SAMANTHA POV.
"What do you think I'm doing Samantha? Do you think I like you that's why I'm always clinging to you? Kahit na kailan, hindi ako nagkainterest sayo. Isang kapatid lamang ang turing ko sayo Samantha. Iyon lang Samantha dahil si Frenzene ang mahal ko. Wala ng iba. Huwag mo na lang sana bigyan ng malisya itong ginagawa ko sayo. Narito lang ako bilang isang kuya mo."
Naikuyom ko na lang ang aking dalawang kamao dahil sa labis na sakit na nadarama. Nilunok ko na ang pride ko dahil nais ko lamang malaman kung bakit niya pa ito ginagawa sa akin. Halata naman sa mga kilos niya kahit hindi niya ito aminin. May kuya bang basta basta na lang papasok sa loob ng silid na wala man lang akong pahintulot para pumasok siya sa loob ng silid ko? May kuya bang basta basta na lang hahawak sa balat ko at ang lakas pa ng trip niyang hawakan ang bra ko at sabihin niyang lumiit daw? Anong tawag sa ginagawa niya sa akin?
"Napaka wierd mo naman kuya. Paano mo naman nasabi ang lahat ng iyan sa akin? Ni bra ko nga, hinawakan mo. Mga titig mo nga sa akin para ka ngang naprapraning. Nung araw na pumasok ka sa kuwarto ko habang nasa loob ako ng closet. Bigla ka na lang pumasok kahit alam mong hubad ang katawan ko? Sa tingin mo? Wala lang din sayo iyon? Huwag mo ng itanggi iyon kuya. Halata naman na gusto mo din ako."
Umiling siya na may ngisi sa labi niya. "I'm not serious Samantha. That's just nonsense." Malamig na sagot niya.
"Nonsense?" Wala sa sarili kong sabi at dahil doon ay bigla akong nakaramdam ng galit. Malakas ko siyang sinampal sa kan'yang kaliwang pisngi ngunit hindi man lang ito natinag sa ginawa kong pagsampal sa kan'ya na alam kong sobrang lakas 'yon dahil ramdam ng aking palad ang sakit nito.
Malamig ang mga mata niya nang tumitig siya sa akin. Alam kong galit siya sa ginawa ko. Ginawa ko lamang iyon dahil gusto ko lang mailabas ang sakit na nadarama ko para sa kan'ya.
Marahas ko siyang tinitigan sa mga mata niya. "Simula ngayon kuya. Umiwas ka na sa akin. Huwag na huwag mo na rin akong papansinin. Isipin mong hindi tayo magkakilalang dalawa. At kung mangyari mang gumawa ako ng paraan para lang magkalapit tayong muli, isipin mong isa na lamang akong estranghero," saad ko. Tumalim ang mga titig na pinukol niya sa akin ngunit hindi ako natatakot sa ganoong klaseng paninitig nito.
"Samantha, you're such a b***h. Parang hindi na kita kilala. Ikaw na ba 'yan? Yung Samantha na sweet at mabait sa akin dati?" Napailing siya... Tila natamaan ako sa sinabi niya. May part sa akin na nasaktan. Napaiyak na lang ako nang hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Parang akong nanghina sa sinabi niya.
Tumalikod ako at tumakbo ng mabilis. Gusto ko ng umalis sa lugar na ito at ayaw ko na siyang makita pa.
"Samantha!" Sigaw niya pa ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Tumakbo ako ng mabilis upang makalayo lang sa kan'ya. Ayaw ko na siyang makausap dahil wala siyang kwenta. Kung kanino na ko sumakay basta lang marating ko ang villa sa resort.
Nang marating ko na ang villa ay nagpapapadyak akong pumasok sa loob ng aming villa kung saan ko iniwan si Ana. Nagtaka si Ana kung bakit ganito ang aking itsura nang makita niya kong nagdadabog.
"Anong problema mo Samantha at bakit parang naging unggoy yang itsura mo?"
Nakakunot ang noo ni Ana nang pamewangan niya ko. Napanguso ako sabay pahid agad ng luha sa mga mata ko.
"Gusto kong uminom ngayong gabi Ana. Gusto kong maranasan kung paano magwala. Gusto ko lang itong ilabas Ana. Ang sakit niyang magsalita."
Napahagulhol na naman ako sa pag-iyak ko rito dahil naramdaman ko na naman sa aking puso ang sakit na matagal ko ng nararamdaman ito kay kuya Ethan. Magmula. ngayon, kakalimutan ko na siya. Ibabaon ko na sa limot si kuya Ethan at kung sakaling may pagkakataon man na magkita kaming muli. Gagawin ko kung ano ang nararapat na gawin para sa aming dalawa.
Hapon na nang dumating si Haden. Hindi ko inaasahan na darating siya rito. Nakakapagtaka lang kung bakit ang bilis niyang marating dito sa Bohol. Sabi niya may dala daw siyang private chopper. Habang nag-uusap ang dalawa, nakikinig lamang ako sa usapan nila dahil sumasama lang naman ako sa kanila.
Malimit lang din akong mapasali sa kanilang usapan dahil hindi ko naman ka-close si Haden. First meet namin ngayon kaya medyo naiilang pa kong kausapin siya.
"Samantha, are you okay. Pansin ko ay kanina ka pa walang kibo? May problema ka ba or may gusto kang inumin or kainin?"
Narito kami ngayon sa isang gazebo. Dito kami dinala ni Haden. Wala lang, gusto lang daw niya kong makita. Pero ngayong nakita niya ko. Lagi kong nahuhuling nakatitig ito sa akin.
Tipid akong ngumiti. "Oo, may problema ako. Gusto kong uminom ngayon," awtomatikong saad ko.
Tipid siyang ngumiti ngunit itong si Ana ay pinandilatan niya ko ng mga mata niya.
"Naku Haden. huwag mong susundin ang sinabi niya. Magagalit ang dad niya," suway ni Ana.
"Ana, pwede bang tumigil ka muna. Hindi na ko bata para suwayin nila ako sa gusto kong gawin. May isip na ko... Tayo.... Kaya kung pwede lang sana. Umuo ka na lang. Ngayon lang naman ito eh. Saka anong gagawin natin dito? Magkukulong na lang tayo lagi sa villa natin, ganun."
Napangiwi si Ana sa mga tinuran ko. Alam kong magagalit si Josh sa kan'ya dahil kasama namin si Haden ngayon at tiyak na magugulat ang mga iyon. Pareho na lang silang dalawang may problema kaya hanggang ngayon, wala pa rin yung dalawa. Sina ate, mom at dad naman ay may mga sarili din silang mundo. Wala sila rito at ewan ko kung saan ba nagpunta ang mga iyon dahil kanina ko pa sila hinahanap.
Nang mahagip ng aking paningin si ate. Patungo siya rito sa aming gawi. Nakita ng dalawang mga mata ko na kasama niya si kuya Ethan. Agad ko namang kinuha ang phone ko at nagkunwaring may katext ako.
"Samantha," Tawag ni ate sa akin.
Bahagya naman akong tumingin kay ate na hindi sinusulyapan si kuya Ethan. "Bakit ate?" Mahinahong tanong ko.
"Wala sila mommy at daddy dito. Bukas pa ang balik nila rito. At kung pwede lang sana, Samantha, huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan." Sabay tingin ni ate kay Haden.
Napatingin ako kay Haden, parang nasa mukha niya ang pag-aalala nito sa akin. Parang isang batang pinapagalitan ako ni ate. Napasimangot ako,
"Okay ate, masusunod." Tipid kong tugon.
Inabala kong muli ang pagtitipa sa aking phone saka chinat si Ana. Bigla namang nagpop up sa screen ng phone niya ang messages ko na agad naman dinampot ni Ana ang phone niya sa mesa dahil sa biglang napatingin si ate sa phone ni Ana. Napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa kumunot ang noo ni ate sa akin.
Napasinghap si ate sabay iling nito sa akin. Napaismid na lang ako dahil alam niyang ako yung nagchat kay Ana.
"Sige, aalis na muna kami ni Ethan. Enjoy your day and have fun," paalam ni ate si amin.
Nagningning ang mga mata namin ni Ana dahil sa sinabi ni ate. "Oh, narinig niyo naman yung sinabi ni ate. Have fun daw," pag-uulit ko sa kanilang dalawa.
"So, masaya ka na dahil magagawa mo na ang gusto mo." At biglang natawa si Haden ganun din si Ana.
"Bakit kayo tumatawa?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Eh paano kasi, para kang isang bata na nakalabas sa crib." Sabay tawa ni Ana.
"Ganun! So bata ang tingin niyong lahat sa akin?"
"Hindi naman sa ganun Samantha. Pinapatawa ka lang namin ni Ana. Gusto lang naman namin na maging masaya ka okay."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Haden. Mukhang ito na yata ang lalaking may concern sa akin.
"Salamat naman kung ganun. Salamat at naiintindihan mo din ang sitwasyon ko."
"Ayy... Iiyak na yan si Samantha." Pinandilatan ko si Ana ng mga mata ko. "Sorry na... Ikaw naman Samantha, di ka lang naman mabiro."
"Tse! Kung bibiruin mo ko, huwag ngayon Ana. Basta ako iinom ako ngayon.
Kinagabihan, pasuray suray ako nang pauwe ako sa aming villa. Nalasing agad ako sa dalawang boteng alak na nainom ko. Iniwan ko na muna sila Ana at Haden Lee sa gazebo dahil ihing ihi na ko. Ligtas naman akong nakarating rito sa loob ng aming villa. Agad ko namang tinungo ang banyo at dali daling nagtanggal ng suot kong tshirt at short dahil bigla akong nainitan dala ng nainom kong alak. Nang matapos kong magbawas ay agad din akong nahiga sa aking kama. Gusto ko sanang bumalik pa sa gazebo ngunit hindi ko na kaya pang idala ang aking katawan roon dahil grabe ang tama ng aking pagkahilo at baka ako ay madapa lang sa lupa.
Kinabukasan, nakaramdam ako ng panglalamig sa aking katawan kaya naman agad kong kinumutan ang aking sarili. Kumunot na lang ang aking noo dahil wala si Ana rito sa aking tabi.
"Asan na kaya si Ana?" Wala sa sarili kong tanong at agad ko ding naipikit ang mga talukap ng aking mga mata dahil inaantok pa ko.
Nang biglang may kumatok. Sunod sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. Hindi ko inabalang buksan ang pinto dahil ayaw kong maabala ako sa pagtulog.
Dinig ko na lang na bumukas ang pinto. "Hay naku, sinasabi ko na nga ba at natutulog ka pa." Ramdam kong umupo sa Ana dito sa gilid ng kama. Bigla na lang akong napamulat ng mga mata nang makaamoy ako ng pabangong panlalaki. Nakita ko si Haden na kasama ni Ana. Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil narito siya sa loob.
"Ana, anong ginagawa niyo rito? Lumabas muna kayong dalawa ni Haden. Inaantok pa ko eh." Humiga ako ulit at mahigpit na hinawakan ko ang kumot dahil wala akong suot na damit at short. Naalala ko pala na tinanggal ko ito kagabi.
"Oo na, lalabas din kami ni Haden. Haden, hintayin mo na lang ako sa labas," saka naman siya pumasok sa loob ng banyo. "Ano ba 'yan Samantha? Mga damit mo oi, nagkalat na rito. Ano ba?"
Sabay hagis niya ng damit sa akin saka niya padabog na nilock ang pinto ng banyo.
Nainis na lang ako rito sa ginawa ni Ana kaya ako napaupo habang hawak ko ang kumot sa katawan ko. Nahiya ako tuloy ako sa ginawa ni Ana.
"Samantha, sa labas ko na hintayin si Ana. Sige na, matulog ka na muna," sabi ni Haden.
Patungo na siya sa pinto nang biglang bumukas iyon. Napakislot ang dalawa nang magkasalubungan si kuya Ethan at Haden habang ang mga mata ni kuya ay nanlilisik na parang hayop na gustong sumugod.