SAMANTHA POV.
Ngayon ko lang gagawin ito na magpakalasing na alam kong mapapagalitan ako nila mommy at daddy. Bahala na lang si batman sa akin. Ginawa ko lang naman ito para kalimutan si Ethan. Gusto ko na siyang burahin sa puso at isip ko. Ikakasal na nga silang dalawa at isa pa, buntis na din si ate. Kahit masakit na kalimutan siya ay tatanggapin ko ito ng buo. No choice din ako eh. Kung ipagpipilitan ko lamang ang sarili ko sa kan'ya, ako din ang mapapahiya at masasaktan. Isang malaking katangahan itong gagawin ko kung itutuloy ko lang itong nararamdaman ko kaya naman pinag-isipan ko na rin ito ng mabuti.
"Samantha, lasing ka na. Tama na ito," sabay kuha ni Josh ang isang bote ng alak na hawak ko.
"Lah, lasing na agad siya. Ikaw naman kasi Samantha. Puro alak ang panay banat mo. Mamulutan ka naman oh," sabi ni Ana sa akin.
"Hindi pa ko lashing Ana. Alam mo, pagkagradweyt natin. Lilipad ako papuntang Amerika. Doon na ko titira. Ayaw ko na kayong makita pang dalawa ni Josh," lasing na sabi ko saka natawa ako sa sinabi ko. "Maygad! Parang gusto kong sumayaw..." Tumayo ako at iniindak ang katawan ko sa pagsayaw kahit walang music na sinasabayan sa pagsayaw.
Natawa si Ana at Josh sa akin. "Hoy Samantha, tumigil ka nga!" Suway sa akin ni Ana.
"Yow, yeah, ahmm... " Natawa ang dalawa sa akin.
"Baliw na talaga itong kaibigan natin Josh. Iba talaga kapag first time niya uminom ng alak. At ano iyon? Lilipad daw siya papuntang ibang bansa?" Sabay halakhak ni Ana. "May pakpak ka ba Samantha?" At natawa si Josh sa sinabi ni Ana.
Napatigil ako sa pagsasayaw ko dahil napagod ang katawan ko sa pagsasayaw. Hiningal pa ko pagkaupo ko. Napailing ang dalawa.
"Hoy ang killjoy niyo naman. Hindi niyo man lang ako sinamahan na sumayaw," pagtatampong sabi ko.
"Lasing ka na talaga Samantha. Hindi mo na nga alam kung ano ang pinagsasabi mo. Halika na, ihahatid na kita sa kuwarto mo. Mapagalitan ka pa ng mom at dad mo. Baka pati kami din ni Ana ay madamay." Turan ni Josh.
"Hindi pa nga ko lasing eh. Saka hindi sila magagalit. Wala naman pasok bukas eh. Saka ilang araw na lang ay magtatapos na rin tayo." Diretsong sabi ko. Napangiwi na lang ang aking mga kaibigan.
"Oh siya total, maaga pa naman. Ubusin na natin ito." Saad naman ni Ana. Konti na lang yung can beer na natira nang makita ko sa bucket kaya napagpasyahan kong kunin na lang ang wine ni dad.
"Hintayin niyo ko rito. May kukunin lang ako sa loob," paalam ko sa kanila.
"Sige, hintayin ka namin dito."
"Sure Ana, babalik din agad ako." Pahabol na sabi ko nang tuluyan ko silang iwan.
Pumasok agad ako sa loob at tinungo ang cabinet kung saan doon nakatago ang mga alak ni dad. Pagkarating ko rito sa maliit na counter bar ni dad ay narito silang dalawa. Si Ethan at yung kasama niyang kaibigan.
Hindi ko sila binalingan ng tingin basta direstso lang ako sa paglalakad at tinungo ang cabinet. Pakiramdam ko, may isang lalaki ang lumapit dito sa aking tabi.
"Choose the one with a low percentage of alcohol. When the percentage is high, you will immediately get drunk," turan nito. Kinuha niya ang alak na nasa kamay ko. Pinalitan niya ng isang alak at iyon ang binigay niya sa akin. Napatingin ako sa kan'ya at napatitig sa gwapo niyang mukha. Guwapo din siya gaya ni kuya Ethan. Matangos ang ilong, may mahahabang pilikmata. At isa pa kissable lips din siya. Parang ang sarap halikan ang mga labi niya.
"Hey," sabay pitik nito sa aking harapan. Nanumbalik muli ang aking katinuan.
"Ahh... Pasensiya na. Salamat nga pala dito," nahihiyang sabi ko rito. Yumuko ako at umalis na hindi na nagpapaalam sa kan'ya. Umalis ako na hindi tinitignan si kuya Ethan. Ayaw ko siyang makita dahil nasasaktan lamang ako.
Palabas na sana ako ng maindoor nang bigla akong tinawag ni ate. Bahagya akong lumapit.
"Bakit ate?" Napatingin siya sa hawak kong b
bote ng alak. Kumunot ang noo nito dahil siguro nagtataka siya.
"Samantha, tama na 'yan. Akin na yang hawak mo," sabi ni ate. "Malalasing ka niyan sa ginagawa mo at baka pagalitan ka na naman ni daddy. Kung si mommy ay okay lang sa kan'ya. Pero si dad? Mas masakit magsalita 'yon Samantha," pag-aalala ni ate sa akin.
Umiling ako na may ngisi sa aking labi. "Bakit ate? Anong karapatan mong pigilan itong ginagawa ko? Malaki na ko ate at hindi ko na kailangan na maging sunud-sunuran pa sayo. Please, may karapatan din akong pumili sa gusto kong gawin. Atleast naman diba... Narito lang naman ako sa bahay eh. Isa pa, nagpaalam na rin ako kina mom at dad. Kaya pwede ba, huwag mo na kong pigilan sa gusto kong gawin. May isip na ko ate hindi gaya noon," turan ko.
Tinitigan lang ako ni ate. Alam niya kung ano ang pinupunto ko. Sumama lang talaga ang loob ko sa kanya kaya ko nasabi ang lahat ng iyon. Ako ang unang nakilala ni kuya Ethan bago siya. Naging malapit kami sa isa't-isa ni kuya Ethan noon dahil kaibigan siya ng daddy namin ni ate Frenzene. Nagtatrabaho kasi si dad sa kompanya ni kuya Ethan, at nang makilala niya ko doon na nagkalapit ang loob namin sa isa't-isa. Pero ang pinakamasakit na nangyari ay yung hindi man lang maramdaman ni kuya Ethan ang nararamdaman ko para sa kan'ya noon dahil isa sa pinakamahigpit na bilin sa akin ng mga magulang namin ay bawal pa kong mag-bf. Sinunod ko ang bilin nila. Nagtiis ako at naghintay pa ng ilang taon ngunit niligawan na agad ni kuya Ethan si ate. Alam ni ate na may lihim akong pagkagusto kay kuya Ethan pero anong nangyari? Nagpabuntis siya kay kuya Ethan.
"Samantha, I'm sorry..." Napaluha agad si ate sa sinabi ko nang bigla ang pagsulpot naman ni kuya Ethan dito kasama ang kaibigan niya.
"Frenzene," mahinang sambit ni kuya Ethan na may pag-aalala sa boses nito at nakita niyang lumuluha si ate. Binalingan niya ko ng marahas na titig ni kuya Ethan. "Anong ginawa mo sa ate mo?" Nagsalubong pa ang mga kilay nito sa pagtatanong niya sa 'kin.
"Ethan, wala siyang ginawa sa akin. Please, huwag ka ng mangialam dito," saad ni ate habang pinipigilan niya si kuya Ethan.
"No Frenzene! Alam kong may sinabi siya sayo kahit wala siyang ginagawa. At ikaw Samantha, can you please stop fighting with your sister. Wala kang naitutulong sa pagbubuntis niya. Makinig ka na lang sa ate mo okay kung ayaw mong magalit ang daddy mo sayo," turan ni kuya.
Humaba ang nguso ko. Gusto ko siyang sumbatan pero parang ako pa ang mali sa kanila. Bakit? Ginawa ko naman ang lahat at sinabi ko lang naman ang nararapat. Magtatapos naman ako ng kolehiyo na may karangalan dahil iyon ang kagustuhan ng aking mga magulang. Pero bakit? Ni minsan ay hindi man lang sila nakinig sa akin. Alam ko naman na ito ang pangarap ng mga magulang namin ni ate ang makapagtapos ako gaya ng kay ate. Pero alam ko sa sarili ko na mas lamang si ate kaysa sa akin, wala akong magagawa kundi ang ibaba ang level ko sa kan'ya. Ako rin lang ang mapapagalitan nila mom at dad dahil si ate pa din ang kanilang papakinggan.
Yumuko ako upang humingi ng paumanhin. "I'm sorry ate, hindi na mauulit pa itong nangyari sa atin," hinging tawad ko. Parang ang sakit naman sa pakiramdam itong humingi ng tawad kahit wala naman akong ginagawang masama sa kan'ya.
Umalis akong nakayuko pa rin ang ulo ko. Dito sa labas ng bahay ko nailabas ang sakit na nadarama dito sa puso ko. Umiyak ako habang tinutunton ang maliit na kubo. Dito na ko napahikbi dahil sa sakit na nadarama ko. Ako ang nasasaktan sa tuwing nakikita ko silang dalawa ni kuya Ethan. Kaya sa pagtatapos ko, aalis na ko rito at sa ibang bansa na ko magtatrabaho. Ayaw ko ng masilayan ang pag-iisang dibdib nila ni ate at ni kuya Ethan.
"Anong nangyari sayo Samantha?" Pag-aalalang sambit ni Ana. Dinaluhan niya ko ng yakap at ganun din si Josh.
"Ano ba kasi ang kulang sa akin ha Ana, Josh? Bakit parang may kulang pa din sa akin? Ano ba ang meron sa kapatid ko na wala ako? Ginawa ko na ang lahat para lang mapansin naman nila ako. Pero bakit parang ako pa din ang mali sa paningin nila," nahihikbing sabi ko.
"Tama na Samantha. Walang mali sayo okay. Magiging proud din sayo ang mga magulang mo. Mapapansin ka din nila." Pagpapatahan sa akin ni Ana.
"Alam ko naman iyon Ana, pero bakit nasasaktan pa rin ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko?"
Dahil sa sakit na nadarama ko. Binuksan ko agad ang isang bote ng alak na bigay sa akin ng kaibigan ni kuya Ethan. Diretsong nilagok ko iyon at nalasahan ko pa ang pait nito. Kahit sinusuway ako ni Josh ay hindi pa din ako nakikinig.
"Akin na 'yan Samantha. Malalasing ka na sa ginagawa mo." Suway sa akin ni Josh.
"Pabayaan mo muna ko Josh kahit ngayon lang. Gusto ko lang makalimot ngayon. Gusto ko lang subukan kahit minsan lang sa buhay ko ang maging masaya. Sa tingin ko naman, itong alak na ito ang makakatulong sa akin para makalimot sa masasakit na pinagdadaanan ko sa buhay. Kahit sa pamamagitan ng alak na ito... Ang siyang paraan para mailabas ko ang lahat ng kinikimkim ko na dati ko pa itong nararamdaman. Ang sakit sa puso... Ang sakit sakit Ana, Josh... Ang sakit..." Sabay iyak ko rito habang pinapatahan nila akong dalawa.
Hanggang sa ininom ko na naman ang hawak kong alak at balak ko talaga itong ubusin. Alam ko sa sarili ko na magagalit na talaga si daddy sa akin. Nang malapit ko ng maubos ito. May isang kamay ang naghawak sa hawak kong bote. Napatingin ako sa lalaking narito. Kinuha niya sa akin ang hawak kong bote. Hindi ko siya maaninag dahil nanlalabo ang aking mga mata. Hindi ko maaninag ang kan'yang mukha dahil nahihilo ako dala ng kalasingan ko. Hanggang sa unti-unting pumikit ang mga mata ko na alam kong may sumalo sa akin at binuhat. Kahit nablack out ang paningin ko, pakiramdam ko ay may umaalalay sa akin.