CHAPTER 18 “Sir. . . Good evening.” dahil nandito si Tobias at ang mga kaibigan ko ay kailangan ko siyang tawaging 'sir' at hindi Vincent. “Good evening, sir.” bati sa kanya ni Tobias. Pero ang dalawa kong kaibigan ay hindi pa nila nakita na nandito si Vincent dahil nakapikit na ang mga ito. Tulog nang tulog kung saan- saan, akala naman nila kaya ko silang dalawa! “Where are you going, Gianna?” nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang tanong ni Vincent. Tumingin muna akl kay Tobias upang tingnan ang kanyang reaksiyon sa naging tanong ni Vincent. “Uuwi na po kami, sir. Ihahatid ko po si Gianna kasama ang mga kaibigan niya.” si Tobias na ang sumagot sa kanya. Nagtataka ako nitong tiningnan. Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Gianna?” s**t! Bakit kailangan kong

