Alessia Pagsapit ng tanghali ay nagising na si Vincent at ito namang si Vaughn ay nandito pa rin na nakatulog dahil siguro sa pagod na rin. Pagmulat ng mga mata ni Vincent ay alam ko na ako agad ang hinahanap niya at napangiti naman ako nang magtama ang aming mga mata. Gusto niyang umupo kaya naman tinulungan ko siya. “Ano ang ginagawa ng lalaking ito rito at dito pa niya naisipang matulog?” tanong niya nang makita si Vaughn sa sofa. “Hayaan mo na siya. Pagod din siguro iyong tao lalo na at mukhang may problema pa iyan sa puso.” Kunot namang napatingin si Vincent sa akin. “What do you mean, Cupcake? May natitipuhan na siya?” Tumango ako at napangisi naman siya. “Unang beses na nangyari iyon ah? That asshole is a playboy.” “Grabe ka namang mag-bad mouth sa akin dude.”

