CHAPTER 1
CHAPTER 1
"Bilisan n'yo na kasi d'yan! Broken ako ngayon kaya uminom tayong tatlo!" sigaw ko sa kanilang tatlo sa aking phone na nakalapag sa kama. Nagvivideocall kami ngayon habang ako ay nagsusuot na ng panty dahil nagbibihis ako, kakatapos ko lamang maligo.
"Tangina, Gianna, ah? First day natin sa college tapos iinom kaagad tayo?" nakita ko si Chloe na natotoothbrush na.
"Wala ka talagang pinipiling araw, Gianna! Sige, papunta na sana ako sa school. Babalik nalang ako, d'yan ako pupunta sa bahay n'yo." nasa kotse na pala niya si Kaylee. First day of school pero hindi mn ang ako nakaramdam ng kahit anong excitement sa katawan ko. Ano bang mayrron d'yan sa first day of school na 'yan? Broken ako ngayon sa naging jowa ko for 1 week, yeah, 1 week lang naman. Nagcheat ba naman sa akin ang tangina! Akala mo naman ang gwapo niya! Ang pangit kaya niyang humalik! Hindi marunong, jusko! Tapos nakuha pang mag cheat ng loko sa akin. Sa ganda kong ito?
"Bilisan n'yo na d'yan! Kaylee, bili ka nga ng gin d'yan! Bayaran nalang kita dito sa bahay." kinuha ko na ang aking phone. Nakita kong sabay na napahilamos si Kaylee at Chloe sa aking sinabi.
"Tangina mo talaga, Gianna! Nag- aayang uminom tapos hindi pa pal handa nag alak d'yan! Anong babayaran? Ilang ulit mo ng sinabi sa akin 'yan, ha?" nag fying kiss lang ako kay Kaylee.
"Sige na, babayaran nga kita. Bilisan n'yo na d'yan at inom na inom na ako dito, oh." hindi pa sila nakaapagsalita ay pinatay ko na ang aking phone.
Malaya akong nakakainom sa bahay namin dahil wala dito ang mga magulang ko. Nasa ibang bansa at nagtatrabaho doon. Kaming dalawa lang ng kapatid ko at ang katulong namin ang kasama ko dito sa bahay. Hindi masyadong umuuwi na dito ang kapatid kong babae dahil fourth year college na ito kaya sobrang busy na nila. Ako? First year college na, pero our kalokohan pa rin ng gnagawa ko sa bahay. Ano? Mag- aaral akongmabuti tapos stress lang ang makukuha ko? 'Wag na uy, ang mahalaga ang pasadong grades lang.
Bumaba na ako ng bahay namin. Dalawang palapag ang bahay namin. Apat na kwarto ang nandoon sa taas, ang isa ay sa mga magulang namin, ang dalawa naman ay sa amin n kapatid ko, habang ang isa ay guest room namin. Nasa baba naman ang kwarto ng isang katulong namin. Simula bata pa lamang kaming dalawa ng ate ko ay halos hindi na namin kasam ang mga magulang namin. Sa mahahalagang araw ng buhay namin ng ate ko ay halos hindi sila makauwi. Naiintindihan naman namin na ginagawa nila ito para sa amin, para mapabuti ang kinabukasan namin. Pero hindi lang talaga namin mapigilan na magtampo sa kanila. Halos hindi na nila alam kung ano ang mga gusto namin sa buhay. Kaya rin siguro puro kalokohan ang ginagawa ko sa buhay ko. Akalain na parents signiture pero perma ng katulong namin ang nandoon ko kaya naman ay perma ng ate ko dahil wala sila sa tabi namin. Graduation nga namin ng ate ko ay nanghihiram nalang kami ng mga magulang para may kasama kami sa stage. Hindi naman mahalaga sa amin ang pera, ang mahalaga sa amin ay makasama namin sila. Ang ibang mga pamilya nga ay kaya namang buhayin ang mga anak nila nang hindi umaalis ng bansa. Diskarte nalang siguro ang kailangan.
Umupo na muna ako sa sofa namin nang makababa na ako. Hawak ko ang aking cellphone at tiningnan ko kung anong oras ang start ng class namin today. Nasa 10:0 am pa naman ang first class namin, hindi naman siguro need na pumasok kaagad kahit first day pa lang. Parang ang ikli ng dalawang buwan na bakasyon namin.
Nilibang ko muna ang aking sarili sa aking cellphone habang hinihintay ko na dumating ang mga kaibigan ko. May groupchat na kami sa mga kaklase namin kaya naman ay tiningnan ko ang mga lalaking classmate ko. May iba namang mga pogi, pero hindi ko bet magjowa ng kaklase. Ang awkward naman yat nun. Mas bet ko sa ibang section, maghanap nga ako kapag pumasok na ako.
Napatayo ako nang may bumisna na sa labas namin. Sila na sigurong dalawa ito. Mabuti naman at dumating na. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ko iyon. Nasa labas na ng gate namin ang sasakyan ni Kaylee. Binuksan ko na ang malaking gate namin upang makapask na ang sasakyan ni Kaylee sa parking area ng bahay namin.
"Ang aga- aga pa pero alak na kaagad nag hawak ko! Akala ko pa naman magiging good girl na ako kasi first day of school! Hindi naman pala ballpen ang hawak ko kundi alak!" talak kaagad ni Chloe sa akin nang makababa siya ng sasakyan.
"Malay ko ba na ngayon ako magiging broken!" bumaba na rin si Kaylee ng sasakyan niya. 'Wag na kayo magtaka kung abkit may sasakyan n aito si Kaylee, mayaman ang isang 'yan. Kaya kahit nung fourteen years old pa lamang siya ay hinahayaan na siya magdrive ng sasakyan ng mga magulang niya.
"Broken ka na naman sa ilang linggo mong jowa?" tanong ni Kaylee. Lumapit na silang dalawa sa akin at nagsimula na kaming maglakad papunta sa loob ng bahay.
"Hoy, kahit isang linggo lang ay kailangan ko parin ng alak! Ewan ko nga ba kung bakit pa ako tumagal ng isang linngo sa lalaking 'yon! Ang lamya humalik! Hindi marunong!" sabay silang natawa sa aking sinabi. Binuksan ko na ang pintuan namin at pumasok na kaming tatlo. Pasalampak kaagad silang umupo sa aming malaking sofa. Nilapag ko n sa center table ang alak na binili nila.
"Tangina, natuwa ang mga magulang ko kasi ang aga ko raw magising sa first day of school ko. Hindi nila alam lumiko ako ng daan." natawa namana ko sa sinabi ni Chloe.
"Papasok naman tayo mamaya, eh!"
"Papasok nga, lasing namam."
Nang matapos ko ng ihanda nag lahat ay nagsimula na kaming uminom. Ilang bote yata ng alak ang naubos naming tatlo. Hindi ko alam kong anong oras na, hindi pa kami kumakain. Bulagta kaming tatlo sa sahig at nakatulog na kaagad.
Sapo- sapo ko ang aking ulo nang bumangon ako upang hanapin ang aking cellphone. Naghahanap pa ako ng mahahawakan ko upang hindi ako matumba dahil umiikot pa rin ang paningin ko. Tangina, ang sakit ng ulo ko!
Nang makita ko ang oras ay nasa 6:00 pm na. Pumipikit pa ako habang naglalakad pabalik sa dalawa. Sinipa ko ang paa ni Kaylee at Chloe para magising silang dalawa.
"Gumising kayo! Makakaabot pa tayo sa last subject natin!" ilang beses ko silang sinipa ulit para magising.
"Tangina ka talaga sa lahat ng tangina, Gianna!" sigaw ni Kaylee sa akin. Padaba itong nakahiga sa sahig namin. Lumalabas na nga ang suot niyang cycling dahil maiksi rin ang suot niyang palda.
"Bihis muna ako sa taas, gisingin mo n 'yang si Chloe at aalis na tayo!"
"Putangina! Ang ingay!" sigaw ni Chloe at masama kaming tiningnan. Tumawa ako habang naglalakad na papunta sa taas. Hirap na hirap ako at parang ag tagal kong nakarating sa taas. Mahigpit ang hawak ko sa gilid ng hagdan upang hindi ako mahulog.
Naghilamos kaagad ako nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ko para medyo mahimasmasan naman ako. Binuksan ko na ang aking cabinet at basta- basta na lang akong bumunot ng masusuot doon sa loob. At dress pa yata ang nakuha ko, ang dress na ito ay hapit na hapit sa king katawan na hanggang tuhod ko. Pero labas na labas naman ang aking dibdib. Dahil tamad ako ay hindi na ako naghanap pa ng iba.
Nang maayos ko na ang aking sarili ay naabutan kong nakapikit ang dalawa pero nakaupo na ito sa sofa namin. May hawak pang liptint si Kaylee sa kanyang kamay.
"Gumising na kayo!" sapo- sapo ni Chloe ang kanyang dibdib dahil sa aking pagsigaw.
"Tangina ka, Gianna!"
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa loob ng paaralan. Iniwan namin ang sasakyan ni Kaylee sa bahay namin, baka kasi kapag nag drive pa siya ng sasakyan niya ay mapahama pa kami.
Nagyon ay naglalakad na kami paakyat ng hagdan. Ang elevator ay nakapatay pa kaya kailangan talaga naming magtiis dito. Bakitkasi nasa third floor ang classroom namin ngayon! Magkahawak kamay kaming tatlo habang naglalakad.
"Ito na yong room!" turo ni Kaylee nang makarating na kami sa taas. Dahan- dahan kaming naglakad papunta doon.
Hala! Bakit may pogi sa loob ng classroom namin? Ang pogi niya! Classmate ba siya namin? Bakit hindi ko nakita ang pangalan niya.
Dahil dakilang malandi ako ay binitawan ko ang kamay nung dalawa at naglakad na papunta doon sa harap. Halos laaht ng mga kaklase ko ay napalingon sa biglaang pgpasok ko. Ang gwapo naman kasi ng nilalang na ito!
“Hello, pogi!” natahimik ang lahat sa aking sinabi.
Napataas ang kilay ng lalaking nasa harap ko. Mas lalo lang siyang naging pogi sa aking paningin lalo na at sobrang lapit ko sa kanya ngayon.
“Bakit late ka sa klase ko?”