CHAPTER 20 Nagmadali akong nagbihis para makababa na kaagad ako. Nang matapos na akong magpalit ng damit ay mabilis akong bumaba. Nakahawak pa ako sa puson ko habang pababa na ako ng hagdan. Naabutan ko si Vincent na nakaupo pa rin sa sofa namin. Nakahawak na naman ito sa kanyang cellphone. "Vincent. . ." tawag ko sa kanyang atensiyon. Umangat ang tingin niya sa akin at kaagad na binaba ang kanyang cellphone at pinasok ito sa kanyang bulsa. "Gusto mo bang uminom ng juice o kape? Pero baka may trabaho ka pa at kailangan mo ng umalis." umupo na ako sa kaharap na sofa niya. "The chocolates will arrive later." nagtataka ko siyang tiningnan. Anong chocolates? “Chocolates?” nagtataka kong tanong sa kanya. “The chocolate can ease the pain.” simpleng sagot niya sa akin. I think my heart is a

