Kasalukuyan na nilalaro ni Fael ang anak namin sa kuna kasama ang mga laruan niya at hindi ko mapigilan na mapangiti nang marinig ko ang masayang tawa ng aking anak. Gumawa na ako ng pagkain niya, dala ito ni Fael at tinuruan niya ako kung paano ito lutuin. “Anya, mas mabuting doon ka muna sa bahay ni Fael dahil maingay rito sa bahay habang pinapaayos ito ng ama mo.” Sabi ni ina at nakita kong napangiti si Fael at tinignan ko siya ng masama. Wala na akong nagawa dahil kapakanan naman ng anak ko, hindi siya makakatulog rito ng maayos dahil sa ingay ng pag aayos ng bahay. “Sige po, ina. Babalik kami dito kapag tapos na.” Sabi ko at nawala ang ngiti ni Fael. “Sisiguraduhin ko na hinding hindi ka na babalik dito,” Bulong niya at ang nagsitayuan naman ang mga balahibo ko. “Tumigil ka nga,”

