Episode 8: Ang Masakit Mong Salita

1734 Words
Hindi nakita ni Fael sila Kasa at hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos kaming kumain, hinawakan ni Fael ang kamay ko at umalis kami doon. Pumunta siya sa may mga damit at sinundan ko siya. “Saan ang gusto mo?” Tanong niya at napatingin ako sa mga magagandang damit na nakikita ko ngayon. “Huwag na, marami naman akong damit gawa ni ina.” Sabi ko sa kanya. “Ang tigas talaga ng ulo,” Sabi niya at kumuha ng mga damit. “Fael,” Tawag ko nito pero hindi siya nakinig at binili ang mga damit na kinuha niya. Hinila niya ang aking kamay at bumalik kami sa may tattoo. “Gusto ko na may tattoo tayong dalawa,” Sabi niya at napangiti naman ako. Nag pa ukit kami ni Fael at pareha kami ng tatoo na nilagay sa mga kamay namin. Masaya ako sa araw na ito, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong mga bagay. Umuwi kami ni Fael at hinatid niya ako sa bahay. Nagmano muna siya nila ama at ina bago siya umalis at nag paalam sa akin. “Bukas ulit,” Sabi nito at tumango naman ako. “Salamat sa araw na ito, Fael.” Sabi ko sa kanya at tumango ito at hinalikan ang noo ko. Napatingin sila ama sa akin at napayuko ako sa hiya. “Ina, Ama, pasalubong ni Fael para sa inyo.” Sabi ko at nilagay ang mga pagkain sa mesa. “Binili niya?” Tanong ni ama at tumango naman ako at napatingin sila sa isa’t isa. “Saan siya kumuha ng pera?” Tanong ni ama. “Ama, sa tingin ko ay tunay na prinsipe si Fael. Yung kwintas niya, gawa sa tunay na ginto kaya binenta niya.” Sabi ko. “Imposible naman, hindi naman totoo ang kwento ng mga prinsipe.” Sabi ni ina. Hindi nalang ako nagsalita. “Binilhan niya ako ng mga bagong damit ina,” Masayang sabi ko. “At dinala niya ako sa mamahaling kainan, ngayon lang ako nakatikim ng ganung kasarap na pagkain.” Sabi ko sa kanila at nakita ko ang saya sa kanilang mga mukha. “Pasesnya kana anak, wala kaming pera ng ina mo para pambili ng ganyan.” Malungkot na sabi ni ama. “Ano kaba ama, naiintindihan ko naman at tsaka masaya lang ako.” Sabi ko sa kanila at tumango naman sila. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil ayaw ko na nalulungkot sila ina. Pumasok ako sa kwarto at nilagay lalagyan ang mga damit na binili sa akin ni Fael. Humiga ako habang napangiti. Tumabi na sila ina sa akin at maya maya, nakatulog na sila. Hindi ako makatulog dahil parating nasa isip ko si Fael. Dahan dahan akong tumayo at lumabas at naisipan kong pumunta sa bahay ni Fael. Nang makarating na ako, madilim na ang bahay niya kaya dahan dahan akong kumatok. “Fael,” Tawag ko pero walang sumagot. Nakarinig ako ng ungol. “Fael,” Tawag ko ulit. “Anya,” Bulong nito at nakarinig ako ng mga galaw sa loob. Bumukas ang pinto at bumugad ang pagod na mukha ni Fael habang nakayakap siya sa kanyang sarili. “Anong problema?” Tanong ko sa kanya. “Nilalagnat ako,” Sabi niya. “Humiga ka muna,” Sabi ko sa kanya. “Kukuha ako ng bigas dito, gagawa ako ng lugaw,” Sabi ko sa kanya at tumango naman siya at humiga. Kumuha ako ng bigas na binili niya kanina at pumunta ako sa baba at gumawa ng apoy. Nang matapos na ako, inilagay ko ang lugaw sa plato at nilagyan ng tubig ang kaldero para makagawa ng mainit na tubig. Pumunta ako sa loob. “Umupo ka muna, Fael.” Sabi ko sa kanya at dahan dahan siyang umupo. Sinubuan ko siya ng lugaw at pagkatapos niyang kumain, pinunasan ko ang katawan niya sa mainit na tela. “Humiga kana,” Sabi ko sa kanya at tinulungan siyang makahiga. Umungol naman ito at binalot ko ng kumot ang kanyang katawan. “Anya, maginaw.” Sabi nito at tumabi ako sa kanya at niyakap siya. “Sobrang ginaw,” Sabi niya at hinalikan ang leeg ko. “Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa ginagawa niya. Dinilaan niya ang leeg ko at napaungol naman ako. Dahan dahan siyang pumatong sa akin at naramdaman ko ang sobrang init niyang katawan. “Fael, nilalagnat kapa.” Sabi ko sa kanya. “Gusto ko mawala ang lamig na nararamdaman ko,” Bulong niya at hinalikan ako sa labi. Hindi ko mapigilan na halikan siya pabalik. Nagsasayaw ang aming mga dila at hindi ko mapigilan napaungol dahil sa sarap na nararamdaman ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinila niya pababa ang aking damit pang itaas. Hinawakan ko ang kamay niya at narinig ko na napa buntong hininga siya. Agad siyang huminto at binalot ang katawan niya sa kumot at humarap sa pader. Nasaktan ako sa ginawa niya. “Fael,” Malungkot na tawag ko sa kanya. “Alam ko na ang sasabihin mo, hindi pa tayo kasal.” Narinig kong sabi niya at napayuko naman ako at sinubukang hawakan siya. “Fael,” Tawag ko sa kanya at niyakap siya pero hindi niya ako niyakap pabalik. “Umuwi ka na lang muna, Anya baka may magawa pa ako.” Sabi niya at nasaktan ako dahil sa sinabi niya. “P-Pasensya kana, Fael.” Malungkot na sabi ko. “Umuwi kana,” Naiinis na sabi nito at luha ang umagos sa aking mga mata. “G-Gusto lang naman kitang samahan,” Malungkot na sabi ko at napa buntong hininga naman siya. Hindi ko alam kung bakit siya galit na galit. Gusto niya naba talaga niyang kunin ang p********e ko ng hindi pa kami kasal? Iba dito sa isla namin, kapag nabuntis ang babae na hindi pa kasal at hindi pinakasalan ng lalaki, hinding hindi na pwedeng ikasal ang babae habang buhay at ayaw ko na mangyari yun sa akin. Ayaw kong ipahiya ang mga magulang ko dahil pati sila madadamay. “Umalis ka muna,” malamig na sabi nito at napahikbi naman ako at agad na tumayo at tumakbo palabas, narinig ko na tinatawag niya ako pero hindi na ako huminto sa pagtakbo at umuwi sa bahay. Pumasok ako sa bahay at pinunasan ang mga luha ko. Niyakap ko si ina habang mahinang umiiyak. ** Hindi pa rin ako bumabangon, masakit ang puso ko at hindi ko pa kayang kumilos. “Anya nandito si Fael,” Narinig kong sabi ni ina. “Sabihin mo sa kanya na wala ako, ina.” Sabi ko kay ina at nagtaka naman siya. Tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko at umiyak ng patago. “Wala rito si Anya, Fael.” Narinig kong sabi ni ina. “Saan siya nagpunta?” Tanong ni Fael. “Walang sinabi,” Sabi ni ina at tuluyan nang umalis si Fael at pinunasan ko ang mga luha ko. Pinaalis niya ako kagabi, sobrang nasaktan ako sa ginawa niya. “Anya, nag away ba kayo ni Fael?” Tanong ni ina. “Wala, ina. Masakit lang ang katawan ko.” Sabi ko sa kanya at hindi na siya nagtanong pa. Dahan dahan akong umupo at nagbihis. “Pupunta muna ako sa dalampasigan, ina. Huwag mong sabihin kay Fael kung babalik siya.” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Pumunta na ako sa dalampasigan at pinagmasdan ang magandang dagat. Kailan kaya ako makakalabas sa isla na ito? Kailan ko pa makikita ang iba’t ibang lugar? Nang dumating dito si Fael, nagbago na ang pananaw ko sa buhay, parang gusto ko ng maranasan ang buhay sa labas ng isla. Malungkot akong napayuko at sumulat sa lupa. Hindi ko alam kung ilang oras akong nandito sa dalampasigan. Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi, kung gusto niya talaga ako bakit hindi na kami magpakasal ngayon? Hindi pa ba siya handang maikasal? Hindi ko mapigilan na mapapaisip sa iba’t ibang bagay. “Anya,” Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at napayuko ako. Tumabi siya sa akin pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa pagguhit ng larawan sa lupa. “Pasenysa sa nagawa ko kagabi,” Malungkot na sabi niya at hinaplos ang buhok ko at nilagay sa gilid ng tenga ko. “Anya, kausapin mo naman ako oh,” Pagmamakaawa niya. “Gusto kong mapag isa,” Mahinang sabi ko at napa buntong hininga naman siya. “Anya, hindi ko naman sinasadya yun kagabi. May lagnat ako at hindi ko na nakontrol ang sarili ko.” Sabi niya. “Baka yun lang ang habol mo sa akin,” Sabi ko at napayuko. “Ano bang pinagsasabi mo, Anya?” Tanong niya. “Gusto mo lang makuha ang p********e ko,” Sabi ko sa kanya. “Bakit mo ba naiisip yan? Hindi yan ang habol ko sayo Anya.” Galit na sabi niya at kinuha ang kahoy na ginuguhit ko sa lupa at tinapon ito. “Bakit hindi mo ako pakasalan?” Galit na tanong ko sa kanya. Nagulat siya sa tanong ko at natahimik. “Hindi ako pwedeng magpakasal dito, Anya.” Sabi niya at bigla akong nalungkot. Nagsinungaling lang pala siya nong sinabi niyang papakasalan niya ako. Isa siyang sinungaling. “Nagsinungaling ka lang sa akin at kay ama at ina?” Nasasaktan na tanong ko at umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. “Papakasalan kita pero hindi pwede dito, Anya. Maging hari ako sa Spain at dapat doon ako ikasal. Doon kita pakakasalan.” Sabi niya. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. “Pwede mo naman akong pakasalan dito,” Sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa dagat at napaisip ng malalim. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong tumayo at umalis ngunit hinawakan niya ang kamay ko. “Pwede namang maging tayo kahit hindi tayo ikasal dito, Anya.” sabi niya sa akin at inalis ko ang mga kamay niya. “Iba ang lugar mo sa lugar ko Cadfael, kaya mas mabuti na huwag na lang natin ituloy ang lahat ng ito dahil magkaiba tayo.” Nasaktan ako sa sinabi ko pero yun naman talaga ang totoo. Kahit masakit, iniwan ko siyang mag isa sa dalampasigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD