Alessia Nang makita namin ang bahay ng nagngangalang Sophia Jenkins ay hindi na lang namin ito linapitan. Kahit papaano ay may maaari na kaming lead kung nasaan si Sean. Kailangan na lang namin kunin ang impormasyon niya sa OA para makapagsagawa na kami ng plano. Lalo na at nararamdaman ko talaga na malapit si Sean sa babaeng ito na half-sister niya raw. Hindi ko alam na ito pala ang siyudad na kinalakihan ni Sean. Kahit papaano ay nakukuha ko ang gustong mangyari ni Sean sa kanyang buhay. Kasi kung ako rin siguro ang nasa lugar niya at gusto kong umalis sa isang maliit na siyudad at kakapit ako sa patalim para lang umangat sa buhay. Natamasa nga niya ang karangyaan na hinahanap niya pero tignan mo naman kung ano ang kanyang kinahinatnan? Imbes na yumaman siya sa tamang paraan ay y

