CHAPTER 2

1137 Words
CHAPTER 2 Shit! Teacher ba itong nasa harapan ko ngayon? Bakit parang kaedad lang namin ito? Jusko! Sa malapitan ang kinis ng kutis niya. Bakit ang gwapo ng nilalang na ito? Sarap halikan nang halikan. Gaganahan na talaga ako nitong pumasok “I am sorry, sir.” malanding wika ko. Umikot ako para tumingin sa paligid at naghanap ng upuan. Ang dalawa kong kasama ay nakatakip ang kanilang mga kamay sa kanilang mga labi na tila ba ay pinipigilan nila ang kanilang mga tawa. “Next time, don't be late. Take a sit, occupy the sit at the back.” Nagsimula na akong maglakad papunta sa bakanteng upuan sa likuran. Mas bet ko pa naman sana na sa unahan umupo para makapagpapansin ako sa professor namin. Sa susunod talaga hindi n ako magpapalate at pupunta ako ng maaga dito sa classroom para sa unahan ako. Bakit ba kasi naging professor pa namin 'to. Confident akong umupo sa tabi ng bintana. Bahala kayo d'yan kung ano ang sabihin n'yo sa akin! Malay ko bang teacher pala iyon. Tumabi naman kaagad sa akin ang dalawa. Mabuti nga at maayos akong naglakad kanina. Parang gusto kong umayos ng pag-aaral sa subject na ito dahil sa professor namin. Sino ba ang hindi gaganahang pumasok kapag ganyan ka gwapo ang teacher n'yo? Jusko, parang kahit yata walang pasok ay papasok ako para makita lang siya. Hula ko ay mga nasa lagpas na twenty five ang kanyang edad. Pero ang fresh at ang linis niyang tingnan. "So, uulitin ko, hindi ako nagbabagsak ng mga estudyante basta nakikita ko lang kayong nagsisikap. And I am very strict in my class, but we can be friends outside the classroom. I want you to come here on time, late students will be automatically absent." he emphasized the word 'late' ang ibang mga kaklase ko ay tumingin sa akin. Pero imbes na mahiya doon ay taas noo pa rin ako. Ilang minuto lang naman kaming late, ah? "And cheating is not allowed here. Kapag nahuli ko kayong nagchicheat ay doon pa lang ako magbiigay sa 'yo ng bagsak na grades at hindi mo na mababago ang isip ko." habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa mga labi niya. Ang sarap sigurong halikan niyan, 'no? Ang pula, sobrang kissable. Wala sa sarili akong napakagat sa aking pang- ibabang labi. s**t! Mas malalandi ko sana 'to kung hindi lang 'to teacher namin, eh. "Girl, isara mo naman ang bibig mo. Parang tutulo na 'yong laway mo, oh. Halatang- halata ka, ah." siniko ako ni Kaylee. Ang gwapo naman kasi Kaylee! Kailangan kong higpitan ang panty ko baka bigla na lang itong mahulog dito. Namumungay pa ang mga mata ni Kaylee at antok na antok pa ang kanyang mukha. "Ang gwapo naman kasi! Tingnan mong maigi ang mukha niya! Napakaperpekto! Parang wala ni isang sign na nagka pimples siya. Mas makinis pa yata 'yan sa akin, eh. Tanungin ko kaya ano ang skincare niya?” mahinang bulong ko sa kanya. Si Chloe naman ay mas nilapit ang mukha sa amin para marinig niya ang usapan namin. "Ano? Ano raw? Sali n'yo naman ako." tanong nito sa amin habang nakakunot ang kanyang noo. Antok na antok na rin ang isang ito. Medyo napalakas ang boses ng bruha kaya naman ay napalingon sa amin ang mga kaklase namin, pati na rin si sir. Sir? Hindi ko alam ang pangalan niya, hindi naman niya iyon sinabi sa amin. O baka nasabi na niya pero hindi pa kami nakakakratng kanina? Sayang naman! Hindi ko man lang narinig ang buong pangalan niya. Sana may groupchat na kami kasama siya. Mahanap nga mamaya ang pangalan niya sa f*******:. “Baka gusto n'yong ishare sa amin kung ano ang pinag- uusapan n'yo d'yan?” pinagkrus nito ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib. Imbes na matakot sa kanya ay mas lalo akong namangha. Bakas ang galit sa kanyang mukha, nakikita ko iyon. Pero ang hot niyang magalit! Tangina naman! Wala yata akong makitang mali sa lalaking ito! “Wala po, sir.” sambit ni Chloe. “Really? I am talking here in front of you. Dapat ay makinig kayo sa akin.” tumango kaming tatlo ng sabay. “Sorry po, sir. Hindi na po mauulit,” nilagay ko sa aking tainga ang aking buhok bago ako sumaludo sa kanya. Napuno ng tawanan ang classroom namin dahil sa aking ginawa. Pero parang hindi yata natuwa doon si sir, nagsalubong lang ang kilay nito. Ang hirap namang pasayahin ng lalaking 'to! Gusto kita makitang ngumiti! "Listen, everyone. Since this is our first meeting, I will dismiss you early." napuno ng sigawan ang buong classroom, tuwang- tuwa sila sa kanilang narinig. What's our schedule? Monday, Wednesday, and Friday, right?" "Yes, sir!" "Then, I will see you on Wednesday. Class dismiss. Be safe, everyone." nauna a itong tumayo sa amin at tuloy- tuloy na lumabas ng classroom. Hinabol ko nga ng tingin hanggang makalabas pero hindi na talaga lumingon pa sa amin. Mabilis na nag- alisan ang aking mga kaklase. Kaming tatlo naman ay nanatailing nakaupo pa rin doon. "Wala pa ba tayong planong umuwi?" tanong ni Chloe sa amin. Nakapahimas naman si Kayleesa kanyang sentido. "Tangina ka talaga, Gianna. Napakasakit ng ulo ko," reklamo nito sa akin habang patuloy na hinihimas ang kanyang sentido. Masakit din naman ang ulo ko, pero nawala na iyon dahil sa nakita ko kanina. "Umuwi na nga tayo!" nauna na akong tumayo sa kanila at kinuha na ang aking bag. Bumuntong hininga silang dalawa bago sumunod sa akin. Nasa gitna nila akong dalawa at nakahawak sa aking magkabilang kamay. Hindi na sumakay ng elevator baka raw kasi ay mas mahilo pa silang dalawa. Habang pababa na kami ng second floor ay nakasabay namin si sir. Gusto kong bitawan ang dalawa para mas makita ako ni sir pero ang higpit ng kapit nila sa akin. Paano ako makakadiskarte nito kung ganito itong mga kasama ko? Tila wala itong pakialam sa mga nakakasabay niya. Nakatingin lang siya sa kanyang cellphone habang pababa na kami. "Sir. . ." kanina ay mukhang hindi pa napansin ng dalawa n si sir na ang kasabay namin. Pero nang tinawag ko na ay napaangat ang tingin ng dalawa at kaagad na hinanap ng kanilang mga mata ang taong tinutukoy ko. Umangat ang tingin niya at kaagad na nagkasalubong ang mga mata namin. Nagtataka ako nitong tiningnan. "Good evening, sir!" kaagad na bati ng dalawa sa kanya. Tumango lang ito sa amin at akmang ibabalik na niya ang kanyang tingin sa kanyang cellphone ay nagsalita ulit ako. "Uuwi kana, sir?" tanong ko sa kanya. Kailangan marami tayong topic para sa lalaking ito. "Yes, I am going home." pormal na sagot nito sa akin. s**t na malagkit! Ang gwapong nilalang! Parang nalaglag na yata sa sahig ang panty ko. "Pwede po sumabay, sir?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD