bc

The Abandoned Wife (Ongoing)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
10.7K
READ
revenge
contract marriage
second chance
drama
tragedy
comedy
sweet
heavy
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Si Ariana Maria Isabel Lopez- Marques ay inabandona ng kanyang asawa. Alam n'yang kahit kaylan hindi sya nito minahal, at hinding-hindi talaga sya nito magagawang mahalin.

Babalikan si Arian ng multo ng kanyang nakaraan na pilit nyang tinatakasan. Makayanan parin kaya ng bakal na rehas nya na ilinagay sakanyang puso ang presensya ng lalaki? O laruin ang apoy tuluyang lumambot at maging marupok na naman?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Long time no see." Kinalma ko ang sarili ko bago nag lagay ng pilit na ngiti sa aking labi. "Oo nga eh. Its been 3 years, tama ba?" Pakunwaring tanong ko kahit na alam ko naman at bilang na bilang sa isipan ko pati oras at minuto. Isa akong babaeng t*nga na ang tanging kasiyahan ay ang uwian ako ng asawa ko. Nangarap rin naman ako na mahalin nya, pero wala eh. 3 years ago, I'm a mess. Napakamisirable ng buhay ko at dahil yon sakanya. Ayos lang naman sakin na mambabae sya, basta sakin parin ang uwi nya. Kaya lang hindi narin siguro nya kaya yung pressure sa magulang ko. Dahil sa tuwing bibisitahin kami ng parents ko at parents nya kaylangan naming ipakitang sweet kami at masaya sa piling ng isat-isa. Kahit na ang totoo ako lang naman ang nagmamahal saming dalawa. One sided love sabi nga nila. Inabandona ako ng asawa ko, at ipinagpalit sa babaeng mas may dating, mas kayang ibigay ang gusto nya, mas sweet, mas maganda, mas mapostura at higit sa lahat. Mas kayang pasayahin sya. Kasalanan ko ba kung bumitaw na ako at isinuko sya sa kabet nya? O tama lang ang pasya ko na palayain ang taong mahal ko na kahit kaylan naman hindi sumaya sa piling ko. Kasi kung minahal nya ako kahit katiting man lang. Lumingon sana sya ng gabing iwan nya ako at puntahan ang babaeng kahati ko. Hindi lang sa katawan, pero pati narin sa puso nya. Talo nga lang ako, at kahit alam kung talo na ako umpisa palang. Sumugal parin ako at sa huli nagparaya, para sa ikasasaya nilang dalawa. Kaya bakit pa sya babalik? Bakit kaylangan ko pa syang makita kung kaylan nakakarecover na ako? "Coffee?" Anyaya nya na balak ko sanang tanggihan, pero hindi ko ginawa. Gusto ko kasing ipakita na okay na ako, at masaya na ako. Masaya na ako sa landas na pinili ko. Sa landas na tinahak ko ng mag-isa kahit wala sya. Matagal ko narin naman syang balak hanapin para makausap sya. "Yeah, sure. Tayo lang-- I mean. Wala kabang kasama Duce?" Tanong ko. "Dapat ba may kasama ako?" Balik na tanong nito na ikinalikot ng mata ko. Wrong move, Arian. "No, wala naman. I'm just curious na hindi mo sya kasama haha." Pinilit ko mag lagay ng pekeng tawa na sobrang obvious, para naman malaman nya ang ibig sabihin ko. "Sinong sya?" Inosenteng tanong nito na mas kinataas ng kilay ko, at pati narin ng dugo ko. Pakiramdam ko magkaka-highblood ako sa inaasal ng siraulong lalaking 'to. Ang kapal talaga ng pagmumukha. Mula noon, hanggang ngayon, at takenote mas kumapal pa. "Never mind," inis na sagot ko. Mauuna na sana akong lumakad pa-pasok sa coffee shop ng mag ring ang phone ko. Agad ko itong sinagot. "Hello?" Nabosesan ko na agad si Martin kaya alam ko na ang pakay nito. "Busog pa ako." Kaagad na sabi ko kahit 'di pa nya sinasabi ang pakay nya. Alam ko namang aayain nya lang akong maglunch. "Busy ako Martin, may kausap pa ako. Boyfriend? Hindi wala lang 'to." Sabi ko bago napatingin kay Duce na mukhang nayayamot na dahil sa pangungulit ni Martin. "Oo na. Oo na ikaw na nga po. Ikaw lang ang aking Boylet. Okay na? Sige bye." Pinatay ko na ang tawag at in-off ang phone ko para hindi na 'to mang istorbo pa. Kilala ko si Martin, masyado syang makulit at mapang-inis. "So boyfriend mo?" Seryosong tanong nito. "Hindi." Agad na sagot ko. "Wag mo akong gawing t*nga, Ariana." Madiing wika nya. Pansin ko ang pagkuyom ng kamao nya na parang gustong manuntok. "Ano bang sinasabi mo?" Mataray na tanong ko. Nakakainis na sya ha! Wag ko syang gawing tanga? After 3 years, susulpot sya sa harapan ko na parang walang ginawang mali at sasabihing wag ko syang gawing tanga. Anong trip nya? Adik ba sya? O manhid lang? "Pinamumukha mo ba sakin na may boyfriend kana at masaya kana ha?" Maangas na tanong nya. Isang malutong na mura't sampal ang ibinigay ko sakanya. "H-how dare you! Ang kapal naman ng pagmumukha mo? Sino ka para pagsalitaan ako pagkatapos ng tatlong taong hindi mo pagpaparamdam? Pagkatapos mo akong abandonahin? Pagkatapos mo akong gawing tanga? At anong gusto mo ha? Iwelcome kita na gaya parin ng dati? Na parang laging dapat ako ang nagpaparaya't umiintindi? Alam mo gago ka! Oo gago ka! Napakagago mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan sya. Kahit na maraming tao ang nakatingin samin. Kinalma mo ang sarili ko at pinahid ang luha ko. "Actually matagal narin talaga kitang gustong makita, para rito." May linabas akong papel at padabog na inabot sakanya. Tinitigan nya ito ng ilang segundo. "Annulment paper?" Nanginginig ang kamay nya habang hawak ito. "I'm sorry." Kalmadong sambit nya. "Apology accepted, basta pirmahan mo lang." "I'm sorry." Pag-uulit nya na kinababawas ng pasensya ko lalo. "I said, apology accepted basta pirmahan mo lang." Pag-uulit ko rin. "I'm sorry kasi hindi ko pipirmahan yan," seryosong sabi nya bago ito nilukot sa harapan ko mismo. "Hindi ako nandito para sa walang kwentang papel na yan. Kaylangan ko ng susi ng bahay natin, card at phone." Walang emosyong sabi pa nito. "No! Umalis kana sa buhay ko kaya wala kanang babalikan! At wala kang mapapala sakin." Matigas na paninindigan ko. Umismik ito at tumalikod na sakin. Sumakay na 'to ng kotse nya at pinaharurot ito. Mabuti nalang! Akala ko talaga magpupumilit ang walang hiya kung asawa. Gabi na ako nakauwi at sobrang pagod ako dahil sa tambak na trabaho. Maaga akong natulog dahil dinalaw narin agad ako ng antok. Ilang oras palang ako nakakatulog ay nagising ako agad. Napaupo ako sa kama at napahawak sa dibdib ko na grabe ang kabog. Nagring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot. "Hello?" "Good morning Mrs. Marques. Ito po ang Gonzaga's Private Hospital kung saan nagtatrabaho si Dr. Duce Marques." Kinabahan ako bigla. "Yes? Ako nga po is there any problem?" Tanong ko. Paano nila nalaman ang number ko? "Makipuntahan po rito si Dr. Marques medyo hindi maganda ang kalagayan nya ngayon, salamat po." "Sandali lang, pero why me? I mean other relatives? Sa contact nya wala ba?" Takang tanong ko. "Wala syang ibang binabanggit bukod sa pangalang Ami, so we check it from his phone. Ito nga po ang lumabas." Binaba na nito ang tawag kaya mas nastress ako. Ano bang nangyari sa g*gong yon? Bakit pa ako nadawit? Lintik naman kung kaylan tahimik na buhay ko eh. Bakit kapa bumalik Duce Marques? Agad akong nagtungo sa hospital na sinabi ng tumawag sakin. Nagmamadali akong pumasok sa hospital. Dumiretaso ako sa room na itinext nito. Nadatnan ko si Duce na nakabenda at walang malay. Anong nangyari sakanya? Bakit ganito? "Are you Dr. Marques Wife?" Tanong ng Doctor na kakapasok lang. "Yes po, pero hindi kami magkasama sa bahay. Seperated na kami," paliwanag ko. Napatango ang Doctor bago may binasa sa hawak nyang papel. "Si Dr. Marques ay may Mild Amnesia. Dahil sa pagkakabagok ng ulo nya kaya may mga ilang memorya o tao sakanya ang hindi nya makikilala o ma-aalala. Iba rin ang mood nya kaya intindihin nalang." Napat*nga ako sa sinabi ng Doctor. Bakit ako pa kasi? "Ano po bang nangyari?" Tanong ko. "Nadisgrasya si Dr. Marques at naiimbestiga pa kung may sumadya ba o talagang nagkaproblema lang ang kotse na sinasakyan nya." Napatango na lamang ako sa sinabi ng Doctor. Iniwan na ako nito. Sabi nya nagising naman na raw si Duce at ako nga ang hinahanap. Ako na-aalala nya? Sino naman mga nakalimutan nya? "Who are you woman?" Malamig at baritono ang boses nito. Si Duce! Gising na sya! Akala ko ba hindi nya ako limot? Bakit parang 'di nya ako matandaan? A.D.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.6K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.5K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
89.9K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

The Sexiest Man Alive (Completed)

read
63.1K
bc

Unwanted

read
532.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook