CHAPTER 1: SA AYAW AT SA GUSTO MO

1174 Words
ALEXANDER'S POV Ayoko ng kasal. Hindi dahil hindi ako naniniwala sa pagmamahalan kung tutuusin, naniwala ako. Binigay ko ang lahat. Pero minsan, kahit anong alaga mo, aalis at aalis pa rin ang taong mahal mo. Tulad ni Elise. Iniwan ako sa gitna ng pag-asang may babalikan pa siya. Ang masakit? Mas pinili niya ang career niya sa New York kaysa sa akin. Mas pinili niya ang kinang ng mundo kaysa sa lalaking gusto siyang buuin. At nang malaman kong may iba na siyang kinakasama doon, parang tuluyang nilamon ng lamig ang puso ko. Kaya nang sabihin ni Dad na may business dinner kami at kailangan kong dumalo, hindi ko inakala na ito na pala ang simula ng isa na namang pagsubok. Pagkarating ko sa private room ng isang kilalang hotel restaurant, naroon na sina Dad at Mom. Nakaayos, nakangiti, at katabi nila ang dalawang taong pamilyar: sina Mr. and Mrs. Ford mga ka-negosyo ng pamilya namin. At sa tabi nila, isang babae. Maayos ang postura. Simple pero elegante ang suot na cream dress. Nakaayos ang buhok, at may kakaibang kapayapaan sa mga mata niya. At kahit ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit, alam ko agad kung sino siya: si Arabella Sapphire Ford. Anak ng associate ni Dad. Naririnig ko na ang pangalan niya noon pa. Tahimik, edukado, at... hindi ko inaasahang magiging fiancée ko. "Son, this is Arabella. Your future wife," ani Dad na parang wala lang. Napahawak ako sa sentido. "You can’t be serious." Ngumiti lang si Mr. Ford. "We believe both families will benefit greatly from this union." Union? Para akong binebenta sa auction. ARABELLA'S POV Kanina pa ako kinakabahan. Simula nang ipaalam sa akin ni Mama na may dinner kami kasama ang mga Huxley, hindi ko mapakali. At nang sabihin niyang may proposal para sa arranged marriage between me and Alexander Xavier Huxley, parang nabuhayan ang puso kong matagal nang nananahimik. Kilala ko siya. Hindi man kami nagkakilala noon ng personal, nakikita ko siya sa mga events, sa balita, sa business magazines. Isang lalaking matalino, seryoso, at may tindig na parang laging alam ang ginagawa niya. Matagal ko na siyang hinahangaan, kahit pa alam kong imposible. Pero ngayon, sa harap ko na siya. At ang unang reaksyon niya? Ayaw. Napalunok ako. Hindi ko pinapahalata, pero ang sakit. "Arabella, say hi," ani Mama, sabay ngiti. "Hi," maikli kong bati, pilit ang ngiti ko. Tumango lang siya. Hindi man lang makatingin sa akin ng matagal. Inilapag niya ang phone niya sa mesa at tumitig sa baso ng tubig na parang mas may koneksyon siya roon. Sa loob-loob ko, gusto kong sabihin, hindi mo naman ako kailangang mahalin agad. Pero gusto kong bigyan ng chance ito. Gusto ko siyang makilala. Hindi ko man hawak ang puso niya ngayon… baka sa takdang panahon, kayanin ng puso ko na hintayin siya. ALEXANDER'S POV Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal ng hapunan. Naging scripted ang bawat kilos ko kutsara, tinidor, tango, ngiti kahit wala naman akong gana. Ang gusto ko lang ay matapos ang gabing ‘to at makalabas sa lugar na ‘to. Pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang mapansin si Arabella. Tahimik siya. Hindi siya tulad ng ibang babaeng nakilala ko. Wala siyang arte, hindi siya nagmamadaling mapansin. Pero may presensya siya. Hindi siya nagsasalita ng marami, pero ramdam ko ang bigat ng mga mata niyang tumitingin sa akin. Hindi mapanghusga. Hindi nagtatanong kung bakit ganito ang ugali ko. Simple lang siya. Pero sa gitna ng gulo ng utak ko, siya lang ang kalmadong hindi ko maiwasang silipin. “Puwede ba tayong mag-usap sa labas?” tanong ko, medyo impormal, pero hindi rin bastos. Nagkatinginan ang mga magulang namin, sabay tango. ARABELLA'S POV Paglabas namin sa veranda ng restaurant, malamig ang simoy ng hangin. Tahimik. Ilang sandali kaming parehong walang imik. "Pasensya ka na kung medyo masungit ako kanina," bungad niya. “Okay lang,” sagot ko, kalmado. “Hindi rin naman madali ‘yung sitwasyon.” Huminga siya nang malalim. “Hindi kita kilala. At hindi ko alam kung anong iniisip ng mga magulang natin sa biglaang setup na ‘to." Tumingin ako sa mga mata niya. Malalim. Pagod. Pero totoo. “Pero hindi rin kita huhusgahan,” dugtong niya. “Hindi mo kasalanan. At kung totoo mang wala kang choice dito, pareho tayong bihag.” Ngumiti ako. “Hindi ako bihag.” Napakunot ang noo niya. “Matagal na kitang kilala, Alexander. Hindi man tayo nagkakilala ng personal noon, pero hindi kita kinakatakutan. Hindi rin kita tinatanggihan. Kung sa tingin mong sapilitan ‘to, puwede mo akong tanungin ngayon kung gusto ko ito.” Natahimik siya. “Kasi ang sagot ko… oo. Gusto kong makilala ka,” mahina kong sabi. ALEXANDER'S POV Hindi ko alam kung bakit ako napatitig sa kanya nang ganoon. Siguro dahil sa pagiging diretso niya. Siguro dahil sa tapang ng loob niya. Pero isang bagay ang malinaw hindi siya papet sa planong ito. Si Arabella… ay may sariling desisyon. At ngayon, ako ang hindi sigurado. “Hindi ako kasing buo tulad ng iniisip mo,” sabi ko. “Hindi ko naman kailangang buo ka,” sagot niya agad. “Gusto ko lang maging totoo ka.” Tahimik. Sa unang pagkakataon, parang may liwanag akong nakita sa gulo ng mundo ko. Hindi ko pa siya mahal. Pero parang gusto kong magsimula. ARABELLA’S POV Bago kami bumalik sa loob, narinig ko ang mahina niyang tanong. “Pwede mo ba akong bigyan ng kaunting panahon?” Tumango ako. “Bibigyan kita ng kahit gaano kahaba. Basta wag mo lang sanang hayaang sayangin ko ‘to.” At sa gabing iyon, wala pang kasiguraduhan… pero sa pagitan ng lamig ng hangin at init ng mga salitang binitawan, nagsimula na ang kwento naming dalawa. Hindi sa kung saan. Hindi sa isang iglap. Kung hindi, sa isang kasunduang may halong pangarap, takot, at posibilidad ng pag-ibig. Pagkapasok namin sa loob agad naman kami sinalubong ng ngiti sa labi ng mga magulang namin. Bumalik na ako sa upuan sa tabi ng mama ko. "Are you okay darling?" tanong ni mama sakin. "Opo ma okay lang po ako" Ngumiti siya sakin at hinaplos ang pisnge ko. "So Alexander, I hope na magiging maganda ang pag sasama niyo ni Ara" "Of course Mrs. Ford gagawin yan ni Alexander, am I right son?" Tumango lang si Alexander halatang napipilitan sa sagot. Tinapos na namin ang pagkain namin. Biglang binasag ang katahimikan ni Alexander. "Im sorry Mom and Dad I need to go may mga kailangan pa akong tapusin tonight" "Ganun ba anak okay mag iingat ka" sagot ni Mrs. Huxley. "Why don't you take Arabella son? ng sa ganun ay makapag usap pa kayo ihatid mo nalang din siya sa bahay nila" "Ahm hindi na po sasabay po ako kela mama po" sumagot na ako kagaad dahil alam kong ayaw ni Alexander sa naging desisyon ng daddy niya. "Alright dad, tapos ka na ba Arabella? hatid na kita pauwi" "Sige" maikling turan ko. Nag paalam na kaming pareho sa mga magulang namin at saka umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD