Alessia Mabilis lang na lumipas ang araw habang pinaghahandaan namin ang kasal namin ni Vincent. Hindi ako makapaniwala na ngayon na ang araw kung saan ay mag-iisang dibdib na kami ni Vincent sa wakas. Totoo pala talaga iyong sabi nila na parang nakuha na ng isang bride ang lahat ng sakit sa mismong araw ng kasal. Paano ba naman kasi kanina pa parang may lumilipad na paruparu sa aking tyan tapos ang bilis ng t***k ng aking puso na para ba akong aatakihin. Mah-high blood na yata ako dahil ang daming dugo na pinapump ang aking puso. Suot ko na ang aking wedding gown habang nakatitig lang ako sa salamin. Maya-maya ay bigla akong kinalabit ng aking maid-of-honor na walang iba kundi si Angel. “Hoy! Bakit ba parang libing ang pupuntahan mo at kanina ka pa nakasimangot ha? Kung hindi

