Alessia It’s been almost two months, and we can already see the fast progress of Vincent. Kung dati ay dahan-dahan pa lang siyang nakapaglalakad, ngayon ay naglalakad na siya ng pabalik-balik. Pero nakahawak pa rin naman siya sa railings kaya kunting practice pa ay talagang makagpaglalakad na siya tulad ng dati. Gusto kong tumalon sa sobrang saya pero kailangan kong mag-ingat sa aking mga galaw lalo na at sobrang istrikto ni Vincent. Hindi naman niya ako pinapagalitan pero agad niya akong sinisita oras na makita niyang delikado ang pagtakbo at pagtalon ko. Pawis na pawis na si Vincent kaya naman inabot ko kay Vaughn iyong tubig at mini towel niya. “Ngayon na malapit ka nang makapaglakad ay pwede mo nang ituloy iyong proposal mo kay Alessia.” Binatukan naman ni Vincent si Vaugh

