“Mama? Papa?” rinig kong sigaw ng tatlong taong gulang na anak namin ni Vincent na si Zeus. “Sh*t! Linock mo ba iyong pinto?” tanong ko kay Vincent at tumango naman siya. “Dali itago mo na iyang mga baril at baka mamaya ay makita pa iyan ng anak natin.” Mabilis naming tinago ang baril na ina-assemble namin para sa aming gagamiting misyon mamaya. “Mama? Papa?” sigaw niya ulit at nakita namin na parang sinisipa na niya ang pinto. Nang maitago namin ang aming mga baril ay agad na binuksan na ni Vincent ang pinto at agad na binuhat ang aming anak na iiyak na. Nakapanlabi na siya at nagbabadya na siyang pumalahaw ng iyak kaya buti na lamang ay naagapan namin agad. “Yes, baby?” tanong ni Vincent sa anak. “Papa, Hades is being mean to me again. He always makes fun of me and
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


