CHAPTER 30 “Vincent. . . Good morning.” bakit parang nahihiya naman ako sa kanya? Ngayon pa talaga ako nahihiya na ganoon na ang nangyari sa aming dalawa. Nilapag niya sa bedside table ang kanyang dalang isang tray ng pagkain. Pagkatapos ay sumampa siya sa kama at tinabihan ako. Fresh na fresh na siyang tingnan, habang ako dito ngayon ay hindi ko alam kung mukhang tao pa ba ako o hindi na. Sa magkahalong pawis at luha ko kagabi ay imposibleng may natira pang make- up sa mukha ko. Madami pa naman ako maglagay ng eyeliner sa mata ko, kaya paniguradong kalat na kalat na ito sa mukha ko ngayon. Bakit ba kasi hindi ako makatayo? Sana ay nakapaghilamos man lang ako kanina. Ibang klase talaga ang p*********i ni Vincent, kaya ka nitong lumpuhin. Lupaypay na ang katawan ko at hindi ko na mata

