“Tadaaa!” Masayang sabi ni Fael habang kinuha ang maraming iba’t ibang laruan at pinakita kay Francesca. Narinig ko ang masayang sigaw ni Francesca habang kinukuha kay Fael ang mga laruan. “Hindi ko alam kung babae o lalaki ang anak natin kaya binilhan ko nalang siya ng mga sasakyan na laruan at mga manika.” Sabi niya Fael at namangha ako sa mga klaseng laruan na ito dahil para silang totoo. “Ama, Ina, may mga gamit rin para sa inyo.” Sabi ni Fael at kinuha ang mga iba’t ibang damit sa malaking kahon na dala niya. Sabi niya, tinulungan raw siya ng mga tauhan niya na buhatin ang mga gamit dito. “Suotin niyo yan, komportable yan, kasi malamig dito.” Sabi ni Fael at kinuha nila ina ang mga damit na binigay ni Fael. “Anong klaseng damit ito? Ang lambot.” Sabi ni ama at narinig ko ang mahinan

