bc

She is Ms. Nobody!

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
sweet
heavy
nerd
campus
school
like
intro-logo
Blurb

Madalas siyang pagtawanan noon at laitin ng kanyang mga kaklase. Laman siya palagi ng mga tuksuan at sentro ng bullyhan, dahil sa paraan ng pananamit at pag-aayos ng sarili.

Not until she met the heirs of the university who are sponsoring her study ang magpipinsan na Rosh,Kiro at Reinold Monreal who turned to be her knight in shining armor and defended her from the harsh people in the campus.

Bakit kaya sa dinami dami ng babae sa campus ay siya pa ang napansin ng tatlong campus crushes na ito?

Magiging tahimik na ba ang buhay niya dahil may nagtatanggol

sa kanya o mas magiging komplikado dahil hindi niya alam sa tatlo kung sino ang tunay na may malasakit at nagmamahal sa kanya?

Will it be Rosh ang unang nagtanggol sa kanya sa mga babaeng nais siyang hubaran sa klase dahil sa suot niya at ito ang unang nagtapat ng damdamin sa kanya?

O kaya naman si Kiro, ang lalaking nakaalam ng lihim niya sa likod ng pagsusuot ng mga damit na ginagawang katatawanan ng mga tao sa eskwelahan nila?

O baka naman ang pinakamailap na binata sa tatlo na si Reinold na dumarating lamang upang iligtas siya sa mga last minute ng pagkakataon, pero dito siya tila naiilang at may kilig na nararamdaman sa tuwing kasama ito.

Sino kaya sa tatlong Monreal ang Mr. Right ni Ms. Nobody?

chap-preview
Free preview
"First Meeting"
Huy Arriane, gumising ka na nga diyan, bata ka, sabay hagis sa mukha niya ng unan na nagpabalikwas kay Arriane sa pagkakaidlip niya galing sa pagrereview. Tanghali na kaya, baka naman gusto mong kumilos at ipagluto na ng kami ng mga kapatid mo ng umagahan at ang Tiyong Hulyo mo. Oo nga naman Arriane, kay aga aga at pinaghahigh blood mo na itong Tiyang mo, baka pumangit ito, sabay ngisi ng nakakaasar sa kanya bago lambingin ang tiyang niya na hindi napansin ang lihim na pagngisi nito sa kanya. Hindi nga naman niya maunawaan ang kanyang tiyahin na kung kailan tumada ay saka naman lalong sinipag kumerengkeng at pumatol pa sa mas batang palamunin na ay mabisyo pang tambay sa kanto. Iba din ang pakiramdam niya sa lalaking ito dahil sa ilang buwang pamamalagi nito sa kanilang bahay ay may ilang beses na niyang nahuhuli ang kakaibang sulyap at ngisi nito kapag napapatingin sa kanya. Partida pang nakabalatkayo lamang siya sa itsurang manang at nerd. Mahaba ang ngusong tumalima siya sa sinabi ng kanyang tiyahin, at nagtakal ng ilang gatang para magsaing, habang nagsisindi siya ng kalan, bigla na naman niyang naalala ang pagkakataong napadpad siya sa pamilya ng kanyang tiyang Anette na noo'y maayos pa ang trato sa kanya , dahil mabait ang una nitong asawa na namatay sa isang aksidente dahil sa pagtulong sa kanya kaya siya ang sinisisi nito mula noon at nagbago na rin ang pakikitungo nito sa kanya, lalo pa nang dumating ang lalaking pinapatawag nitong Tiyo Hulyo sa kanya na kung tutuusin ay halos iialng taon lamang ang itinanda sa kanya. Flashback... Ay sino kaya itong batang ito Pedring, mukhang hindi maganda ang nangyari sa kanya, at ilang araw na syang nagdedeliryo sa lagnat, naulinigang tanong ng babae sa asawa nito. Hayaan mo at pag nagising naman na ang bata ay malalaman na natin ang totoong nangyari sa kanya at nang maihatid natin siya sa kanyang mga magulang, Anette. Siya nga Pedring,,dinig niyang sabi ng babae. Gusto mang imulat ng bata ang kanyang mga magta ngunit,tila ipinipikit pa rin ito dahil na rin sa pagod at trauma na kanyang naranasan sa kamay ng mga masasamang taong nakita niyang pumatay sa kanyang mga magulang. Ang akala niyang napakasayang araw dahil nagkaroon ng oras sa kanila ang kanyang ama para makapagbakasyon sila sa kanilang bahay bakasyunan sa isang isla ay naging isa pa lang bangungot... Naputol ang kanyang pagbabalik alala nang lumapit sa kanya ang lalaking kinaiinisan sa loob ng kanilang tahanan. Aba Anette,paano ba makakaluto ang iyong dalaga, eh mukhang malalim ang iniisip nito oh, tingnan mo at wala pang sindi ang kanyang kalan, pang-aasar na sumbong nito sa kanyang tiyahin. Talaga naman Arriane, siguro ay iniisip mo ang manliligaw mo sa eskwelahang pinapasukan mo ano?Pambibintang nitong walang katotohanan. Naku, hindi po Tiyang wala naman po akong manliligaw, saka inaantok lamang po ako at nagreview po kasi ako kaninang madaling araw. Iyan na nga ang sinasabi ko, nag aral aral ka pa kasi at nagsubok ng scholarship na iyan,imbes natutulungan mo akong magtinda sa palengke, ay wala ka nang pakinabang dito sa bahay. Hindi naman po, gusto ko din po kasi makatulong sa inyo kapag nakagraduate po ako, saka po sayang naman po iyong scholarship na inalok po ng eskwelahan po namin noong junior high kung hindi ko po sinubukan, tiyang. Ay ewan ko sa iyong bata ka, ayusin mo na nga iyang niluluto mo, singhal nito bago siya iniwan sa kusina, at sinundan naman ito ng lalaki. Kakaasar talaga iyong lalaking iyon, wika niya sa sarili parang lahat ng galaw ko ay bantay sarado. Mag-iingat ka sa lalaking iyon Arriane, iba ang mga tingin noon sa iyo,paalala niya sa sarili. Napag-isipan niyang doblehin pa ang pananamit ng lalo pang magpapamukha sa kanyang manang at pangit sa labas plus dinagdagan niya pa ito ng salamin na makapal ang lente para maitago ang tunay na itsura, dahila alam niyang delikado din ang panahon ngayon. Sa eskwelahan... Disgusting! Ang cheap na ang chaka pa !sabi ng isang mayamang mag-aaral ng kolehiyong kanyang pinapasukan nang mapadaan siya sa umpukan ng mga magbabarkadang anak-mayaman ng school. Yah, sinabi mo pa Cheska, she'a kinda,,saka iniharang ang paa sa dadaanan niya, dahilan kaya nawalan siya ng balanse at nang aktong babagsak sa sahig ay nakakapit siya sa isang lalaking mabilis na tumayo at sinalo siya mula sa di kalayuang upuan sa hallway. Tila bumagal ang oras at nagkatitigan sila ng lalaking ito. Tila nagising lamang siya sa panaginip nang magsalita muli ang babaeng tinawag na Cheska. Nasaktan ka ba Reinold,tila pag-aalala nito sa lalaking sumalo sa kanya, sabay tingin sa kanya nang nakanguso. Hoy Miss Nobody, pwede ba huwag mong pahirapan ang may-ari ng skul na ito. Tila naman nagising din ito sa sitwasyon at dali dali siyang binitawan. Nagsorry siya nang nakayuko sa lalaki nang marinig niya na may-ari ito ng skul. Nagulat ka ba nilalandi mo pa ang may-ari ng skul na ito samantala, ang pangit pangit naman ng itsura mo,,, kung di ka lang matalino di ka makakapasok dito, dagdag pa nito. Cheska stop it! Sigaw pa ng isang lalaki sa likod. Oo nga Cheska, wala ba kayong magawa kundi mambully ng mga bagong estudyante ng St.Therese College? nakangising tanong ng isa na hawak ang tila papel ng exam. Hinagis nito ang papel dito. Oh bago ka nga mang-asar diyan magreview ka nga muna nang di ka nakakakuha ng mababa. Pinulot nito ang papel at tambad sa kanila ang score nito na 25/100 sa isang subject. Napapahiyang nilukot nito ang papel at nagmamadaling kinuha ang bag at umalis. Sumunod naman dito ang mga barkada nito na tila nahihiya din sa tatlong lalaking dumating. Ngayon lamang napagtatanto ni Arriane ang mga nakakamagnetong itsura ng tatlong binata na tumulong sa kanya, lalo na ang lalaking sumalo sa kanya. Maputi ito, matangkad at may mapupulang labi na tila ansarap halikan. Napapilig ng ulo si Arriane sa naisip. Miss, okay ka lang? tanong nito. Ahh,oo okay lang po ako, salamat po sa inyo. Sa susunod, huwag mo na lang pansinin ang grupong iyon, singit ng isa pang kasama nito. Napansin niyang tila kumukuha na sila ng atensyon sa hallway at tila naging instant artista siya, naririnig niyaat nakikita ang kilig sa mga mukha ng mga babaeng naroon habang nakatitig sa tatlo. Maraming salamat po sa inyo, pasensya na po nadamay pa kayo,,,mauuna na po ako, pagputol niya sa sasabihin pa ng isa. Teka, parang kilala kita, kaklase ka namin di ba sa ilang subjects? tanong ng isang lalaki na may pagka chinito sa tatlo. Siguro po, hindi kasi siya palatingin sa mga kaklase kaya di niya matandaan hanggang ngayon ang mga mukha nito, dahil na din lagi siya nakayuko at nakatuon ang atensyon sa pagbabasa ng kanyang mga naisulat sa klase. Mauna na po ako sa inyo,.maraming salamat pong muli. Tila nanghihinang napaupo si Arriane sa naabutang bench sa ilalaim ng isang parke malapit sa kanilang classroom matalos niyang iwan ang tatlong lalaki. Arriane! Ariane ! girl andyan ka lang pala tili ng dalawa niyang kaibigan. Girl kanina ka pa namin hinahanap, buti na lang mga marites itong mga kaibigan mo ,syempre nalaman namin na nakabangga mo ang bruhang Cheska na iyon at tinilungan ka ng mga bf ng campus,,, Ayyyy!!! tili nitong nakakarindi. Dali magkuwento ka sa nangyari,, Ambango girl di ba? Nahihiya siya sa eskandalosa niyang kaibigan baka akalain ng iba na siya ay kilig na kilig sa nangyari. Ano ba Alora, kalma lang bhe,,,okay? Sino ba tinutukoy mo? Sino pa eh di ang Monreal brothers. Anak ng mga may-ari ng school na ito girl, ano ka ba naman do some research nga, puro ka naman kasi Sine ,cosine lang ang nireresearch, minsang minsan girl tingin tingin din sa paligid at hanap ng gwapo. Eh di wow, kayo nang dalawa ang updated sa mga tao sa skul at may-ari ng skul. Paano ba naman Arriane, mula pagpasok hanggang pag-uwi, sa notebook at libro mo ka na lang nakatitig,,, malapit mo nang makabisado ang laman ng bawat page ng mga iyon eh, sita naman ni Iya. Hay, kayo talagang dalawa, okay sige magkukuwentona ako, Ring ring.... Yes save by the bell, bulong ni Arriane sa sarili, buti na lang nagbell na, mapuputol ang pinagtatanong ng dalawang ito. O klase na pala natin, tara na sa classroom, ngiti niya sa mga ito. Hindi ka talaga makakatakas samin beh, sa break natin mamaya itutuloy mo ha, Inirapan niya nag dalawa at naglakad na sila papunta sa room. Sa loob ng classroom...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook