Chapter 3-HINDI SINASADYA

1607 Words
SAMANTHA POV. NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makarinig ako ng malalakas na pagkatok mula sa pinto ng aking silid. Nakaramdam ako ng pananak*t ng aking ulo at tila nahihilo pa din ako. Pinilit kong bumaba ng kama habang sinasabunot ko ang aking buhok nang tunguhin ko ang pinto. Binuksan ko agad ang pinto at bumungad agad sa aking harapan ang galit na galit na itsura ni dad kasama si mama na tila naaawa. "Dad," mahinang sabi ko. Pakiramdam ko ay parang natanggal ang pananak*t ng aking ulo. Lumakas lalo ang pagdagundong ng aking kaba dahil sa takot. "Anong ginawa mo kagabi Samantha? Gan'yan ba ang itinuro namin sayo ng mommy mo? Pinagsabihan ka pala ng ate mo, hindi ka nakinig sa kan'ya. Wala kang respeto sa kapatid mo," galit na sabi sa akin ni dad. "Pero dad, nagsorry na ho ako kay ate." Ngunit pinaningkitan lang ako ng mga mata ni daddy. Napakislot siya nang hawakan ni mom ang braso niya. Alam na kasi ni mom ang mangyayari kay dad kapag sumasagot ako. Tumataas ang pressure niya kaya naman handa na si mom na alalayan si dad. Gusto ko lang naman sabihin ang side ko para alam nila. Hindi yung puro si ate ang pinapakinggan nila. "Samantha anak, sige na. Ayusin mo na ang sarili mo at kakain na tayo sa labas. Doon muna tayo kakaing lahat kasama ang mga kaibigan mo." Napasinghap si mom. "Hindi mo na sila naasikaso kagabi dahil sa kalasingan mo." Dagdag pa nito. Tila nahiya ako sa sinabi ni mom. "Sige ho mom, dad. Bibilisan ko ho at susunod na po ako sa labas," magalang na sagot ko sa kanila na hindi ko na binalingan ng tingin si dad. Natatakot ako eh at baka masigawan lang niya ko. Alam kong timping-timpi na siya sa galit niya sa akin dahil iyon naman ang palagi kong nararamdaman sa kan'ya. Pagkaalis ng mga magulang ko ay agad kong inasikaso ang aking sarili. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush tapos nagpalit na din ako ng damit. Isang tshirt at isang maigsing short ang pinalit ko sa jogging pants ko. Nang matapos kong magpalit ng damit ay agad akong sumunod kina mom at dad. Pagkarating ko rito sa labas ay agad akong naupo sa katabing upuan ni Josh at Ana. Pero yung taong gusto kong iwasan ay siya pa ang katapat ko sa upuan. Gusto kong lumipat ng upuan pero dito na ko dinala ng aking mga paa. Napatingin na lang ako sa kaibigan ni kuya Ethan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kilala. Napakaseryoso niyang tignan at tila pakiramdam ko sa taong ito ay napakamysteryoso niya. Habang kumakain kami rito ay tahimik lang kaming lahat. Walang nagsasalita sa amin dahil abala sila sa mga kinakain nila. Patapos na din naman akong kumain kaya napagpasyahan kong kumuha ng saging. "Samantha, ilang araw na lang ay magtatapos na kayong tatlo. Saan niyo naman gustong magcelebrate," seryosong tanong ni dad habang binabalatan ko ang saging. Wala pa ko maisip kaya tahimik pa rin ako. Siniko ako ni Ana kaya nahulog yung saging na binabalatan ko sa aking plato. Alam kong tawang tawa si Josh ngunit pinipigilan niya lang ito. "Samantha, sige na... Kainin mo muna yang saging mo. Nahulog tuloy," sabi ni mom sa akin. Parang nakaramdam ako ng pamumula sa aking pisngi dahil alam kong lahat sila ay sa akin nakatingin. Lalong lalo na yung nasa harapan ko na si kuya Ethan. Biruin mo nga naman, yung close pa kami noon, dahil siya ang nagsusubo sa akin ng saging pero simula nung naging sila ni ate ay hindi niya na ito ginagawa sa akin. Pero okay lang, mapagbigay naman akong kapatid. Tahimik na inubos ko ang saging na hanggang ngayon ay iniisip ko kung saan kami magcecelebrate. Pero gusto kong maghiking kaming tatlo ng mga kaibigan ko. Matagal na sana namin itong gustong gawin pero hindi naman natutuloy dahil ang daming ginagawa sa school. "Ahmmm... Dad, matagal na namin binabalak ito. Gusto po sana maghiking kami sa bundok. Matagal na naming pinagplanuhan ito," sagot ko na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Hindi ako papayag Samantha. Delikado ang mamundok. Basta, hindi ako papayag." Galit na sabi ni dad. Nagkatinginan kaming tatlo nila Josh at Ana. Sabay kaming nadismaya sa sinagot ni dad. "Ahmm... Dad, bakit hindi niyo na lang ho sila payagan. Sasamahan naman po sila ni Ethan kasama ang mga grupo niya." Sabat ni ate. "Frenzene, hindi mo na dapat kami sinasali dito. May ibang way pa naman para magcelebrate sila. Delikado sa bundok. Hindi natin alam kung safe ba tayo doon," turan ni kuya Ethan. "Ahhh.. Ethan, pasensiya ka na kung gusto kong sumali sa usapan. Mukhang safe naman doon kina tito Lester. Pwede naman sila doon maghiking." Kumunot ang noo ko. Ano ang relasyon ng dalawang ito? "Kung iyan ang naisip mo Royce, go.... Bahala ka at wala akong panahon para diyan," sabi ni kuya Ethan. "Pero parang exciting babe, gusto kong sumama kina Samantha," natutuwang sambit ni ate kay kuya Ethan. "Hindi ba dad? Pumayag na ho kayo sa gusto ni Samantha." Napabuga ng hangin sa bibig si dad saka niya ko mariin na tinitigan. "Okay, papayag ako pero dalawang araw lang Samantha." Sabi nito na parang tutol si dad. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kinikilos ni dad. Pero masaya na din ako dahil matutuloy na ang hiking naming magkakaibigan. Kung hindi lang talaga si ate ay hindi talaga papayag si dad. Nakakapagtaka lang, may mga iba namang naghahiking sa mga kabundukan ah, bakit siya? Ang killjoy ni dad. Ayaw niya tapos ang wierd pa niya. Nang matapos ang usapan ay sabay-sabay na nagsitayuan kaming lahat. Bahala na ang mga maids na sila ang magliligpit ng mga pinagkainan namin. Patungo na kami sa pool ng mga kaibigan ko. Habang narito daw sila sa bahay, sulitin na nila ang pag-stay nila dito. "Ang sarap maligo Samantha, halika na!" tawag nito sa akin sabay wisik niya ng tubig dito sa gawi ko. Nakabra at panty lang si Ana at si Josh naman ay nakaboxer short. "Ayos ah! Pinaghandaan niyo talaga ang araw na ito. Saglit lang, hintayin niyo ko rito at magpapalit lang ako ng damit," sabi ko sa kanila. "Huwag na, tanggalin mo na lang yan tshirt at short mo. Gayahin mo ko oh," utos sa akin ni Ana. "Ayaw ko..." Pagbibiro ko ngunit hinila lang nilang dalawa ang aking mga paa. Napatili ako nang mahulog ako sa tubig dahil sa sobrang lamig ng tubig ay gininaw ako. "Mga bwisit kayo! Binibiro ko lang naman kayo eh!" Singhal ko. "Sabi ko naman kasi sa inyo na magpapalit lang ako. Hintayin niyo ko rito at kukuha ako ng mga tuwalya niyo." Aahon na sana ako nang marinig kong kausap ni Ana ang isang katulong. Nagpapakuha ito ng tuwalya. Pero umahon pa din ako dahil may kukunin ako sa loob ng kuwarto ko. Bagay na bagay kay Ana ang binili ni mom sa akin na swim suit. Ibibigay ko yung isa kay Ana. Sa akin yung black at kan'ya ang puti. Patungo na ko sa loob ng aking kuwarto. Pagkadaan ko sa kuwarto ni ate ay dinig ko ang ilang ungol na mula sa loob ng kuwarto. Nkaramdam ako ng inis sa kanilang dalawa dahil hindi man lang nila magawang magsarado ng pinto. Hinayaan pa talaga nila na nakabukas ang pinto. Hindi sila marunong maglock. Hinila ko ang saraduhan ng pinto at bahala na kung magulat man sila o maabala ko man ang kanilang ginagawa. Dumiretso na agad ako sa aking kuwarto. Pagkapasok ko rito sa loob ay agad na tinungo ko ang closet. Hinubad ko agad ang aking mga suot sa katawan ko. Wala akong itinira na kahit na anong panakip sa katawan ko. Dito na ko sa loob magbibihis ng swim suit ko. Kinuha ko agad ang black na swim suit. Bahagya akong napatingin sa hubad kong katawan sa whole body mirror, napangiti na lang ako nang makita ko ang kabuuan ng aking katawan. Mas sexy pa naman ako kay ate kung ikukumpara man kaming dalawa ni ate. Hindi lang talaga ako marunong mag-ayos dahil lagi akong nakafocus sa pag-aaral ko. Pero mas pinili ko pa din na maging simple kahit papaano. Mas natural pang tignan kung hindi man ako magbago sa pananamit ko. Tamang tama lang naman ang mga damit na sinusuot ko..Masyado naman kasing ladlad sa katawan kung isusuot ko ang mga damit na binili ni mom. Magmumukha lang akong liberated. Napakislot na lang ako rito sa kinatarayuan ko nang maglock ang pinto ng closet at nagulat ako nang makita kong narito sa loob si kuya Ethan. Napatakip ako bigla sa maseselang parte ng aking katawan. Nag-aalala ako sa sarili ko at nakaramdam din ng matinding pagkaba. "A-Anong ginagawa mo rito? B-Bakit ka pumasok sa sarili kong silid?" Nauutal na sabi ko rito. Naningkit ang mga mata niya. "Alam kong ikaw yung nagsarado ng pinto kanina. Ginawa mo iyon diba?" Umiling ako. "Hindi ko sinasadya 'yon kuya. Napadaan lang ako kanina at sinarado ang pinto para walang makakita sa inyo. Saka pwede ba, lumabas ka na rito," pagtataboy ko sa kan'ya na may pangiginig sa boses ko ngunit hindi siya nakinig. Bahagyang lumapit pa ito dito sa kinaroroonan ko. Nanindig ang mga balahibo ko sa takot. "What if ayokong lumabas," sabi nito nang bahagyang nasa harapan ko na siya. Napakislot na naman ako nang haplusin niya ang aking pisngi. "Kuya lumabas ka na dito. Makita ka pa ni ate dito. Lumabas ka na," sabi ko na hindi siya binabalingan ng tingin. "And so, ano naman ngayon Samantha kung malaman ito ng kapatid mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD