Chapter 4

3273 Words
Chapter 4 KINABUKASAN ay pinayagan na akong lumabas ng kapatid ko sa MDH. Bukod sa medyo maayos na naman ang pakiramdam ko, importante kasi talaga ang mga naiwan kong gawain para sa darating na Prom namin sa huling taon. Na dapat ay pinamumunuan ko na noong nakaraan pa lang. Ngunit dahil sa aksidente, wala pa akong nagagawa. Nakatungkod ang aking braso sa may lamesa habang napakalumbaba naman akong nakatingin lang sa kawalan. Grabe pala talaga ng pagiging lutang ng isang tao kapag walang inaral sa loob ng ilang araw o linggo? Tagalang hindi ka makakarelate sa mga topics nila ngayon. Ngunit mabuti na lang at mabait si Prof. David. Pinagbigyan niya ako ng panahon para matapos ang proyektong ibinigay niya sa amin noong nakaraan. Ngunit mag-isa ko lang gagawin iyon. Napabuga ako ng hininga nang tuluyan na ngang matapos ang morning lessons namin. Eksantong oras para dumiretso ako sa Hospital. Para makausap si Head director tungkol sa iniutos ng aking kapatid na tanggihan na ang paggabay sa apo niya. Agad na inayos ko ang aking mga gamit at nagpahuling lumabas. Sakto naman na nakasalubong ko iyong lalaki na palaging nakabuntot sa akin. Nasanay na rin naman na ako sa presensiya niya, kaya hindi na ako nagulat pa. "Hindi kita noong mga nakaraan," sumabay ito sa akin na naglakad sa kasagsagan ng hallway. "I wonder kung bakit ikaw ang sumalo noong balde. Na dapat ay ihahampas niya kay Sam." Mahina, nag-aalala ang tinig na aniya. Pilit akong ngumiti nang sandali kong balingan ito ng tingin. Kasabay din niyon ang matunog kong buntong hininga. Paano naman niya nalaman na ang pinsan ko ngang si Sam ang babaeng dapat na sumalo noong kayabang ng barkada ni Tayshaun? Naroon kaya siya? Pero bakit parang hindi siya umawat? Siguro ay ayaw niya lang na madawit siya. Knowing Tayshaun, mga walang kinatatakutan ang lalaki na 'yon. Maski nga itong kasama ko ay kaya niyang pahirapan..in just one click. Gayunpaman muli na naman akong nakaramdam ng awa para sa pinsan ko. Hindi biro o kakatuwa ang ginawa sa kaniyang pagpapahiya ng barkadang iyon. Na sa loob ng ilang taon namin dito sa PUP ay mararanasan niya pa pala ang ganoong pag-hihirap. Nakakainis. Na kung pwede lang na burahin sila sa mundo ay ginawa ko na. Pero isa iyong kataksilan para sa lumikha sa atin. Na ang pagbibitiw ng mga salita ay nararapat na panindigan. "I'm sorry..hindi ko nagawang pigilan siya.." Kumunot ang noo ko nang maghingi ito ng paumanhin. Huminto ako sa paglalakad. At doon ay deretsong tinignan ito sa mata. Matunog na buntong hininga ang pinakawalan niya. "..kumbaga ayaw kong makisali sa gulo, natatakot din akong magkasira kaming dalawa." Pilit na ngiting iginawad niya sa akin, at nauna nang maglakad. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Napapailing na nag-lalakad. Deretso kaming tumungo sa may cafeteria, at pumasok at naupo sa may bakanteng dalawa na silya. Inilapag ko sa lamesa ang logbook at ang itim na bagpack ko. Samantalang ang kasama ko naman ay naupo sa aking harapan. Nginitian ko ito ng mag-tama ang aming paningin. "What do you want for our break time?" He asked, while his Adams apple was starting to move. Ngumuso ako at nagkibit balikat. "I haven't seen any of their menu list here..I bet.. Egg sandwich and water?" Inginuso ko ang tinapay na ginagawa noong tindera dito sa cafeteria. Kumunot naman ang noo ng kasama ko, at bumaling din doon. "Kapag minsan wala na akong oras para kumain, tinapay at tubig lang ang binibili ko." Buong kagalakan kong kwento. Natango-tango ito at muling humarap sa akin. Pinagkrus niya ang braso, bago tuluyang sumandal sa may hamba ng inuupuan niya. Nginitian ko naman ito ng pag-katamis-tamis. "Hindi ko rin kasi afford ang mga mamahaling pagkain nila rito.." "Hm?" Bigla ay paungol itong sumagot. Umiling ako at itinungkod sa magkabilang gilid ng aking balakang ang kamay ko. Ipinagkrus ko rin ang aking hita, bago sumagot sa tanong niya. "I'm not a rich type of girl," panimula ko, "Scholar lang ako ng pamilya Akhiyo sa paaralan na 'to." May kung ano sa akin ang nasaktan, nang banggitin ko ang apelyidong iyon. Kumusta na kaya siya? Ni wala Akong nabalitaan sa kaniya. Maski nga paggawa niya nang kalokohan ay hindi na nakarating sa akin. Ano kaya ang parusang ipinataw sa kaniya ng aking kapatid? Napailing nalang ako, at agad na umiwas ng tingin. Sakto namang bumukas ang sliding door ng cafeteria. Agad na natigilan ako, nang deretsong pumasok sa loob ang magkakaibigan, at naupo sa may katapat naming silya. Napasinghap ako nang magkatabi kami ng pwesto. Kahit na may kaunting uwang pa iyon. "Okay ka lang?" Mukhang napansin nga yata ng kasama ko ang pagiging balisa ko. Agad ko itong binalingan ng tingin, tumango at napatayo ako. Akmang maglalakad na ako paalis sa pwesto, nang biglang natigilan sa narinig kong salita sa kung sino sa mga barkada niya. "Ugh! C'mon, 'dre! Don't chased a girl." Napataas ang kilay ko at muling naupo. This time ay mukhang lumakas na ang spirit kong manatili sa pwesto. Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang mabalingan ng tingin ang lalaking katapat ko. Deretso itong nakatitig sa Akong katabi. Na animo ay nakikipagsuntukan sa mga tingin niya. Ngumiwi ako at palihim na sinulyapan ang Aking katabi. Maski siya ay ganoon din pala. Ngunit parang may ipinahihiwatig ang tingin niyang iyon. Na para bang ano man oras ay kikilos at magwawala ito sa loob mismo ng cafeteria. "Women Doctors aren't sweet, Tayshaun. Masasayang lang ang paghihirap mong habulin ang taong wala namang pakealam sa'yo." Aniya noong kasama niya, Sarkratisko. "Instead of chasing her, try to be steveran." "What the f**k, 'dre?" "Ha? I mean, gayahin ka niya. Look at you, sinundan mo pa talaga mula Manila patungo dito ang ex mo." "Kaya steveran ang pangalan niya.."narinig ko ang sinabi naman noong si Tayshaun. Kaya ay palihim na naman akong sumulyap. "Kasi run." "Ha?" "Halakaming nagets, 'dre?" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Pumalahaw na ako sa kakatawa dahil sa sinabi niya. Sobrang lakas. Dahilan Para maagaw ko ang atensiyon ng mga tao sa loob ng cafeteria. Napahawak ako sa aking tiyan, patuloy na tumatawa. Hanggang sa matigilan ako, dahil sa isang tikhim. Na batid ko ay galing sa katabi ko. "Sorry.." Pagpapaumanhin ko. Noon ko lang naalala na hindi nga pala ako kasama sa kanilang mag-kakaibigan. I don't have circle of friends tho. Kaya bakit ako natawa sa isang ng Biro netong bubwit na 'to? Argh! Nakakainis naman! "Oh, you're here pala, Miss president!" Napataas ko ang aking kilay nang dumungaw pa ang kaibigan nito, Para batiin ako. Parang tanga lang. Halata namang kanina niya pa kami nakikita na katabi ng kaibigan niya. "Oh?! Nandito ka rin pala, Lorde?" Napatakip ito ng bibig, nang mabalingan ang nasa tapat ko. Bumaling ako sa tinawag niyang Lorde, deretso lang itong nakatingin sa aking katabi. Na kanina pa ay halos magpatayan na sa mga tinginan sa isa't-isa. "Bakit kasama mo si Miss President? Balak mo siyang agawin kay Tayshaun, 'no?" Ayon na naman ang nangangasar na tinig niyong mestizo. Tumayo ito at binuhat ang inuupuan niyang naglakad patungo sa tab ni Lorde, at naupo roon. "Yay! Hindi ka marunong makisama! Pati girlfriend ni Tayshaun?" Napapailing na humarap ito sa akin. Lumunok ako at inirapan ito. "Hindi tayo close, kaya go and distance your self away from me." Mariin kong sabi. Bahagya itong natigilan, ngunit agad din namang nakabawi. Pinagkrus niya ang braso at sumandal din sa inuupuan katulad ni Lorde. "Mm..tama ka Miss President...but Hindi rin naman tayo..so, stop using 'tayo' words." He shook his head. "Baka ay itakwil ako sa barkada." Aniya pa. Napabuga ako ng hininga at akmang magsasalita, nang biglang maagaw ng aking atensiyon ang tumunog na ringtone sa cellphone ko. Oh, pinalitan ko na nga pala ang ringtone. Napanguso ako at walang pasinsabi na kinuha iyon sa lamesa.                     -Kuya Yaki- Napakunot ako ng aking noo at pinagkatitigan iyon, ngunit agad din namang sinagot. "Kuya?" Pag-sagot ko mula sa tawag. "Bakit?" Dahil hindi ako nito tatawagan kung walang nangyari, o problema. Nakarinig ako ng matunog na buntong hininga, at alam kong galing sa kaniya iyon. Nanatili akong tahimik ng ilang Segundo. Ganoon din naman sa kabilang Linya. Tanging ugong lang na batid kong sa hospital ang naririnig ko. Nilingon ko ang mga kasama kong narito. Na katulad ko ay tutok din sa pakikinig sa kung ano ang maririnig nila. Nag-taas ako ng kilay sa kanila, bago kinuha ang bag at tumayo. Tiningala nila. "I'll go ahead. Kailangan ata ako sa MDH." Bahagya ko pang niyukuan ang mga ito, bago ako tuluyang naglakad palabas ng cafeteria.                                                     Habang nag-lalakad sa kasagsagan ng pasilyo, nakatutok pa rin sa aking tainga ang cellphone ko. Naghihintay na magsalita ang kapatid ko. "Head director wants you to come here, so that you could talked to each other." Tila ay labag pa sa kalooban niya ang sabihin iyon. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Ganoon din naman ang pakay ko para mamaya. Ang makausap ang Head. "I'm gonna picked you up, wait me there." Then he hung-up the phone call. Ibinaba ko na ang aking cellphone at dumiretso sa may locker para iwan ang logbook at ang bag ko. Matapos ay dumiretso na ako patungong gate. Mahigit ilang minuto pa nga ata bago dumating ang Kuya ko, dala ang sasakyan namin. Lumabas ito at pumihit patungo sa passengers seats door, at pinag-buksan ako ng pinto. Naglakad ako patungo roon at nginitian siya bago pumasok. Marahan niyang isinara iyon, bago siya pumihit sa kabila, binuksan ang pinto at pumasok. Halos sabay pa ng naming isinuot ang seat belts namin, bago niya paandarin ang sasakyan. "How's your day?" Sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya ay nagsalita ito. Ngunit hindi manlang ako binalingan ng tingin. "Do  that bastard talked to you?" "Nah. Busy ako sa mga topics na nakaligtaan ko." Pilit ko itong nginitian. Kilala ko na naman na kasi kung sino ang tinutukoy niya. Tumango ito at nginitian ako nang sandaling balingan niya ako ng tingin. "I was about to helped you with those topics, but I remember that you don't want anyone to helped you." "I don't think so, kuya." "Ah-huh? Hindi ba at iyon ang pinakaayaw mo sa lahat? Ang makialam kami sa mga bagay na dapat ay sa'yo lang na iisipin?" Nginusuan at padabog akong bumaling sa may bintana. Ang harsh magsalita ng kapatid ko, pero concern naman palagi sa mental health ko. Na kahit hindi niya sabihin na pinoprotektahan niya ako, nakikita ko na naman iyon sa kaniya. Kaya mas naniniwala pa ako sa paggawa kaysa panay lang ang salita. Naging tahimik na kami hanggang sa makarating kami sa MDH. Agad na lumabas ako dahil maghahanap pa ang kapatid ko na pwedeng maparkingan niya. Sinabi k na rin dito na deretso na ako sa loob. Hindi naman gano'n karami ang mga tao sa MDH. Sa katunayan nga ay parang swerte kami ngayon. Bibihira lang ang may isinusugod dito. Kadalasan lang talaga ay mga buntis. At kung minsan ay mga lasing na nagtatalo, at nahantong sa sakitan. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang huling floor. Pasara na ito, ngunit agad ding bumukas nang biglang iharang ng kung sino ang braso niya. Kumunot ang noo ko at gumilid. Bigla ay napaawang ako nang tuluyang masilayan ko na ang mukha nito. Mas lalo tuloy naging tahimik ang paligid ko. Imbes kasi na kumanta-kanta ako ngayon dahil dapat ay mag-isa lang ako, ngayon ay halos hilingin ko nang bumukas na agad ang elevator, nang sa ganoon ay makalabas na ako. Ngunit parang may plano ang tadhana para sa akin. Kapag ako o mayroon akong ibang kasama ay napakabilis lang na makarating sa lugar. Ngunit ngayon ay napakatagal. Kung titingin ako sa aking relo, hindi na ako magtataka kung bakit masasabing late na ako. Kung bakit ba naman kasi sumabay pa ang mokong na 'to Kunot ang noo habang mag-krus ang mga braso na nakatingin lang ako sa pag-bukas ng elevator. May minsan pang tumataas ang kilay ko kapag napapansin ko sa gilid ng aking mata ang bubwit na 'to, lalo na kapag napapansin  ko ang paggalaw ng tuhod nito. May kung anong milgaro ang ginagawa, huh? "About last time.." Nahugot ko ang aking hininga nang magsalita ito. Pero napapansin ko ang matunog niyang buntong hininga. Eto na nga ata ang role ko sa araw na 'to, ang pagmasdan silang magsipag-buntong hininga na mga nalakasalamuha ko. "I won't sorry." Laglag ang panga na nilingon ko ito. Nakapasok sa magkabilang bulsa ng pants niya ang kamay nito, at panay naman sa paggalaw ang isa niyang paa. Hindi pormal na nakatayo. Parang tamad na tamad. Walang emosiyon na binalingan niya rin ako. Doon ay tumaas ang kilay kong inirapan ito. "What?" He asked, feel like he do not know what he was saying minutes ago. "Do I said sarcastic words on you?" He arched his brows. I sighed and shook my head. "It just..I don't want to talk about it. I know you're not saying sorry. Isa kang mayabang, mapagmataas, maluho, hambog na lalaki, Hindi nagsosorry ang katulad mo." Mahabang lintanya ko sa kaniya. Umawang ang labi nito, "I am not." Giit nito. Tumango ako at bahagya pang tumawa. "Mm..kailan ka pa nga ba nagsabi ng totoo?" Tanong ko sa kaniya, "O..kung nagsasabi ka pa nga ba nang katotohanan?" "Manners." Umiwas ito ng tingin. Napailing ako at umiwas na rin nang tingin, at doon nga ay bumukas na ang elevator. Para tuloy akong Ewan na natutuwa hanggang sa makalabas ako. Deretsong tumungo ako sa office ng Head. Minsan pa ngang kinakanta ko ang liriko ng kanta ni Jason Derulo. Na napakinggan ko lang noong mga nakaraan. Nang makarating ako ay huminto na ako sa paglalakad at napatingala sa pinto niyon. Na Hindi naman sumisigaw sa kamahalang gamit. Bagkus ay sakto lang naman sa pagkakagawa. Kumatok pa muna ako ng ilang beses, bago makarinig ng senyas, at binuksan na nga ito. "Come in, Miss Salvatera," Malawak ang ngiting ibinungad ko sa Head at dumiretsong naupo sa may katapat niyang silya. Nakaupo na ito sa swiveling chair niya habang ang daliri ay hinihilot ang sentido. Maya-maya pa ay bumukas nang muli ang pinto. Doon ay napalingon ako sa kadarating lang na si Tayshaun. Deretso itong tumungo sa may refrigerator. Binuksan at may kinuha na kung ano. "Alcoholic drinks are not aloud here." aniya Head sa apo, "Drink water instead, Shaun." Pabagsak na isinara ni Bubwit ang ref, dumiretso sa may sofa, doon ay pabagsak siyang humilata habang nag-ce-cellphone. Nginiwian ko ito bago ako bumaling sa lay Head, ulit. Ngayon ay ganoon din siya sa akin. Nginitian niya ako, bago sumulyap sandali sa butihin niyang apo. "Hindi ko na patatagalin pa, Miss Salvatera." May kinuha ito sa maliit na divider niya, at ibinigay ang brown envelope sa akin. "I'm sorry for what happened in the past days. Kinausap ko na ang apo ko, and he said, he wasn't say sorry." Kinuha ko ang envelope sa kaniya at pilit na ngumiti. "I know, Head. Sinabi niya na rin sa akin kanina." Pag- amin ko. Nanlaki Ang mata nitong tumawa." Did he what?" "Hindi raw po siya hihingi ng paumanhin." "Oh? Sinabi mo 'yon sa kaniya, Shaun?" Bumaling na naman ito sa apo niya. "Hindi ba at kinausap ka na rin ng Daddy mo?" "Saying sorry to those people I haven't done any mistakes isn't my job, Grandpa." "Pero iyon ang iniutos namin na gawin mo." "Gawin ang iniutos niyo, sinabi ko naman sa kaniya." Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang pinakikinggan ang mag-lolo na itong magsagutan. Nakakaexcite. "Where did you learned those kind of attitude, Shaun? Hindi ba at naturuan ka nang matinong asal noon?" Mariin, batid kong nagagalit na si Head. Pero iba talaga ang isang Tayshaun. Hindi nagpapatalo. "Sa inyo lang din, ho." "You..dumbass!" Napasigaw na ang Head, sa pagiging sarkastiko ng apo. Mas lalo tuloy na napadiin ang pagkakakagat ko sa aking labi. Ako na ang nahihiya sa pinasasabi ng apo niya. Kawalang respeto sa matatanda. Sa sarili niyang lolo. Bago pa lumala ang sigawan nila ay pumagitna ako. Tumayo ako at bahagyang yinukuan ang Head. Bumuntong hininga ito at napahilot muli sa sentido niya. "I'll go now, Head. Nandito lang po talaga ako para sabihin na hindi ko po matatanggap ang alok niyong pakisamahan at gabayan ang apo ninyo. Ayaw ko na pong madagdagan pa ang mga responsibilad ko sa buhay. Napakahirap na po, ngunit mas mahirap kapag ang apo niyo na ang pinaguusapan. Masiyadong buwis buhay." Ngumiti ako sa kaniya. "But that was I want to talk to you. Para humiling na huwag mong sukuan ang aking apo." Tila ay malungkot na aniya. Napatungo ako at nahihiyang umiling. Never pang humiling ang head sa akin, nang isang bagay. At sa unang pagkakataon, ito pang dahil sa apo niya. "Stop begged her, Grandpa. If she wants to put the opportunity to be successful in the trash, then let her be." Sa kalagitaan ng aming katahimikan ay nagsalita si Tayshaun. Tila nangmamaliit. Pinagkislot ko ang aking kamay saka matunog na bumuntong hininga. Sandali pa ang pag-yuko ko, bago ako nag-angat ng tingin sa kay Head. Na ngayon ay sapo na naman ang noo. Pilit Ko itong nginitian, bago iangat ang envelope na ibinigay niya kanina lang. "Mamaya ko na ho ito bubuksan para malaman kung ano ba ang nasa loob.." Bumuntong hininga ito saka tumango. "..and I hope.. Hindi masamang balita ang laman nito, Thankyou for your Consideration, Head director. Don't worry..matututo rin 'yang apo niyo. Baka nga ho magpatayo pa kayo ng rebulto niyan kapag naging matagumpay siya." Biro ko, "That will never happen. Tsk!" Sabat niya, "Kaso..kung puro doubts ang pinaiiral niya, ngayon pa lang ay magpatayo na siya ng sarili niyang rebulto. At lahat ng babaeng pinahirapan niya ay paluhurin niya at doon niya pagtripan." Umirap ako sa kawalan at muling yumuko para magbigay galang kay Head. "May pasiyente pa po kailangan asikasuhin bukod sa bubwit na kasama natin, head. Salamat." "Sana magbago ang isip mo, Miss Salvatera. Call us if you accept our offer. Take care." "Mm." By that, pumihit na ako patalikod para malingunan iyon si Tayshaun. Nakasandal ito sa headboard ng sofa. Deretsong nakatingin sa aking mga mata. Umirap ako at naglakad palabas. Katulad noong unang engkwentro namin dito, sa labas lang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin. MAKALIPAS ang ilang oras ay mas naging busy ako sa MDH. May mga pasiyente kasing galing sa sunog mula sa Sisiman. Eh,  sa sobrang dami ng tao ay hindi kinaya ang nga ito. Kaya imbes na nagpapahinga ako, naglilingkod ang aking inaatupag. "Doc Hershey, sa Room 10, kailangan daw bigyan ng Vitamins ang bata." Lumapit sa akin ang pinsan ko at inabot ang mga kakailanganin ko. Tinanguan ko ito at tinapos ang pag-lilinis sa sugat ng isang lalaki. Nginitian ko ito bago ako tumayo at niligpit ang mga gamit ko. "Nasa kabilang station lang si Doc Yaki, inaasikaso ang ilang bata." "Malala ba ang case ng ilan? May napuruhan?" Nag-aalalang tanong ko. Nginiwian ako nito at akmang ihahampas sa aking ang hawak niyang notes, nang samaan ko siya ng tingin. Bumuntong hininga ito at ngumuso. May napuruhan nga siguro? "Ang sabi sa news, magkakapatid ang naiwan sa loob ng bahay. Natutulog." Malungkot niyang kwento. "Oh, tapos?" "Nadedo sabay." Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, matapos ikwento ng pinsan ko ang tungkol sa magkakapatid na iyon. Nakakaawa. Na nagpapahinga lang naman sila, naging habangbuhay pa. Ganoon ba kalala ang naging epekto ng pagiging ganid ng ibang tao? Na hindi muna sinisigurong tama ang ginagawa, bago tuluyang hayaan ito? Na wala na silang pakialam sa mga pwedeng maapektuhan sa ginawa nilang bagay. Na katulad ng sa sunog na ito ay may mga nagbuwis ng kani-kaniyang buhay. Pati ang umuusbong nilang mga pangarap ay sumabay na rin sa kanila palayo sa mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD