Alessia It’s been months simula nang kasal namin ni Vincent at ngayon na ang aking kabwunan. Malaki na ang aking tyan at medyo nabibigatan ako sa laki nito dahil para bang nasobrahan ko yata ang pagkain tuwing nagugutom ako. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagpapa-ultrasound ni Vincent dahil gusto ko siyang surpresahin sa mga magiging anak namin. Hanggang ngayon kasi ay ang alam niya ay isa lang ang anak namin at never na sumagi sa kanyang utak ang magkaroon ng kambal. Nandito pa rin ako sa California dahil tulad nga ng sabi ko ay hindi na muna kami bumyahe pabalik ni Vincent sa Italy dahil sa aking kalagayan. Sa ilang buwan namin na pananatili rito sa California ay nag-rent na lang muna kami ng isang bahay sa loob ng isang subdivision para maging safe naman ang aking pagbubuntis

