Episode 8: Sa Bayan

1792 Words
Agad na lumapit sa akin si Fael habang ako ay umiiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit at dahan dahan na binuhat. Binalot ko ang aking kamay sa leeg niya. “Lo siento mucho,” (I’m so sorry) Malungkot na bulong niya. Hindi ko na pilit inintindi ang kanyang sinabi. Parati niyang hinahalikan ang noo ko habang naglalakad patungo sa bahay niya at parati niya ring binibigkas ang sinasabi niyang hindi ko maintindihan. Nang makarating kami, dahan dahan niya akong pinaupo at pinunasan ang basa kong mukha. Binuhat niya ako ulit at pinahiga. “Damn those f*****g b***h,” Galit na sabi niya pero hindi ko pa rin maintindihan. “Fael,” Malungkot na bulong ko at tumabi siya sa akin at niyakap ako. Binalot niya ang katawan ko sa kumot. “Okay ka lang?” Tanong niya at tumango naman ako. “Parati ba nila itong ginagawa sayo?” Tanong niya at umiling ako. Ngayon lang silang nagtangkang gawin na isubo ang ulo ko sa tubig. “Ngayon lang,” Malungkot na sabi ko at napa buntong hininga naman siya. “Bakit nila ginawa ito?” Galit na tanong niya at napayuko naman ako. “Nagalit si Kasa,” Sabi ko sa kanya. “Dahil ba sa akin?” Tanong niya at hindi ako sumagot. Ayaw ko namang isipan niya na siya ang dahilan kung bakit nagalit si Kasa sa akin dahil hindi naman niya kasalanan. Si Kasa ang masama ang ugali at gusto niya na nakukuha niya ang lahat. “Please, sabihin mo Anya.” Pagmamakaawa nito. “Parati namang galit sa akin si Kasa,” Sabi ko sa kanya ngunit parang hindi siya naniniwala sa aking sinabi. Tahimik lang kami habang hinaplos niya ang ulo ko. “Fael,” Tawag ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin. “G-Gusto mo ba ako?” Tanong ko sa kanya at nakaramdam ako ng halik sa aking noo. “Tinatanong paba yun? Gusto kita Anya,” Seryosong sabi niya. “Eh hindi naman ako maganda gaya ni Kasa,” Sabi ko sa kanya at narinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Sa tubig mo lang nakikita ang sarili mo Anya, ngunit ako, kitang kita sa mga mata ko ang kagandahan mo.” Sabi niya at uminit naman ang pisngi ko at bigla akong nakaramdam ng saya. “Bakit mo ako nagustuhan?” Tanong ko sa kanya. “Ikaw ang unang inosenteng babae na nakilala ko, Anya. Iba ka sa lahat.” Sabi niya at pinagmasdan ang mukha ko. Ibig sabihin, marami na siyang babae na nakilala noon? Hindi ko mapigilang napaisip. “Marami ka bang babae noon?” Tanong ko sa kanya at bigla naman siyang natahimik. Hinintay ko ang kanyang sagot at biglang kumikirot ang puso ko. Marami ba talaga siyang babae? Sa mukha niya , parang marami talagang babae na magkakagusto sa kanya. “Wala, Anya.” Sagot niya at napa buntong hininga naman ako. Buti na lang dahil masasaktan talaga ako at magseselos kapag nalaman ko na marami siyang babae. Bakit para ko ng pag mamay ari si Fael? Ano ba itong nararamdaman ko? Mahal ko na ba si Fael? Pagmamahal naba itong nararamdaman ko? “Huwag ka ng mag isip ng kung ano ano,” Sabi nito at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti naman ako at niyakap siya ng mahigpit. Hinalikan niya ang leeg ko at hindi ko mapigilan ang aking pag ungol. Hinaplos ko ang kanyang buhok at napunta ang kanyang mga labi sa aking dibdib. Dahan dahan niyang hinila pababa ang suot na pang itaas ko at agad ko siyang pinigilan dahil sa hiya. Nahihiya ako na makita niya ang hubad kong mga s**o. “F-fael” Kinakabahan na sabi ko at huminto naman siya. “Hindi ko na mapigilan ang sarili ko,” Bulong niya at hinalikan ang leeg ko. “Fael, hindi pa tayo kasal. Hindi pa pwede.” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito at huminto. Maya maya ay nakita ko na nakatulog si Fael kaya napangiti naman ako at hinalikan siya sa noo. Dahan dahan akong tumayo at binalot ang kanyang katawan sa kumot. Lumabas ako sa bahay at umuwi. Nakita ko sila ina na umupo sa duyan. “Ina, may lugaw po ba? May regla ako.” Sabi ko sa kanya. “Nasa kaldero, anak.” Sabi niya at tumango naman ako at kumuha ng lugaw at nagbihis na rin ako ng damit. Pagkatapos kong kumain, humiga ako at hindi ko mapigilan ang antok ko. ** “Nandito si Anya?” Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Fael. “Kanina pa kayo nagsama ni Anya Fael, ano ba ang ginagawa niyo sa gubat ha?” Tanong ni ama. “Wala naman kaming ginagawang masama,” Sabi niya. “May regla ang anak ko, bumalik ka nalang bukas.” Sabi ni ama. Dahan dahan akong tumayo at sumilip at nakita ko na malungkot na umalis si Fael. Agad akong lumabas. “Ama, lalabas muna ako.” Sabi ko sa kanya at napahilot naman ito sa noo niya. “Ayusin mo yang buhay mo Anya, parati kayo nagsasama ni Fael. Papakasalan kaba niya o hindi?” Tanong nito at napayuko naman ako. “Sabi niya papakasalan daw niya ako, ama.” Sabi ko sa kanya. “Anong ipapakain niya sayo, Anya? Kung totoo man na isa siyang prinsipe, hindi siya prinsipe rito at wala siyang magagawa rito.” Sabi ni ama at bigla akong nakaramdam ng lungkot. “Kontento naman ako kung anong maibigay ni Fael, ama. Nakakain naman ako sa kanyang bahay ng maayos, wala namang problema don.” Sabi ko sa kanya at napa buntong hininga si ama at hindi na sumagot. “Oh siya, huwag kang magpakagabi.” Sabi niya at masaya akong tumango at tumakbo patungo kay Fael. Napalingon siya sa akin at agad ko itong niyakap. “Anya,” Masayang sabi niya at binuhat ako. Napangiti naman ako at niyakap siya. “I miss you,” Bulong niya. “Huh?” Tanong ko sa kanya. “Namiss kita,” Sabi niya at napangiti naman ako. “Namiss rin kita,” Sabi ko sa kanya at pumunta na kami patungo sa bahay niya habang buhat ako. Parang nasanayan na ng katawan ko na katabi si Fael. “Anong gusto mong gawin natin?” Tanong niya at napaisip naman ako ng magandang ideya. “Hindi kapa nakapunta sa bayan?” Tanong ko sa kanya. Ang bayan ay nandoon ang iba’t ibang mga tinda gaya ng mga kwintas, purselas at iba pang mga gamit. Hindi na ulit ako nakapunta doon, matagal na panahon. “Ano yun?” Tanong niya. “Basta, maganda doon. Punta tayo?” Sabi ko sa kanya at tumango naman siya at nagsimula na kami sa aming destinasyon. Nang makarating kami doon, maraming mga tao na napaplibot sa paligot habang namimili ng mga gamit. Pinagmasdan ni Fael ang paligid. “Woah,” Narinig kong sabi nito at masaya ko siyang hinila at pumunta kami sa may mga kwintas. “Dito ko nabili ang kwintas ko,” Sabi ko sa kanya at tinuro ang kwintas ko na gawa ng mga perlas. “May tatoo rin dito?” Tanong niya at tumango naman ako. Pinagmasdan niya ang isang magandang babae na inuukit at nilalagyan ng tattoo ang kamay ng isang lalaki. Lumapit siya sa babae at napatingin ang babae sa kanya at nagulat nang makita siya. “Magkano?” Tanong ni Fael. “Isang binokot,” Sabi ng babae at pinagmasdan ang katawan ni Fael. Nakaramdam ako ng selos at hinawakan ang kamay niya. “Binokot?” Tanong ni Fael. “Pera namin, isang binokot ay ganyan.” Sabi ko at tinuro ang hawak ng tao na nag pa ukit ng tatoo. Tumango naman si Fael. “Saan ako makakakuha niyan?” Tanong ni Fael. “Mahirap makakuha ng mga binokot rito, may binokot si ama ngunit para lang sa importanteng bibilhin.” Sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang kwintas niya. “May tindahan ba dito, na pinapalitan ang mga bagay sa pera?” Tanong niya at tumango ako at hinila siya patungo sa tindahan na sinasabi niya. Nagulat siya habang pinagmasdan ang mga “Ligaw” na bagay. Ganyan ang tawag namin kapag may mga bagay na mapupulot kami na iba sa mga bagay namin. “Anong gagawin natin dito?” Tanong ko kay Fael. Nakita kong kinuha niya ang kanyang kwentas at may kinuha siyang purselas sa kanyang kamay. “Magkano ito?” Tanong ni Fael sa tindera at nagulat ang tindera ng makita niya si Fael at ang kwintas niya. “Kamangha mangha ang bagay na ito,” Gulat na sabi niya. “Gawa yan sa tunay na ginto,” Sabi ni Fael. “Isang daang binokot.” Sabi ng tindera at nagulat ako. Napakaraming pera na yun. “Sige,” Sabi ni Fael at kinuha ng tindera ang kwentas at purselas niya at binigyan si fael ng pera. Ngayon lang ako nakakita na ganito karaming pera na nilagay sa bag. “Now, pumili ka kung ano ang gusto mong bilhin, Anya.” Sabi niya. “Huwag na, sayo naman ang pera na yan.” Sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko. “Sige na, lahat naman ng pagmamay ari ko, sayo na rin.” Sabi niya at hindi ko mapigilan ang saya ng aking nararamdaman. Pero kahit anong sabihin niya, nahihiya akong bilhan niya ako. “Hindi na,” Mahinang sabi ko at napa buntong hininga naman siya. “How about a date?” Tanong niya at nagtaka naman ako sa sinabi niya. “Date?” Tanong ko. “Ibig sabihin, liligawan kita at kakain tayo ng masasarap na pagkain.” Sabi niya sa akin at napangiti naman ako at tumango. Ganito ba sa kanila? Nag de date sila doon? Ang ganda naman pala ng lugar nila kung ganun. Nagulat ako nang pumunta si Fael sa isa sa mamahalin na may kainan rito. Hindi pa ako nakakain rito buong buhay ko dahil wala kaming pera. “Fael, mahal dito.” Sabi ko sa kanya. “Ako na bahala,” Sabi niya at pinaupo ako. Nakita kong pumunta siya sa tindera at may sinabi. Nagbayad siya ng binokot at umupo sa tabi ko. Naghintay kami at ilang minuto ang lumipas, nakarating na ang aming pagkain. Biglang tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Sobrang sarap tignan ang pagkain. “Kumain kana, aking binibini.” Sabi niya at uminit naman ang pisngi ko at nagsimula na kaming kumain. Napatingin ako sa labas at nagulat ako nang pumasok sila Kasa, kasama sila Corazon. Nagulat sila nang makita ako dito dahil pang mayaman lang kasi talaga itong kainan na ito. Napalunok naman ako at nakita ko na masama nila akong tinignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD