Chapter 5-HULI ANG IBON

1641 Words
SAMANTHA POV. Hindi kami natuloy ni Ana na umalis dahil pinigilan kami ni kuya Ethan. Kahit saan kami lumusot ay talaga namang naroon siya na nakabantay. Tinawagan na lang ni Ana sa messenger yung lalaking imemeet ko sana. Naroon na daw siya sa mall naghihintay. Agad namang inabot sa akin ni Ana yung phone niya, ngunit tumanggi ako dahil nakamasid sa gawi namin si kuya Ethan. Alam kong kanina pa iyon naiinis. "Hello, pasensiya ka na... Hindi kami makakarating diyan sa mall. Hindi kami pinayagan ng kuya namin eh," sabi ni Ana sa video call habang kausap niya si Haden at biglang napatili siya nang ilayo niya ang phone nito. "Hoy, anong nangyari sayo? Para kang timang diyan. Look kuya oh.... Kanina pa siya nakatingin sa atin. Paano yan ha? Ang ingay mo." Yamot na sabi ko rito. Narito kami sa may kubo at si kuya naman ay nasa balkonahe. "Ang guwapo kasi niya. Ayiee! Kinikilig ang pempem ko," sabi nito. "Gaano ba siya kaguwapo ha?" Nakuryos lang ako kaya ako napatanong. "Look, tsaran!" Sabay lapit niya ng phone nito sa mukha ko. "Siraulo ka na talaga Ana," sabay waksi ko sa kan'yang kamay. "Ang arte mo... Kalimutan mo na nga si Ethan. Marami pa namang lalaki diyan. Hindi lang siya," singhal nito. Kinausap niya na naman yung chatmate niya at bigla na lang siyang napasabi ng "What?" "Anyare?" Takang tanong ko. "Damn it! No! Hindi ka pwedeng pumunta dito," sabi niya sa kausap niya. Napaawang naman ang aking ibabang labi sa sinabi niya. Nagulat din ako. Kahit ako rin ay hindi ako papayag na pumunta siya rito sa bahay. Mapapagalitan ako ni dad at mom. Inis na ibinato niya ang phone nito sa mesa. Napairap siya sa akin nang balingan niya ko ng tingin. "Samantha I'm sorry. Kung hindi tayo makakarating doon sa mall, pupunta daw siya dito," sabi nito. "Ano?!" Kasabay nang panlalaki ng mga mata ko. "Hindi pwede Ana. Magagalit si dad at mom. Hindi lang sila ang magagalit. Pati din siya," sabay tingin naming dalawa sa gawi ni Kuya Ethan. Napangiwi si Ana. "Infairness ha, kahit salubong na ang mga kilay ng kuya Ethan mo, ang guwapo pa din niya. Pero sayang, magiging brorther-in-law mo na siya soon." "Huwag mo na nga sabihin 'yan. Naiinis ako sa kan'ya," yamot na sabi ko. Natawa si Ana. "Basted ka lang kasi kaya ka gan'yan eh. Nagsusungit pero sa totoo lang kahit hindi mo sabihin, kinikilig ka pa din sa kan'ya." Tinaasan ko siya ng isang kilay ko. "Diyan ka na nga. Ikaw na din makipagmeet sa chatmate mo," singhal ko. "Hoy, huwag mo ko iwan dito. Sira talaga 'to. Hoy!" Tawag niya pa at talagang sumunod pa talaga siya sa akin nang tumungo ako sa likod ng bahay. Dito na ko dumaan para iwasan si kuya Ethan. Magpapalit na muna ako ng damit pangbahay para hindi na magduda si kuya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad nang makaisip ako ng paraan kung paano makatakas kay kuya Ethan. Ngunit sa paghinto ko ay doon ako nabunggo ni Ana. "Ana naman eh!" Yamot na sabi ko. "Ano ba kasi ang ginagawa mo at bakit ka huminto?" "May naisip na kong paraan kung paano natin matatakasan si kuya," mahinang sabi ko. "Ano ba yung plano mo?" Binulong ko sa kan'ya ang plano ko kaya naman laking tuwa niya sa sinabi ko. Agad na naming ginawa ang magsuot ng pangbahay. Pinatungan lang namin ang aming mga damit ng malaking tshirt tapos nagsuot na din kaming dalawa ng jogging pants. Halos matawa kami ni Ana sa naging resulta. "Ayos na ayos ito ah. Oh tapos, anong sunod na gagawin natin ngayon?" Napaisip naman ako at bigla ko na lang naisip na ipagluto ng pansit si mom. Pero hindi, baka magtaka si kuya eh. Meron naman si Manang na pwedeng siya naman ang magluto. "Ahh... Alam ko na, kunwari magpapatahi tayo ng uniform natin para sa graduation," sabi ko at natuwa na naman ang aking kaibigan. "Ang galing galing mo talaga freny. Tara na nga at baka maabutan pa natin sa daan si Haden. Ayie, kinikilig na naman ang pempem ko," nanginginang pa ang mga mata ni Ana na parang baliw na ito. "Hoy, sira ka talaga. Malaman lang ni Josh yang pinaggagawa mo. Sapakin ka nun," sabi ko rito na kinangiwi ni Ana. "Si Josh, bakla si Josh. Guwapo nga, bakla naman." "Ha? Paano mo nasabing bakla si Josh eh lalaking lalaki iyon," nagtatakang sabi ko. "Basta feel ko lang na bakla siya. Hindi gaya ni kuya Ethan na lalaking lalaki siya. Gaya nga ng sinabi mo. Bigla siyang pumasok sa loob ng closet mo habang naka-hubo at hubad ka at nakita mong nanigas yung t*ti niya." Sabay halakhak niya. Tila nakaramdam ako ng pag-init ng aking pisngi at pakiramdam ko ay namula iyon. Halata ko lang naman na bumukol ang kan'yang triszo waffle short nung araw na kaming dalawa lang ang nasa loob ng closet ko. "Sino ba naman ang hindi titigasan ng t*ti noh kung hubad na yung taong nasa harapan niya," sagot ko naman. "Dapat kasi, naghuhubad ka para tumigas din yung t*ti niya," turan ko. "Maghuhubad ako kamo? Dede ko na nga lang ayaw niyang tingnan, paano na lang kaya kung si pepeng maria ko na ang nagpakita sa kan'ya. Masusuka lang daw siya," nakangusong sagot niya. "Baka naman pangit yung dede at pepe mo Ana kaya ayaw niyang tignan," sagot ko naman. "Sira, anong pangit ka diyan? Ano ba ang itsura ng pepe at dede mo Samantha at kung bakit tinigasan si Kuya Ethan?" Nayayamot na sabi niya na halos mangilabot ako sa tanong niya. "Siraulo ka talaga Ana, magkapareho lang tayo noh." Sabi ko. "Paano mo naman nasabi 'yan? Si Josh at kuya Ethan ba magkapareho lang ba sila ng itsura ng kanila? Aminin man nila o hindi, mas maliit yung t*ti no Josh at kay kuya Ethan naman ang malaki at mahaba. Ganun siguro ang pagkakaiba natin Samantha. Mas malusog dede mo at matampok 'yang pepe mo kaya tigas agad yung t*ti ni kuya Ethan. Samantalang ako, kinulang na nga sa hinaharap, flat pa ang pwet." Nang biglang may tumikhim habang palabas na kami ng aking silid. Napanganga na lang kaming dalawa ni Ana at nagkatinginan. Wala kaming kaalam-alam na narito lang pala siya. "Ah... Kanina ka pa dito kuya?" Nakuha pang magtanong ni Ana. "Nope, kadadaan ko lang." Sabay iling niya. "Ahm.. Samantha, pwede bang ipagluto mo naman ako ng meryenda. Busy kasi si manang eh," utos ni kuya sa akin. Napatingin ako kay Ana. Uutusan niya ko para hindi kami matuloy ni Ana sa pupuntahan namin. Alam kong narinig niya ang usapan naming dalawa kanina at nagkukunwari lang siya na napadaan lang siya. "Anong meryenda ba ang gusto mo kuya para maihanda ko na?" Bahagyang lumapit ito sa akin habang ang mga mata niya ay sa akin lang nakatingin. Ngumisi siya. Doon ko lang maramdaman ang matinding kaba na hindi ko maunawaan nang mapatingin siya sa aking hinaharap. At heto na nga yung topic namin ni Ana kanina. Sinasabi ko na nga bang narinig niya ang lahat. "Uhm... Actually, walang gaanong laman ang ref niyo. Nakita kong jumbo hotdog lang ang nandun. May footlong bread din akong nakita. Paki-slice na din at lagyan mo ng manamis-namis na catsup. Yung pulang pula ang kulay," sabi nito sabay ngisi niya. Parang hindi ako makahinga sa mga sinabi niya. May pinapatamaan talaga siya. Tumalikod na siya ngunit bumalik din ito. Nagtaka na lang kaming dalawa ni Ana kung bakit ito pa ang iniutos sa akin ni Kuya Ethan. Nagtamang muli ang aming mga mata na tila nang-aakit na ito pero ako naman ay parang tuod lang na nakatayo rito. "Lagyan mo na din ng spicy flavor para mas nanunuot ang sarap ng footlong ko," sabay kagat pa ng kan'yang labi. Natulala na lang kaming dalawa ni Ana dahil hindi ko talaga alam kung paano ko ipapaliwanag ito sa kan'ya. Mas lalo lang ako mahihirapan na mag-adjust sa amin ni kuya Ethan dahil hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Kasalanan kasi ito ni Ana eh kung hindi lang siya nag-open ng ganitong topic. Umiiwas na nga ko kay Kuya Ethan pero paano ako makakaiwas? Parang mas lalo lang ako mahihirapang mag move on. "Samantha," napaigtad na lang ako nang tawagin niya ko. Nahihiyang hinarap ko siya dahil wala akong lakas ng loob para tingnan siya. "Ano 'yon kuya?" Tanong ko. "Gawin mo na yung inuutos ko. Mamamalengke lang muna ako saglit. Mamaya darating na din sila tito at tita at ang ate mo. Dapat luto na din yung footlong ko." Parang nabato ako rito sa kinatatayuan ko pagkaalis niya. Hindi pa rin maproseso ng aking utak yung kan'yang mga sinabi. Natulala na lang ako pero ginulat ako ni Ana kaya nabaling ang atensiyon ko sa kan'ya. "Seryoso ba si kuya Ethan? Anong nangyari sa footlong niya?" Wala sa sarili kong sabi. "Anong nangyari kamo? Siyempre, tumigas yung footlong niya kaya ganun siya magsalita," sagot naman ni Ana. "Kahit kailan talaga Ana, wala akong makuhang magandang sagot sayo. Hindi ko alam kung paano ka naging c*m laude," singhal ko. "Naku parang hindi mo naman nilalaro yung footlong ng manikin doon sa school natin eh." Pagbibiro ni Ana na halos manlaki ang mga mata ko sa kalokohan niya. Natawa siya kaya naman ito tumakbo kaya ko siya hinabol nang patakbo nang siya'y pababa ng hagdan. "Sira ka talaga Ana!" Galit na galit na sabi ko. "Nahawaan lang ako sa kalokohan mo ha! Sabi mo hawakan ko iyon!" Sigaw ko habang pababa na rin ako ng hagdan. Ngunit tinatawanan lang niya ko. Pagkababa ko ng hagdan ay sakto namang si kuya Ethan ang nakasalubong ko rito. Hindi ko sinasadya iyong mahawakan basta alam kong may nahuli akong ibon kaya napamura si kuya Ethan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD