Chapter 4-BANTAY SALAKAY

1301 Words
SAMANTHA POV. "Bakit ka malungkot iha? Hindi ka na ba sasama magsisimba?" Tanong ni mommy. Malungkot ko siyang binalingan ng tingin. "Hindi na po ako sasama mom, aayusin ko na po muna itong susuotin ko sa graduation namin. Gusto ko na pong matapos agad ang graduation namin sa school pero habang hinihintay ko, mas lalong tumatagal ang paglapit ng araw na iyon. Mom, gusto ko na pong lumipad ng ibang bansa. Gusto ko pong doon na lang magtrabaho,"paliwanag ko. Pero ang totoo niyan. Ayaw ko lang talaga na makita sina kuya Ethan at ate. "Anak, bakit doon mo naman naisipan na magtrabaho? Pwede naman dito ka na lang sa Pilipinas na magtrabaho ha. Paano na 'yan kung gusto mong umalis agad dito? Darating na din yung araw ng kasal ng ate at kuya Ethan mo." "Mom, matagal ko na pong plinano ito. Please mom, kahit ngayon man lang. Pakinggan niyo naman po ako. Please," pagmamakaawa ko. Malungkot na ngumiti si mom at tila ayaw niyang malayo ako sa kanila. "Okay iha, kung iyan ang desisyon mo. Gusto lang namin ng dad mo na mapabuti ka kaya kami nagiging mahigpit sayo. Ayaw lang namin ng dad mo na mapaano ka dahil mahal na mahal ka namin." Alam ko naman ang rason kung bakit ganito ang mga magulang ko at naiintindihan ko iyon. Pero itong nararamdaman ko ang hindi nila maintindihan dahil hindi nila alam na mahal ko si kuya Ethan. Ginagawa ko lang ito dahil gusto ko lang naman lumayo para kalimutan siya. Pero paano nga ba ako makakalimot sa taong minahal ko kung araw araw ko naman silang makikita rito kung hindi ko lilisanin ang lugar na ito. Gusto ko lang naman iwan ang lugar na ito para makamove on sa sakit na nadaramang nagdulot sa akin para ako ay masaktan. Handa naman akong bitawan si Ethan at gusto kong mag-umpisa muli sa panibagong yugto ng aking buhay. Bagong lovelife at bagong buhay. Tipid akong ngumiti. "Alam ko ho iyon mom, at naiintindihan ko naman ho iyon. Sige na ho, umalis na ho kayo at baka kanina pa kayo hinihintay ni ate at ni dad sa labas." "Sige iha, ikaw na muna ang bahala rito. Aalis na kami," paalam ni mom. Tipid akong ngumiti bilang pagtugon. Nang makaalis na si mom, napasinghap na lang ako habang minamasdan ang isang puting damit uniporme na gagamitin ko sa aming graduation. Iniisip ko rin na may narating na din ako na ang akala ko ay hindi ko matutupad ito. Nagalit pa nga si dad sa akin kung bakit nurse ang kinuha kong kurso noong araw ng enrollment. Halos magtalo pa kaming dalawa ni dad noon. Pero wala siyang magagawa dahil ito talaga ang gusto ko na maging nurse. Narito na eh at siyempre, magtatapos ako na may karangalan. Pababa na ko ng hagdan nang magring ang phone ko. Agad kong sinagot ang tawag ni Ana habang nilalakad patungong kusina para mag-umagahan. "Ana, napatawag ka? Kagagaling mo lang dito kahapon ha." Kausap ko si Ana habang hinahanda ang aking breakfast sa mesa. "Ahmm... Ano kasi, nakausap ko si tita kanina. Gusto kong samahan mo ko sa mall. Nagpaalam na din ako sa tita mo na ikaw ang kasama ko. Pumayag naman siya." "Sige, ano ba ang bibilhin mo doon?" Sabi ko habang kumakain ng hotdog. "Sira, wala akong bibilhin doon. Yung chatmate ko, gustong makipagkita sa akin ngayon. Kaso, ikaw ang makikipagmeet sa kan'ya." Bigla kong naibulwak ang kinakain kong hotdog sa aking bibig. "ANO?! Siraulo ka talaga. Bakit ako naman? Pahamak ka talaga Ana eh!" Singhal ko rito. "Sige na please, pogi naman iyon eh," pagmamakaawa nito. "Malay mo siya na ang prince charming mo," sabay tawa nito. "Lah, ayoko Ana. Ikaw na lang. Magagalit si mom sa akin." "Hoy, hindi ka na makakatanggi Samantha dahil narito na ko sa bahay niyo." Lumingon ako sa pinanggagalingang boses ni Ana. Nakita kong nakabihis panggala na ito. Napaawang na lang ang aking ibabang bibig dahil ready to go na siya samantalang ako ay kumakain pa lang. Inis na pinokpok ko sa mesa ang phone ko kaya naman nailayo niya ang phone niya sa tenga nito. "Baliw ka na talaga Samantha. Nakakainis ka na." Galit na umupo ito sa aking tabi sabay dampot niya ng hotdog sa plato. "Hmmm.. Ang sarap talaga ng hotdog at ang jumbo pa." Nanginginang ang mga niya habang sinasabi niya ito. Sarap na sarap siya habang kinakagatan niya ang hotdog. Napaawang na lang ang aking bibig dahil sa ginagawa niyang pagsubo rito. "Hoy Ana, itigil mo na yang kalokohan mo. Makita ka pa ni manang diyan sa ginagawa mo hay naku! Baka kung ano pa ang sabihin sayo niyon." Napailing na lang ako rito dahil hindi niya na ko pinapansin. Abala na kasi siya sa kinakain niyang hotdog. Kumain na din ako at mabilis kong inubos ang pagkain ko sa plato. Nang matapos na ay agad naming tinungong dalawa ang kuwarto ko. At talagang siya pa ang excited na mamili sa susuotin ko. "Oh heto, bagay sayo ito." Binigay niya sa akin ang black sleeveles dress. "Ayoko nito, ladlad ang katawan ko riyan. Mag tshirt at mag skirt na lang ako gaya mo." Binalik ko sa closet ang damit ngunit kinuha muli ni Ana ang black dress. "Iyan ang isuot mo. Black dress ang sinabi ko kay Haden eh. Sige na at kanina pa siya text ng text. Papunta na daw siya sa mall." Inis na tinapunan ko ng tingin si Ana. Kahit kailan talaga, panira siya ng araw. Nang maisuot ko na ang aking black dress, napawow na lang si Ana. Nanginginang din ang mga mata nito nang makita ko. "OMG! Ang ganda ganda mo! Halika na at aayusan na kita," sabay hila niya sa kamay ko ngunit tumanggi lang ako. "Ana kung gusto mong ako ang makikipagkita sa chatmate mo, pwede bang hanggang dito na lang itong ayos ko. Polbo na ay sapat na. Hindi ko na kailangan na magpaganda," singhal ko. Naunang lumabas ako ng silid habang nakasunod lang sa akin si Ana. Hinabol niya ko pagkababa namin ng hagdan. "Samantha, galit ka ba ha?" Hinarap ko si Ana pagkahinto ko rito nang nasa sala na kaming dalawa. "Oo galit ako, anong say mo?" Sabay cross arm ko sa harapan niya. "Sorry na, sabi ko kasi super hot ka kaya naman gusto kong mapanindigan mo iyon." Halos umawang ang ibabang labi ko sa sinabi niya sabay hilot ng aking sentido. "Ana naman! Arggg!!" Gigil ko sa kan'ya. Nagpeace na lang siya sa akin na parang batang takot na takot ito sa akin. Sabay na napalingon kaming dalawa sa main door nang bumukas iyon. Laglag ang aking panga nang makita ko si kuya Ethan. NAGTAMA ang aming mga mata nang makita niya rin ako. "Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito?" Sunod-sunod na tanong ko kay Ana. Binalingan ko ng tingin si Ana. "Halika na, umalis na tayo," sabay hila ko sa kamay ni Ana ngunit nilock lang ni kuya Ethan ang pinto kaya napahinto kaming dalawa rito. Nagkaharap-harap kaming tatlo rito sa main door. "Kuya, anong ginagawa mo? Aalis kami ni Ana. Umalis ka diyan sa daraanan namin," sabi ko habang nilalabanan ko ang titig niya. "Hindi kita pinapayagan na umalis dito Samantha. Binilin ka sa akin ng iyong ama na bantayan ka," sabi ni kuya Ethan. "Ano? Pero nagpaalam na kami kay mommy," yamot na sabi ko. "Kahit nagpaalam ka sa mom mo, ako pa rin ang masusunod Samantha. Bumalik ka sa kuwarto mo at magbihis," maawtoridad na utos niya sa akin. Napatingin ako kay Ana. Nakanguso siya at ganun din naman ako. Inis na tinapunan ko ng tingin si kuya Ethan. "Anong karapatan mo kuya para bawalan mo kami ni Ana? Wala kang karapatan kuya. Hindi dapat ako ang binabantayan mo at pinagbabawalan mo. Si ate dapat..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD