Bukas ang kasal namin ni Fael at balak namin na puntahan sila ina at ama sa bahay para sabihin sa kanila ang tungkol dito. Kinakabahan ako baka magalit na naman si ama sa amin pero napag isipan na namin ni Fael na sabihin namin sa kanila kahit magalit man sila. Hinawakan ni Fael ang kamay ko at pumunta kami sa bahay. Nang makarating kami sa bahay, nakita ko sila ina at ama na nakaupo sa duyan habang nag uusap kaya kinabahan ako at lumapit kami sa kanila. Napatingin sila ina sa amin at napatayo naman si ama. “Ang lakas talaga ng loob mo Fael,” Galit na sabi ni ama at lumapit ako sa kanya. “Ama, pakiusap, ayaw ko na po ng away.” Pagmamakaawa ko kay ama at napa buntong hininga naman ito. “Patawad po sa nagawa ko pero may rason ako kung bakit ko nagawa ang lahat ng yun. Mahal ko po si Anya

