsob na naman nila ang mukha ko sa tubig. “WHAT THE f**k, Bitiwan niyo siya!.” Nakarinig ako ng malakas na boses sa labas at binitawan ako nila Corazon at napaiyak ako habang umupo at hinahabol ang hininga ko. Nakita ko si Fael na galit na galit at lumapit nila Corazon. “C-cadfael,” kinakabahan na sabi ni Kasa at napaatras naman sila Corazon. Nagulat ako nang hinawakan ni Fael ang mga buhok nila at pinasubsob ang kanilang mukha sa tubig gaya ng ginawa nila sa akin. “F-fael,” Iyak ko ngunit hindi ito nakinig. Binitawan niya ang mga buhok nila at tinignan sila ng masama. “Diba sabi ko na sa inyo na huwag niyo siyang sasaktan? DIBA SABI KO?!” Galit na sigaw niya. “Cadfael, w-wala akong kinalaman dito.” Narinig kong sabi ni Kasa. “Tumahimik ka!” Galit na sabi niya kay Kasa. Nanginginig sa takot sila Corazon. “Kapag ginawa niyo ulit ito, malilintikan na talaga kayo sakin,” Malamig na sabi niya at agad na tumakbo sila paalis habang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD