CHAPTER 14 Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hinihintay na bumalik si Vincent. Naramdaman ko nalang na may yumakap na ng mahigpit sa akin. Dahil antok na antok na ako ay hindi ko na lamang pinansin pa iyon. Yumakap nalang din ako ng mahigpit sa kanya. Umaga na nang magising ako. Wala na sa tabi ko si Vincent kaya bmangon na lang ako at pumasok na muna ng banyo. Pagpasok ko sa loob ay inayos ko muna ang aking sarili. May nakahanda na doong isang supor kaya tiningnan ko iyon. Panty iyon na iba- iba ang kulay. Ang dami! Sobrang dami ng mga binili niya! Kumuha na lang ako ng isa at sinuot ko iyon. Kasyang- kasya nga sa akin. Tama nga ang sabi niyang alam niya ang size ko. Lumabas ako ng banyo pero wala pa rin doon si Vincent. Umuwi nalang kaya ako? Baka umalis na rin iyon ka

