Chapter 7-BOHOL

1915 Words
SAMANTHA POV. 2 WEEKS PAST "Umiiyak ka na naman. Tapos na ang graduation natin dapat masaya ka ngayon at isantabi mo muna yang iyak na yan. Huwag mo ng iyakan si kuya Ethan. Magfocus ka na lang kay Haden. Mabuti pa siya, palaging siya ang may concern sayo. Pero si kuya Ethan, wala ka talagang mapapala sa kan'ya. Kawawa ka lang sa kan'ya. Nasasaktan ka na nga pero mahal mo pa rin siya. Bitawan mo na siya at mag move on ka na lang," turan ni Ana sa akin. Ilang araw na itong nag-aalala sa akin dahil saksi siya sa pagpapahiya sa akin ni kuya Ethan nung araw na makikipagkita sana kami kay Haden ngunit hindi natuloy dahil si kuya ang kumausap kay Haden sa messenger ni Ana. Isa pang kinagagalit ni kuya Ethan ay ang paghaharutan namin ni Ana nang maghabulan kami sa hagdaan noon. Hindi ko naman sinasadyang mabunggo siya eh dahil ang alam ko nang araw na iyon ay nakaalis na siya. At isa rin si dad, kung paano niya ko pagalitan. Hiyang-hiya na ko sa sarili ko dahil hindi na daw ako bata para makipaghabulan. Napasinghap ako. "Okay na sana Ana kaso, sa tuwing nasa bahay siya. Ako ang nahihirapan mag-adjust sa aming dalawa. Paano ako magmomove-on?" Napasimangot din si Ana. "Mahirap nga 'yan. Dapat talaga, ikaw na ang umalis sa inyo. Pero itong magulang mo lang talaga ang hindi pumapayag sa gusto mo. Ikulong ka na lang kaya nila. Ginagawa ka lang preso ng mga magulang mo. Mga magulang ko, strikto naman sila pero hindi gaya sa mga magulang mo na hanggang ngayon ay ginagawa ka pa ding isang bata. May karapatan ka din maging malaya Samantha. Kaya tignan mo ang sarili mo oh, tignan mo ang nangyayari diyan sa sarili mo. Ang haggard mo na freny. Jusko! Kung kailan natapos na ang graduation, doon pa naging haggard yang mukha mo. Haggard ka na nga noon, mas triple pa ang pagkahaggard mo ngayon. Yan.... Yan ang gusto ng dad mo sayo. At isa pa, paano ka magkakaroon ng lovelife niyan kung habang buhay kang ikukulong ng dad mo diyan sa bahay niyo? Ano ba ang mahiwagang meron diyan sa bahay niyo?" Mahabang turan ni Ana at isa rin itong pinapagalitan ako. Patungo kaming dalawa sa aming inuupahang silid. Narito kami sa Mithi Resort ng Bohol. Dito na idinaos ang selebrasyon ng aming pagtatapos. Hindi na kami natuloy maghiking dahil meron din naman daw dito sa resort na ito. Maganda nga naman at nakakarelax ng katawan. Tanggal ang stress ko dito dahil sa ganda ng mga tanawin rito. Inaayos ko pa lang ang mga gamit ko nang biglang mapatili si Ana. Nagkandahulog tuloy yung mga gamit ko dahil sa gulat ko. Nakasuot lamang ako ng bra at nakapanty lang ako dahil nagbibihis na ko. Gusto kong maglakad lakad sa labas at kumuha ng maraming larawan. "Ana!" Pagdidiin ko sa pangalan niya nang pamewangan ko siya sa mismong harapan niya. "Ano na naman ba iyang tinitili mo diyan? Kainis, nagbibihis yung tao eh." Nang bigla niyang hinarap ang phone nito sa akin at ganun na lamang ang aking pagkagulat. Si Haden ang kausap niya kaya naman bigla akong napatakip sa ilang parte ng aking katawan. Tila nakaramdam ako ng pag-iinit ng aking pisngi dahil sa ginawa ni Ana. Pinandulatan ko ng mga mata ko si Ana dahil sa inis ko sa kan'ya. "Bwisit ka talaga Ana, lumabas ka na nga rito!" Pagtataboy ko sa kan'ya. Palagi mo na lang akong pinapahamak eh!" Singhal ko. "Oo na... San ka ba kasi pupunta at nagbibihis ka agad?" Tanong ni Ana, hindi ko alam kung sino ang kan'yang kausap. "Oyy, waging wagi ka naman Haden. Sesh!" Sabi pa nito. Ang akala ko ay ako na ang kausap niya kaya naman nagbihis na ko agad. Puntahan ko na lang muna si Josh dahil busy si Ana sa Haden niya. Palabas na ko ng villa at hinanap ko na agad si Josh. Ngunit si ate at kuya Ethan ang nakasalubong ko. Nang mapadaan din si Josh dito sa gawi namin. "Si Ana?" Biglang tanong niya. "Wala busy, tayo na muna ang mamasyal," sabi ko sa kan'ya. "Mamasyal kayong dalawa?" Sabat ni ate sa usapan namin ni Josh. "Oo ate... Bakit?" "Ahmm... aalis na muna sana kami ni mom ngayon dahil may imemeet siyang tao. Eh bawal ang lalaki doon. Ikaw, Samantha.... Josh, baka gusto niyong sumama sa kuya niyo," sabi ni ate. "Naku ate huwag na... Kami na lang dalawa ni Josh ang mamasyal." Tanggi ko. Napatingin ako kay kuya Ethan sabay irap ko sa kan'ya. Nakakainis lang kasi kung may bantay. Hanggang dito pa naman. "Parang mas gusto kong sumama kay kuya Ethan," napaawang ang ibabang labi ko sa sinabi niya. "Tara na... Ang dami mo pang arte diyan," at talaga nga naman iniwan ako ng kaibigan ko. Nakaramdam ako ng inis rito. "Josh naman eh!" Sabay dabog ko rito dahil iniwan lang niya ko. "Sige na Samantha, sumama ka na sa kanila. Aalis na din ako at nagmamadali na din ako. Kanina pa naghihintay si mom sa akin," paalam ni ate at ako na lang ang naiwan rito sa may villa namin ni Ana. Natuliro ako sa kinatatayuan ko rito. Hindi ko alam kung saan ako sasama. Si Ana, busy naman sa kausap niya. Si Josh, sumama kay kuya Ethan pero ako, mag-isa lang ako rito. "Ayy kainis naman yang Josh at Ana na yan," singhal ko habang nagpapapadyak sa inis. Sinundan ko sina Josh at Kuya Ethan. Hinabol ko sila. Ayaw ko naman na maiwang mag-isa. Sasama na lang ako sa kanila kahit na kasama namin si kuya Ethan. Cambagat cave. "Wow, ang ganda rito Josh," namamanghang sabi ko rito nang marating namin ang cambagat cave. Ang linis ng tubig dito at ang linaw dahil kita ang ilalim ng tubig. "Oo ang linaw nga, sana narito si Ana para kompleto tayo. Pero palagi na lang busy sa chatmate niya," naupo ito sa may bato at tinabihan ko siya. Parang nagtatampo pa ito kay Ana. "So, malungkot ka dahil wala siya? Nandito naman ako ha," sabi ko. Nakaramdam na lang ako ng pagkainggit. Parang wala man lang makaalala sa akin. Lahat na lang sila, nasa ibang tao ang atensiyon. Ako kaya, sino naman kaya ang makakaalala sa akin? "Siyempre masaya naman ako. Ikaw pa, malakas ka din sa akin." "Hindi ako naniniwala," sabi ko. Nang may bigla na lang kaming narinig na parang may tumalon sa tubig. Napalingon kaming dalawa ni Josh sa gawi ni kuya Ethan. "Wow, parang gusto ko na rin maligo ha. Ikaw ba, gusto mong maligo?" Tanong nito habang nagtatanggal siya ng suot nitong damit. Nakaswimming trunks naman siya kaya naman naligo na din ito. Winisikan pa niya ko ng tubig at inayang maligo. "Halika na..." Tawag pa nito sa akin. "Sige, susunod ako..." Sagot ko naman. Saktong pagtayo ko ay nakaramdam na lang ako na parang natanggal ang pagkakalock ng aking bra. Hindi ko alam kung natanggal lang o sadyang nasira ang lock nito. Bago pa naman itong suot ko at hindi ko alam kung bakit ito biglang natanggal ang lock nito. Nagtago ako banda doon sa may bato upang hindi nila ako makita. Pinilit kong abutin ang likod ko upang ilock ang aking bra ngunit nahihirapan lang akong ilock ito. "Bwisit naman! Kung kailan naman wala si Ana doon pa gumawa ng kalokohan itong bra ko. Pero parang mali ata itong sinuot kong bra dahil sobrang sikip naman nito? Nang mainis ako at tinanggal ko ang aking bra. Laking gulat ko dahil size 34b itong gamit ko samantalang size 36b ang size ko. "Paano napunta ang bra ni Ana sa maleta ko? Bwisit talaga ng Ana na 'yan!" singhal ko. Palagi na lang ako napapahamak sa kan'ya. "Samantha," Napaigtad ako sa pagtawag sa akin ni Kuya Ethan. Agad kong itinago ang suot kong bra sa may ilalim ng aking damit. Kumunot ang noo niya. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba maliligo?" Bigla na naman akong kinabahan nang mapadako ang kan'yang paningin sa aking dibdib. Medyo fitted pa kasi itong suot kong tshirt kaya naman nakita kong bumakat ang dibdib ko sa suot kong damit. Hindi ko pinahalatang iyon ang tinititigan niya kaya ako tumalikod. Nakaramdam ako ng pagkailang sa kan'ya dahil kami lang ang narito ni kuya. "Mamaya na ko maliligo kuya." Sagot ko. Tumikhim siya. "Kaninong bra itong nahulog?" Napaharap tuloy ako sa kan'ya at laking gulat kong hawak niya ang aking bra. "Kuya bra ko 'yan, akin na 'yan." Inagaw ko sa kan'yang kamay ang aking bra ngunit inilayo niya lang ito. "Sayo nga ito diba? So parang lumiit yata?" Sabi pa niya na ikinaawang ng aking ibabang labi. "Kuya, iba kasi ang naisuot ko. Kay Ana 'yan. Hindi akin 'yan," paliwanag ko. "So kay Ana? At balak mong maligo na walang suot na bra? Look, kung maliligo ka ng nakagan'yan. Ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon ni Josh?" Nagsalubong ang mga kilay ko. Nang maalala ko ang sinabi ni Ana. Bakla daw si Josh at wala daw itong pakialam kung maghubad si Ana sa harapan niya. "Kuya bakla si Josh. Wala siyang pakialam kung makita niya akong ganito," paliwanag ko ngunit nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakla? Nagpapatawa ka ba Samantha? Sa tingin mo bakla ang kaibigan mo?" Galit na sambit nito. Hinawakan niya ang braso ko at kinuyog mula sa kinaroroonan ni Josh. Nahinto kaming dalawa nang makita kong may mga kausap siyang mga babae. Yung isang babae ay nakahawak pa sa balikat ni Josh. Ang ganda ng mga ngiti niya habang kausap niya ang ilang mga babae. "Ano? Sa tingin mo ba ay bakla siya?" Muli kong binaling ang tingin ko kay kuya. "So ibig sabihin, totoong lalaki siya?" Napailing si kuya Ethan sabay singhap nito. "Totoong lalaki siya sa Samantha. Hindi siya bakla okay," giit ni kuya. Ngumuso ako. "So, akin na yang bra ko. Isusuot ko na." Ngunit hini niya ito binigay sa akin. "Ako na ang magkakabit ng lock," sabay hawak niya sa aking kamay at tinangay mula sa pinanggalingan namin kanina. "Kuya ako na lang magkakabit niyan. Kaya ko na," giit ko. Ngunit sadya talagang mapilit si kuya at gusto niyang siya pa ang magkabit ng aking bra. "Tumalikod ka at ikakabit ko na." Utos ni kuya. Hindi ko alam kung bakit ako napapasunod sa kan'ya dahil kusang kumilos ako. Ginawa ko ang sinabi niya. Napapikit na lamang ako nang mga mata ko habang nilalagay niya na sa aking katawan ang aking bra. Bakit ganito si kuya? Kung kailan nag-uumpisa na kong magmove on pero siya naman itong lapit ng lapit sa akin. Nang maisuot ko na ang aking bra akmang hinawakan niya ang aking kamay kaya ako napaharap sa kan'ya. Tinitigan ko ng masama si kuya. "Bakit mo ba ito ginagawa sa akin kuya na hindi mo naman dapat na gawin ito sa akin. Isang Linggo na lang kuya, asawa mo na si ate. Dalawang buwang buntis na din si ate. At doon naman sa sinabi ko sayo na mahal kita, kalimutan mo na iyon kuya. Tanggap ko na sa sarili ko na magiging brother-in-law na kita soon. Si ate na lang pagtuunan mo ng ganito kuya dahil ako. Inuumpisahan na kitang kalimutan," sumbat ko. Parang natamaan si kuya sa sinabi ko dahil halata sa mga mata niya na tila may parteng nasaktan siya. Inilabas ko lamang ang sakit na nararamdaman ko sa kan'ya para wala na siyang mapanghahawakan pang salita na magpapadikit lang sa aming damdamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD