Masakit pa rin ang nangyari sa amin ni Fael kahit hindi naman kami lubos na matagal na panahon na nagkakilala, iba ang koneksyon ko sa kanya. Para na kaming magkakilala na matagal na panahon at hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi na siya pumunta rito at sobrang namiss ko na siya. Gusto ko na habulin niya ako at humingi siya ng pasenysa pero hindi niya ginawa.
Hindi na rin ako pumunta sa bahay niya at nag aalala na ako kung okay lang ba ang kalagayan niyang mag isa. “Anak, nandito si Fael.” Narinig ko ang sabi ni ina kaya agad akong tumayo at nagulat sa sinabi niya.
Hindi ko akalain na pupunta siya dito. Bakit naisipan niyang pumunta rito?
Lumabas ako at nakita ko siya na may hawak na maraming bulaklak kaya bigla akong nakaramdam ng saya sa aking puso.
“Anya,” Masayang tawag niya sa akin at napayuko naman ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Binigay niya sa akin ang mga magagandang bulaklak. “Patawarin mo na ako, miss na kita.” Malungkot na sabi niya at hindi ako makasagot.
“Anya,” Pagmamakaawa niya at napayuko naman ako. “Please?” Tanong niya at hindi ko mapigilang tumango. Napangiti naman siya at niyakap ako ng mahigpit. “Salamat, Anya.” Masayang sabi niya at nagpaalam kami nila ina at ama na pupunta ako sa bahay ni Fael.
Pumunta kami sa bahay niya at inihanda niya ang mga pagkain. “Kaumain kana,” Sabi niya at tumango naman ako habang nahihiya at nagsimula kaming kumain.
“Namiss kita, Anya.” Mahinang sabi ni Fael.
“Namiss rin kita,” Sabi ko sa kanya at uminit ang aking pisngi.
“Pasensya na, hindi na ako dumalaw sa bahay niyo. Napaisip kasi ako na malaki kasalanan ko sayo.” Malungkot na sabi niya at tumango naman ako. “Gusto ko lang ipaalam sayo na gustong gusto kita, Anya.” Sabi niya at sumaya ang puso ko. “Pasenysa kana dahil napilit kita nong gabing yun,” Sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Hindi na ako galit sayo, Fael.” Sabi ko sa kanya at napangiti naman siya.
“May aaminin lang ako sayo bago ang lahat,” Sabi niya sa akin at kinabahan naman ako sa sasabihin niya. “Anya, sa lugar namin, isa akong babaero noon. Marami akong babae at sa iba’t ibang lugar na pinuntahan ko, may babae ako pero hindi ako seryoso sa kanila. Ewan ko bakit iba ang paningin ko sayo sa kanila. Gusto kita, Anya at seryoso ako sayo.” Sabi niya at halo ang emosyon na naramdaman ko.
Mahirap rin sa akin na malaman na marami pala talaga siyang babae. Pero masaya ako na sinabi niya ang totoo sa akin dahil ibig sabihin, wala siyang tinatago sa akin at seryoso talaga siya sa akin para sabihin ang lahat ng ito pero hindi ko pa rin maiwasan na masaktan.
“Sinasabi ko sayo ang tungkol sa nakaraan ko dahil seryoso ako sayo, Anya.” Sabi niya at tumango naman ako.
“Baka magkaroon ka rin ng maraming babae dito, Fael.” Malungkot na sabi ko at hinawakan niya ang pisngi ko.
“Ikaw lang ang gusto ko, hindi ko nga pinapansin sila Kasa, diba?” Sabi niya at tumango ako. “Magtiwala ka sa akin, Anya.” Sabi niya at napakagat labi naman ako at tumango.
**
Nagising ako dahil sa tunog ng mga ibon napatingin ako sa paligid at nagulat ako dahil dito pala ako nakatulog sa bahay ni Fael. Agad ko siyang hinanap at nakita ko siyang nakaupo habang malungkot na pinagmasdan ang labas. Bakit siya malungkot?
“Fael,” Tawag ko sa kanya at napalingon naman siya at napangiti. “Bakit ka malungkot?” Tanong ko sa kanya at lumapit sa kanya.
“Hindi naman ah,” Sabi niya.
“Diba sabi mo sa akin, magsasabi kana ng totoo?” Tanong ko sa kanya at napa buntong hininga naman ito at napayuko.
“Naalala ko lang ang tahanan ko Anya, hindi ko akalain na mamimiss ko rin doon.” Sabi niya at nakaramdam naman ako ng lungkot. Hinawakan ni Fael ang kamay ko. “Anya, sumama ka sa akin kapag nahanap nila ako. Ipapakita ko sayo ang buong mundo.” Sabi niya at napa buntong hininga naman ako.
“Hindi mo naman kailangan malungkot kung mami-miss mo ang pamilya mo dahil pinapangako ko na bibisita tayo parati sa isla na ito.” Sabi niya sa akin at hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Maging masaya ba ako o malungkot?
Gusto kong sumama sa kanya at dahil gusto kong makasama siya at gusto ko rin makita ang labas sa isla.
“Sasama ako,” Sabi ko at napangiti si Fael at niyakap ako. Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik.
“Papakasalan kita Anya. Maari ba kitang pakasalan dito?” Tanong niya at nagulat ako sa sinabi niya. Papakasalan ako ni Fael? Hindi ako makapaniwala. Agad akong tumango at binuhat niya ako at inikot dahilan ng pagtawa ko.
“Papakasalan mo talaga ako, Fael?” Tanong ko sa kanya at tumango siya at hinalikan ang labi ko. Sumasayaw ang mga labi namin habang hinahaplos ko ang buhok niya. Humiwalay kami sa isa’t isa at napangiti naman siya.
“Ipaalam natin nila ina at ama, sigurado akong magiging masaya sila sa balita.” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito at binuhat ako palabas. “Pwede naman akong lumakad,” Sabi ko sa kanya at binalot ang mga kamay ko sa leeg niya.
“Ayaw kong mapagod ang aking asawa,” Sabi niya at uminit naman ang pisngi ko at nagtago sa dibdib niya dahilan ng kanyang pagtawa.
Nakarating na kami sa bahay at nakita naman sila ina at ama na may masamang tingin sa amin. Nakalimutan ko na doon pala ako nakatulog sa bahay ni Fael kaya sigurado ako na nag alala sila.
Binaba na ako ni Fael at agad kaming lumapit nila ama. “Doon ka natulog sa bahay niya?” Galit na tanong ni ama.
“Ama, wala kaming ginawang masama, maniwala ka.” Sabi ko sa kanya. “May sasabihin kami ni Fael.” Sabi ko sa kanila.
“Ano? Buntis ka? Dahil papatayin talaga kita Fael.” Galit na sabi ni ama at hinawakan ni ama ang braso niya at pinakalma.
“Papakasalan ko po si Anya,” Sabi ni Fael at natahimik naman si Ina at ama at gulat kaming tinignan.
“Totooo ba ang sinasabi niya, anak?” Tanong ni ina at tumango naman ako at ngumiti. Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap galing kay ina.
“Sigurado kaba sa desisyon mo, Fael? Sigurado ka na hinding hindi mo iiwan ang anak ko? Dahil iba dito sa lugar namin, kapag nabuntis siya at iniwan mo siya, hindi na siya makakapag asawa pa ulit habang buhay.” Sabi ni ama at napatingin naman si Fael sa akin at tumango.
“Sigurado po ako,” Determinadong sabi niya.